Marami nang tao nang makarating kami sa reception. Kaniya-kaniya kain na rin ang mga bisita. Nagpaalam si Delancy na magpapalit daw siya ng ibang gown na mas komportable. Mabigat daw kasi ang suot niya ngayon. Sinamahan ko muna siya hanggang sa loob. Pinababa niya sa akin ang zipper at hindi ko maiwasang maglaway nang makita ang sexy niyang katawan.
"Alam ko ang iniisip mo," sabi niya. "At ang sagot ko ay hindi. May mga bisita tayo sa labas na naghihintay. Save it for our honeymoon, love."
"But I've been celibate for a month, love."
"Kaunting tiis, guwapo kong asawa. Hayaan mo, sa honeymoon natin, maiiwan ang mga bata sa magulang mo. You can ravish me all you want. Kahit anong posisyon mo gusto sa kahit anong parte hotel room o ano pa man 'yang sex fantasy mo."
Ngumiti ako. Just imagining the wild things we'd do, I'm already having a hard on. Hinayaan ko na lang siyang magpalit at sabay kaming bumalik doon sa reception venue. Nakalimutan pala namin kaninang ihagis ang bulaklak at garter.
Nauna ako dahil hinanap pa ni Delancy kung saan niya iniwan ang bouquet niya. Si Jackson ang nakasalo ng garter at panay ang hiyaw niya. Nagtatatalon pa ito sa tuwa. Nang bumalik si Delancy, dala na niya ang bulaklak. Tumalikod siya at hinagis ang bulaklak, pero wala sa mga babae ang nakasalo nito. Nakipag-unahan sa pagsalo si Jackson at nang masalo ito ay patakbo siyang lumapit sa girlfriend.
"Mahal, tayo na ang susunod!" sigaw niya, nag-iwas naman ng tingin si Nessa.
Nagtawanan ang mga tao, si Daddy ay todo palakpak at si Mommy naman ay mukhang nahihiya sa pinaggagagawa ng bunsong anak niya. Nagkatinginan kami ni Delancy at sabay natawa. Umupo kami dahil magbibigay raw ng mensahe ang mga taing malalapit sa amin.
Nauna si Rogue. "Kasper, my dear cousin, congratulations! I'm happy for you, sa wakas at masaya ka na rin. Wala naman akong ibang sasabihin, 'yon lang naman ang importante. Sinuportahan mo ako sa mga katarantaduhan ko noon, at ang laki ng pasasalamat ko sayo. To show you how thankful I am, tinawagan ko lahat ng babae mo noon para bigyan ka ng mensahe. Mind you, it wasn't easy. My wife thought I was cheating!"
"Huwag mo akong dinadamay, at huwag mo akong kakausapin dahil may ibang babae kang kinausap!" singhal ng asawa niya.
Biglang naglakad si Jackson sa gitna na may dalang flat screen TV at sumasayaw pa na parang dancer na napapanood sa TV. Nang buksan ang TV, nag-play ang video at halos mamatay na katatawa ang dalawang gunggong na nasa harap.
It's a video of my flings when I was in America. Tama nga si Rogue, puro pagbati rin ang mga babae. Karamihan sa kanila ay may mga anak na at ang iba ay engaged na rin. Kinakabahang tumingin ako kay Delancy, I was expecting her to be mad but she's smiling throughout the whole video.
"Hindi ka galit?" tanong ko.
"No, why would I be? Sa totoo lang masaya ako."
"Masaya?"
"Oo. Akalain mo 'yon? Sa dami ng naging babae mo, ako ang kasama mo ngayon? I feel loved!"
Ngumiti ako at binalik ang tingin sa screen ng TV. Nang matapos iyon, nagsalita ulit si Rogue. "Did you like my gift, dear cousin of mine?"
"Fuck you." I mouthed, kung wala lang ang mga bata ay sinigaw ko pa iyon.
Now, it's Jackson's turn. "Jackson in the house!" sigaw niya kaya napairap ako sa hangin. "First of all, kuya Kasper, with no jokes and only seriousness, I am very, very handsome."
"Lumayas ka r'yan!" sigaw ko sa kaniya.
"Wala kang sense of humor," he huffed. "Salamat na lang dahil ginawa mo akong best man. I'll always have your back, bro. I may always joke around, but if you need a helping hand, huwag ako, busy akong tao." Akmang tatayo na ako para kaladkarin siya nang pinigilan ako ni Delancy. "Kidding again. But if you need me, magkapitbahay tayo, kuya, I'll help you with the best I can. I saw you struggle and get up on your own. I'm a proud brother, and you deserve happiness. Congratulations, kuya. And, oh, Delancy, thank you for marrying this sad ass motherfucker. Take care of each other, have a happy married life. Salamat sa masarap at libreng pagkain!"
Naiiling akong yumuko. Sumunod ang si Kassandra, ina ni Delancy, si Dad, si Mom, Dad ni Rogue, sila Rielle, Nessa, Chaos, ang isa pang kaibigan namin. Pare-pareho sila ng sinabi. Puro pagbati lang.
They asked us to speak as well. "Salamat sa pagpunta sa napakahalagang araw na 'to," sabi ko. "Some of you know kung ano ang pinagdaanan namin bago narating ang araw na 'to. Salamat sa mga mensahe ninyo, nakatutuwa, maliban na lang sa walanghiyang pinsan at kapatid ko. Enjoy, everybody." Tumingin ako sa kanilang dalawa ang nakataas pa ang mga kamay nila at kumakaway, si Jackson ay tumayo pa ay nag-bow.
Binigay ko naman kay Delancy ang mikropono. "Magandang araw sa lahat ng narito. Nasabi naman na ng asawa ko ang lahat kaya, I'll just take this opportunity to announce something very important." Tumingin siya sa akin at ngumiti, ako nama'y naguguluhan sa inasal niya. "I'm happy to tell you that... I'm two months pregnant!"
"Woah! Congratulations, nakarami ka na, Kasper. Wala pa ako ni-isa!" That was Jackson.
Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Delancy. Nawala sa pandinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa paligid namin. "Is that true, love? Buntis ka? Magkakaanak ulit tayo?"
Tumango siya. "Oo. Masaya ka ba?"
"Fucking yeah!" Sinapo ko ang pisngi niya at hinalikan ang labi niya. "Thank you, thank you, love."
Pagkatapos ng anunsiyo ay bumalik kami sa upuan namin. Kasama na namin ngayon sa table ang mga kamag-anak at iilang kaibigan namin. Lumapit sa amin si Tamara at mukhang may sasabihin.
"Daddy, what's pregnant?" she asked.
"It means, may baby sa loob ng tiyan ni Mommy mo. Soon, may kapatid na kayo ni KD."
"Baby? Sa loob ng tiyan ni Mommy? Did you eat it po?"
Umiling si Delancy. "Of course not."
"Then how did the baby get there?"
Tumingin sa akin si Delancy na parang nagtatanong pero kahit ako ay walang maisagot.
"Si Daddy mo ang naglagay r'yan," sabad na naman ni Jackson.
Bumaling sa akin si Tamara. "How did you put the baby in her tummy?"
"Uhm... I, ahm-"
Si Jackson na naman ang sumagot. "Injection."
I glared at him at inupo sa kandungan ko si Tamara. "You'll know when you grow up, sweetie."
"Okay po." She then walked back towards Mommy where her brother is.
"Gago ka talaga, Jackson."
"Well, I'm just being honest."
I tsked. I looked at Delancy and she was smiling. I leaned over to give her a kiss. "I love you, wife."
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...