Humihikab at pumipikit-pikit pa ang mata ko habang hinahalo ang kape ko at may hawak na libro sa kabilang kamay ko. It's six in the morning and I just finished preparing a meal for my pregnant wife. Natutulog pa si Tatiana ngayon, pero nasisiguro kong ano mang segundo ay magigising na rin siya.
"Kasper, help me get down please!" sigaw niya kaya napatakbo ako.
Pababa sa hagdan si Tatiana habang hawak ang ibaba ng malaking tiyan niya. It's been months since we got married. Narito kami ngayon sa America dahil dito niya raw gustong manganak. Naiwan sa Pilipinas si Tamara kasama ng tito Jackson niya. Kabuwanan na niya ngayon kaya dagdag pag-iingat ang ginagawa ko. Hindi naging madali ang pagbubuntis niya. Noong second trimester niya, madalas ang mood swings niya. Lagi niya akong inaaway noon, pero malambing pa rin naman siya. She also had a lot of weird cravings. Kung ano-anong prutas na halos mabaliw na ako kakahanap ang madalas kumuha ng interes niya noon. And the weirdest part, the raging sex drive. I once woke up with Tatiana riding me, at midnight.
"Baby Kate really likes moving in Mommy's belly," natatawang sambit niya at napahwak sa tiyan niya. Babae ulit ang pangalawang anak namin and we decided to name her Kate.
"Here's you breakfast, sweetie. Good morning." I gave a peck on her lips and then her bump. "Good morning din, Kate. Please don't make it too hard for Mommy."
Naramdaman ko ang pagsipa niya. Ilang beses ko nang nararamdaman 'yon. Sabi ni Tatiana, malikot raw talaga ang bata sa tiyan niya. Nakataas ang kilay ni Tatiana na nakatingin sa librong binabasa ko.
"Reading baby books again, I see."
"C'mon, sweetie, don't make fun of me. This is a new thing to me, and I aim to be the best father."
She chuckled then shook her head. "You'll do fine, asawa ko. You don't need books to be the best father. I know you'll be great. You'll take care of them and love them, right? Promise me."
I just nod my head and smiled. "I promise, asawa ko. Anyway, wanna call Tamy?" tanong ko.
Mabilis siyang tumango sabay subo sa kinakain niya. Nagpaalam akong kukunin ko ang laptop. Nilagay ko na rin sa shelf ang librong binabasa ko kasama ng ilan pang librong tapos ko nang basahin. It's six in the evening in the Philippines kaya nasisiguro kong gising pa sila at ayos lang tumawag. Nang magpakita ang mukha ni Jackson at Tamara ay hindi ko mapigilang matawa sa nakita ko. May hawak na fried chicken si Tamara at nagkalat ang sauce na sa tingin ko ay gravy sa bibig hanggang sa pisngi niya. Nilapag ko ang laptop sa harapan namin at kagaya ko, natawa rin si Tatiana sa itsura ng anak namin.
"Mommy, Adi!" masiglang bati niya sa amin. She turned four last month.
"You're such a messy eater, anak ko," natatawa pa ring saad ni Tatiana. "Anyway, have you been good to your papa Jackson and mama Nessa?"
"Yes, Mommy!"
"And by yes, she meant sleeping late, always messing with her mama Nessa's stuffs and pulling my hair," sarkastikong sabad ni Jackson at malakas na tumawa si Tamara.
"Talo ka lang sa bata. Tanggapin mo nang isa kang talunan." It was Nessa Fate who spoke.
"Love you, papa Jackson!" Jackson smiled and shook his head.
"Tamara, don't be troublesome. Baby will be coming out soon and you have to practice being a good girl. Mommy can't look after you while taking care of her. Anyway, I want you to know that Mommy loves you. Always take care, anak ko. I miss you." Tears formed at the corners of her eyes.
"Love you, Mommy." sagot naman ni Tamara.
"How about me?"
"You too, Adi."
"Kasper, we have to go. Tinatawag na kami ni Nessa sa kusina." sabad ni Jackson.
"Bye, Mommy! Bye, Adi!" Tamara said then disappeared in front of the screen. I heaed her frantically screaming and showing how excited she is.
Natatawang nagpaalam kami sa kanila. Kakain na raw sila ng dinner bago pa maubos ni Tamara iyong ulam nilang manok. Hinaplos ko naman ang pisngi ni Tatiana dahil tumutulo na ang luha niya.
"Don't cry, sweetie. Why are you crying?" natatawang tanong ko.
"I miss Tamara."
"I know, I miss her as well. Don't worry, three months after you give birth, we'll go back home go to the Philippines."
Tumango siya at niyakap ako nang mahigpit. "I love you so much, asawa ko."
"I love you too, asawa ko. Don't cry, hmm?"
"Let's cuddle after breakfast, please?"
"Sure, why the hell not?"
Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Hinalikan ko ang buhok niya at hinaplos ang likuran niya. Pagkatapos n'on ay nagpatuloy kami sa umagahan namin. Alam kong maghapon na naman kaming walang gagawin nito kung hindi ang humilata. For the past months, I never let her move around that much. I always tell her to take a rest at nasanay na rin siguro siyang humiga maghapon.
At hindi nga ako nagkamali. It's seven in the evening, I'm making dinner for us when I heard her yell my name from the living room. I quickly turned the stove and ran to her. Nakahawak siya sa tiyan niya at kitang-kita ko sa mukha niya na may masakit sa kaniya.
"Manganganak ka na?!" sigaw ko at tumango lang siya.
Mabilis akong umakyat para kunin ang mga bag niya at nang mailagay iyon sa kotse, siya naman ang binuhat ko. Nag-drive ako patungo sa hospital. Habang nasa daan, panay ang hikbi niya at kagat-kagat niya ang kaniyang labi. Inabot ko ang kamay niya at masuyong hinalikan iyon.
"Breathe, asawa ko. Practice your breathing." My heart is racing and I don't know what to do anymore.
"Kasper, your daughter is gonna end me!" she shrieked.
"Don't worry, you're gonna be okay." Hinawakan at hinaplos ko ang tiyan niya. "Kate, have a little patience, please, anak? Malapit na tayo sa hospital."
Panay ang lingon ko kay Tatiana na malalim ang paghinga at mariing nakapikit habang nakakapit sa braso ko. Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.
"Kasper, look out!"
And the last thing I remember was a car from Tatiana's side raging towards our vehicle, followed by a loud crash, then everything blacked out.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...