5

3.3K 58 1
                                    

Nandito ako ngayon sa office ko, pinapaikot-ikot ko ang swivel chair habang nagpapahinga.

Katatapos lang ng isang meeting, medyo nahirapan pa kami dahil si Rogue talaga ang nakakaalam ng mga detalye nito at huli na nang malaman namin ang pagpapaaga ng appointment ng mga clients.

Dahil d'on, nagkaroon rin ng kaunting problema kanina kaya pakiramdam ko pagod na pagod ako.

"I deserve to have fun tonight," bulong ko sa sarili.

Sinubukan kong tawagan si Delancy para sana tanungin kung gusto niyang sumama pero nakailang ring na ang cellphone niya'y hindi pa rin siya sumasagot.

Nagdesisyon akong daanan na lang siya pagkatapos ng trabaho ko. Mayroon na lang kaunting dokyumento na kailangang aralin at pirmahan ko kaya nama'y bumalik na agad ako sa pagbabasa ng mga ito.

Dalawang oras ang lumipas bago ko sila natapos. Umuwi kaagad ako at naghanda para sa pupuntahan ko.

Dumaan ako sa apartment ni Delancy at ilang beses kumatok. Limang minuto pa siguro akong naghintay sa labas bago niya ako pagbuksan. Nagulat ako sa itsura niya.

She's wearing a large shirt, her hair was tied in a bun but few of its strands are one her face, her eyes are puffy and her face is somehow, red.

"What happened to you?" tanong ko habang papasok.

"Ah, wala! Nanonood kasi ako ng K-drama" sagot niya at tumawa, halatang pilit.

Nagtaas ako ng kilay at matiim siyang tinignan.

"Bakit?" tanong niya nang mapansin ang titig ko.

"Anong nangyari sa'yo?" Pag-uulit ko sa tanong.

"Nanonood nga!"

Umupo ako sa tabi niya at tinitigan lang siya.

Mukha ba akong tanga para maniwala doon?

Sinalubong niya ang tingin ko, walang nagsalita sa amin hanggang sa bigla siyang napaamin.

"Fine, I'll tell you!"

Huminga muna siya ng malalim. "Hindi totoong natapos 'yong kontrata ko sa barko. I resigned" panimula niya.

"And?"

"Nagkaroon ako ng boyfriend, doon din siya nagtatrabaho. Matagal na rin kami, but he cheated. And the worse part? Ako pala 'yong kabit," sabi niya at pilit tumawa. Her laughs couldn't even hide the tears forming at the corners of her eyes. "Gago niya, sa ganda kong 'to, gagawin akong kabit?" she's trying to compose herself.

Tangina, ano bang gagawin ko? Should I hug her?

"It's okay," bulong ko.

"No, it's not. Masakit 'yong ginawa niya e'. Tapos kanina, tumawag siya, kasi gusto niya raw makipagbalikan sa akin."

Her last words bothered me, if she's this affected, does that mean she's still into him?

'Why does it bother me anyway,' saad ko sa sarili, para akong nakikipag-debate sa sarili ko.

"Do you still love him?" tanong ko.

"I don't know, I thought I forgot about him. But everything came back when we talked, bumalik lahat ng sakit, Kasper," saad niya at tuluyan na ngang naiyak.

Hindi ko alam ang gagawin ko, paano ba kasi mag-comfort?

Lumapit na lang ako at inakbayan siya sabay haplos sa braso niya, paraan ko ng pagpapatahan. Nagulat ako nang yumakap siya sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko. I enveloped my arms around her as I rub her back. Her sobs became louder.

"Honestly, Delancy, I don't know what to say. I don't know what to do either," bulong ko.

Her tears make me uncomfortable.

"Just cry until you're okay, hindi ko man alam ang sasabihin o gagawin ko, hindi rin ako aalis hangga't hindi ka tumatahan" sabi ko na lang.

Napahigpit ang yakap niya sa akin. Ilang minuto rin siyang umiyak habang nakayakap sa akin.

Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang luha niya.

"Bakit ka nga pala nagpunta rito?" tanong niya.

"Well, I was going to ask you kung gusto mong sumama sa bar mamaya but, I don't think it's a good idea," sambit ko.

"Sige, maliligo lang ako. Hintayin mo ako," sabi niya at tumayo.

"Are you sure?"

"Yeah, I need to forget," tumingin siya sa akin at ngumiti.

Hinayaan ko siyang gawin ang mga kailangan niyang gawin.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina, sobrang kinakabahan ako kaninang yumakap siya sa akin. It wasn't the first time I felt that, naramdaman ko na rin 'yon noon, when she and I first did it in America.

I don't like this feeling, it's suffocating me.

Lumabas siya sa kuwarto niyang nakasuot ng isang dress na maikli, hapit na hapit ang katawan niya. Manipis ang makeup niya pero litaw na litaw ang ganda niya.

"Tatayo ka r'yan o tititigan mo lang ako?" tanong niya kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Yeah, let's go," saad ko at nagmamadaling tumayo.

Nag-drive kami papunta sa bar, kung dati lang, mayroon na siguro akong kausap na babae but Delancy is with me.

Kailangan niya ng kasama ngayon. Nakailang tungga na rin siya ng alak, pinapanood ko lang siya. Minsan lang ako umiinom dahil ako ang magda-drive sa kaniya pauwi.

"Kasper," tawag niya sa akin, you can tell she's already tipsy.

"What?"

"Help me forget,"

Tumaas ang kilay ko sa tinuran niya.

"How?"

"Kinukumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko siya mahal at magaling lang siya sa sex kaya hindi ko siya makalimutan," saad niya.

"What does that have to do with me?"

"Kasper, let's be friends... with benefits," saad niya at muntik kong maibuga 'yong iniinom ko.

This is my chance to get my hands on her, a chance to fulfill my fantasy.

"No, are you crazy?" singhal ko.

Am I crazy? 'Tang ina, I feel like I want to say yes but it doesn't feel right.

"Hindi ba ako pasok sa standards mo para ikama?" malakas na sabi niya.

"That's not it, nadadala ka lang d'yan sa nararamdaman mo."

Napasimangot siya at napairap.

"Hindi rin ba uso sa'yo 'yong friends with benefits?" tanong niya.

"Uminom ka na lang at manahimik" sabi ko na lang.

"'Yon na lang 'yong hinihiling, ayaw mo pa. Anong kinakatakot mo? Na baka magkaroon ako ng feelings?"

It's the other way around.

"Hindi, sadyang ayoko lang. Lasing ka lang kaya mo nasasabi 'yan, Delancy."

Ilang oras pa kaming nanatili sa bar, ilang beses na rin niyang sinabi sa akin ang gusto niya. Gustong-gusto kong pumayag pero hindi ko magawa.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon