"Tatiana?!"
I stood still, not knowing what to say. Matagal kaming nagtitigan, walang ni isa ang nagsalita, nagpapakiramdaman lang.
Ilang taon ko na ring hindi nakikita si Tatiana. Mula noong umalis ako sa America ay wala na akong balitang narinig mula sa kaniya. Nakakagulat na makita ko siya ngayon.
"Love, who's there?" tanong ni Delancy na kalalabas lang mula sa kusina.
Sabay kaming napatingin ni Tatiana sa kaniya. Bakas ang pagtatakang rumehistro sa mukha niya. Lumapit siya sa amin at inanyayahang pumasok sa loob si Tatiana at saka kami pinaupo.
"My name's Tatiana."
"I'm Delancy, his fiancee." saad ni Delancy at inilahad ang kamay.
Mukhang natigilan si Tatiana sa narinig. Napansin ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa bata.
"Who's that baby?" tanong ko.
"Her name's Tamara, my baby."
"And where's her father?" usisa naman nj Delancy.
Pilit kong ipinigadarasal sa utak ko na sana mali ang iniisip ko. Hindi puwede. . .
"That's why I'm here." panimula ni Tatiana. "Kasper, Tamara is yours."
Para akong natigagal sa sinabi niya. Alam ko sa sarili kong hindi imposible ang sinasabi niya lalo na't ilang beses rin akong sumiping sa kaniya noon. Sinulyapan ko si Delancy na biglang natahimik. Hindi niya magawang tumingin sa akin. Nasa bata ang tingin niya, ilang beses pa siyang napalunok bago tumayo. Nagpaalam siyang iinom lang muna at iniwan kaming dalawa ni Tatiana rito.
"What are you talking about, Tiana?" inis na tanong ko.
"Tamara is your child."
"We're not sure about that."
"But I am, Kasper! You're the only guy whom I've been intimate with."
Natahimik ako sa sinabi niya. Posible nga bang ako lang ang nakatalik ni Tatiana?
"We have to conduct a DNA test."
Tumango siya pagkatapos kong sabihin iyon at ilang beses napalunok. Nagpaalam akong kukuha muna ng tubig. Nadatnan ko sa kusina si Delancy na nakatingin sa kawalan.
"Love," tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Hindi ko alam ang sinasabi niya."
Napabuntong-hininga siya. "Anong plano mo?"
"Magpapa-DNA test kami. Papatunayan kong hindi totoong sa akin ang bata."
"Paano kung sa'yo nga?"
Ako naman ngayon ang natahimik. Hindi ko rin alam ang mangyayari kung sakaling magkagan‘on. Hindi ko naman puwedeng ipagsa-walang bahala ang bata.
"Gagampanan ko ang responsibilidad ko bilang tatay n'ya, but that's it. Magiging maayos pa rin ang lahat, Delancy. Walang magbabago." hindi siya sumagot. "‘Di ba, Delancy? Walang magbabago sa atin?"
Hindi pa rin siya sumagot. Tumalikod siya at naglakad paalis kaya sinundan ko. Nadatnan ko silang magka-harap ni Tatiana sa sala.
"Look, I don't mean no harm. I'm happy that Kasper is finally getting married, but I want my daughter to have someone she can call her Dad." paliwanag ni Tatiana.
"You love Kasper." diretsahang sagot naman ni Delancy.
Nakinig lang ako sa usapan nilang dalawa.
"That's only before. I liked him, but a lot of things happened and I already moved on. I don't like him anymore."
"I'm also a woman, I know when you like someone and I don't like the way you look at my fiancee."
"Look, I'm not planning to sabotage anything. I badly want my child to have a father. She has the right to know him." mariing sagot ni Tatiana.
"Where are you living at this moment?" tanong ko.
Gabi na kasi at nandito pa sila.
"I arrived here a few days ago. It was hard finding you, but since your company is big, it got easier. I've been sleeping in the park nearby, I got nowhere else to stay."
Nagtinginan kami ni Delancy. Mukhang iisang bagay lang ang nasa isip namin.
"How about tonight? Don't you have somewhere else to go?" tanong ko at umiling si Tatiana.
"I could go back to the park, but I'm worried about Tamara. If it's okay with you two, I wanna ask if Tamara could spend the night here?"
Nag-isip muna ako ng isasagot ngunit nagsalita na kaagad si Delancy. "How about you?"
"I'll be fine."
"Look, you can stay here for the night. You can sleep here, and if it's fine by you, the child can sleep with us in our bedroom so she'd be more comfortable."
Tiningnan muna ni Tatiana ang bata bago inabot kay Delancy. Doon sa sofa natulog si Tatiana, sumunod ako kay Delancy na may dalang sa kuwarto.
Hiniga niya sa kama ang bata at tumitig rito.
"Medyo magkamukha kayo, love." saad niya.
"Delancy," hindi ko alam ang isasagot ko.
"Paano na kung anak mo talaga siya?"
"Kung gan'on, wala namang magbabago, 'di ba?" napabuntong hininga siya sa sagot ko.
"Kasper, sa totoo lang, imposibleng walang magbabago e’. Magkakaroon ka ng responsibilidad sa bata at kasama roon si Tatiana."
"Nagseselos ka ba?"
"I don't like the way she looks at you."
"Hanggang tingin lang naman siya. Ikaw ang mahal ko, hindi siya. It will always be you, not her."
"Sana nga ganiyan."
"Bukas na bukas rin, magpapa-DNA test tayo para magkaalaman na."
Tumango na lang siya at humiga para matulog, sumunod na rin ako pero hindi ako makatulog. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. One second we're fine and the next thing, baka masira na ang relasyon namin.
Pinilit kong matulog, hindi ko alam kung anong oras at kung paano pero nagawa ko pa rin.
MAAGA kaming umalis para sa DNA testing. Sinabihan kaming tatlong araw pa bago namin makukuha ang resulta. Sumunod kaming nagtungo sa dating nirerentahang apartment ni Delancy. Mabuti na lang at walang nagrerenta roon ngayon. Doon muna namin pinatira si Tatiana at ang bata. Ako na rin ang nagbayad doon kasama ng mga gamit na binili para sa bata.
Hangga't ako ang kinikilala ni Tatiana na ama ng bata, ako ang may responsibilidad sa kaniya. Nagkasundo kaming kung sakaling hindi ako ang ama, tutulungan ko siyang hanapin iyon sa abot ng makakaya ko pero sigurado si Tatiana na ako ang ama ng bata.
Naging tahimik rin si Delancy, halatang iniiwasan niya ako. Wala naman akong magawa. Siguro, kailangan muna naming mabuhay sa ganiyong eksena.
Kahit ilang araw lang. . .
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...