27

1.4K 24 0
                                    

Dalawang araw pa lang ang nakalipas pero ramdam ko ang pagkahati ng oras ko, bukas lalabas na ang resulta ng DNA. Sa dalawang araw na 'yon, mas lalo kong napansin ang mga bagay na hawig kami ni Tamara. Turns out she's turning three in a few months, masiyahin siyang bata. Natutuwa rin ako dahil kahit papa'no'y nakakasundo siya ni Delancy.

As for Tatiana, nag-usap na kami. Kaya raw niya ako hinanap dahil nahihirapan siyang palakihin si Tamara mag-isa. Walang pamilya si Tatiana, nagta-trabaho siyang janitress sa isang hotel dati sa America at doon ko siya nakilala. Siya ang unang babaeng natagalan ko ng buwan. Hindi ako sigurado kung relasyon bang matatawag ang kung anong mayroon kami noon, pero hindi ko itatanggi. Ilang beses na ring sumagi sa isip ko dati na pakasalan siya, pero noon lang iyon. Si Delancy ang mahal ko, sigurado ako roon.

Naaawa rin ako kay Tatiana. Nagkakasakit na siya dahil ilang buwan na pala siyang walang matinong kain. Simula raw kasi noong nanganak siya, hindi na siya nagkaroon ng permanenteng trabaho, puro na lang part-time dahil walang mag-aalaga kay Tamara, at 'yong perang binibigay ko noon ang pinagkasiya niya. Marami-rami rin kasi 'yon, balak niya dating mag-aral. Nakokonsensiya rin ako, kung hindi siguro siya nabuntis baka mas maganda ang buhay niya ngayon pero sabi niya, blessing ang bata.

Si Delancy, alam kong naiintindihan niya ako pero hindi niya mapigilang hindi magselos kay Tatiana. Halos ayaw na niyang papuntahin ako sa kaniya. Selos na selos siya rito.

"Kasper, I've been thinking. If you didn't leave America years ago, do you think any if this would happen?" tanong ni Tatiana habang binibisita ko sila at para ihatid ang pinamili naming groceries.

Naiwan si Delancy sa kotse, sinabi ko rin kasing mabilis lang ako at ayaw rin niyang makita si Tatiana.

"What do you mean, Tiana?" ‘takang tanong ko.

"If you stayed a little longer, we could've been happy, don't you think?"

Napaisip naman ako saglit sa sinabi niya.

"I'm getting married. We don't have to discuss those things." sagot ko na lang.

"It sucks, you know? It's been years and still, I am still in love with you. The son of my boss, the man who became my first everything. She's so damn, lucky to have you, I wish I was her."

Napabuntong-hininga ako. Mali ang sinasabi niya. Sumagi sa isip ko ang itsura namin kung siya talaga ang makakatuluyan ko, hindi puwede. Hindi maaaring si Tatiana ang pakasalan ko, ang puso ko ay kay Delancy lang.

"I'm not gonna ruin anything, it's just that," natigil siya saglit. "I love you, Kasper, more than you know. I wish I could turn back time and tell you this." saad niya at naglakad palapit sa akin.

Hindi ko inaasahang madudulas siya, mabilis ko siyang sinubukang saluhin pero huli na, nahila niya ako at hindi sinasadyang pumaibabaw ako sa kaniya sa sofa.

"Kasper!" sabay kaming napatingin ni Tatiana sa may pinto.

Nakatayo roon si Delancy, hindi ko maipaliwanag ang reaksiyon niya. Mabilis akong tumayo at humarap sa kaniya. Alam kong kung ano-ano na ang iniisip ko ngayon.

"It's not what it looks like."

Daglian siyang pumasok at sinalubong ng sampal si Tiana.

"Ang landi mo! Ang landi-landi mong babae ka!" singhal niya.

Alam kong may kasunod pa 'yon kaya pumagitna na ako sa kaniya.

"Delancy, stop. Wala kaming ginagawang masama," pagpigil ko.

"Anong wala, Kasper? Narinig ko lang sa labas na sinasabi ng babaeng 'yan na mahal ka niya, pagpasok ko nakapatong ka na! Ano 'yon, Kasper, ano?! Wala lang ‘yon, ha?!"

"Aksidente—" hindi ko natuloy ang sinasabi ko sa pagdapo ng palad niya sa pisngi ko.

"And now you're covering up for her!"

Biglang umiyak nang malakas si Tamara. Mabilis siyang pinuntahan ni Tatiana sa kanilang kuwarto. Bumaling ako kay Delancy, namumuo na ang mga luha sa mga mata niya.

"Malapit na tayong ikasal, Kasper. Huwag mo namang sirain." bulong niya.

"I'm sorry, it's really not what it looks like."

"Hindi pa nga lumalabas ang resulta, inaagaw ka na niya sa akin."

Niyakap ko siya. "Hindi ako maaagaw, Delancy. Sa’yong-sa‘yo ako."

Kumalas lang siya at lumabas na. Sinundan ko siya hanggang sa kotse. Tahimik kaming umuwi, hindi niya ako kinikibo. Sinusubukan ko siyang kausapin pero wala, hindi niya ako pinapansin.

Pagdating namin’g condo, hinila ko siya para mag-usap kami.

"Let's talk about this."

"Kasper, puwede ba’ng bukas na lang? Nakakapagod ang araw na ‘to, alam kong pagod ka rin."

"Delancy, walang matutulog hangga’t hindi tayo nagkaka-ayos."

Sinamaan niya ako ng tingin, "Pakiusap, Kasper! Mas lalala lang ang away natin kung pareho tayong hindi makapag-isip ng maayos. Puwedeng bukas na?!"

Natahimik ako. Padabog siyang nagtungo sa kuwarto at nauna nang natulog. Ako nama'y sa kusina muna. Naglabas ako ng ilang beer at nagmuni-muni. Paano ko ba pagkakasunduin si Delancy at si Tiana?

After three bottles of beer, I decided to go to sleep as well. Sinubukan kong hindi gumawa ng ingay papasok, tiningnan ko mula sa pintuan si Delancy. Nakatalikod siya sa akin pero nakita ko kung paano niya punasan ang kaniyang mukha gamit ang palad.

Tumikhim ako at pansin kong nagpanggap siyang tulog. Bago humiga, nag-half bath at  nagpalit muna ako. Tumabi ako sa kaniya at pinulupot ang braso ko sa beywang niya pero inalis niya iyon.

"Mainit," saad niya.

"Lakasan na lang ‘yong aircon."

"Sayang ang kuryente, Kasper."

Napabuntong-hininga ako, "I love you."

"Kasper, shut up. I'm sleeping, matulog ka na rin."

In the end, sinunod ko na lang siya. Ramdam na ramdam ko na ang panlalamig niya. It's only been two days but it's so hard. Our relationship is at the verge of breaking and what hurts me more is that, I don't know how I could fix this.

Kung sakaling anak ko si Tamara, hindi ko na alam kung paano ko aayusin ang lahat. It's gonna be a huge adjustment and we might have to cancel our wedding for the mean time

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon