54

1.5K 16 3
                                    

Hindi pa man sumisikat ang araw, narito na kami ni Delancy sa labas. Narito na rin ang motorboat na pinag-usapan namin ni Hugo kagabi. Madilim pa kaya naman ay panay ang ulit nito sa bilin niyang mag-ingat kami. Si Delancy naman ay takang-taka kung bakit kailangang ganito kaaga kami aalis at kailangan pang maiwan ang mga bata. Sinabi ko na lang na may titingnan kami sa parteng iyon. May isa ring sumama sa amin na sakay ng isang bangka. Siya ang magle-lead sa amin papunta sa islang sinasabi ni Hugo.

Pagkasuot ng life vest, pinaandar na namin kaagad ang makina at umalis na. Sakay ng speedboat, halos fifteen minutes rin bago kami nakarating sa maliit na isla. May isang malaking bato roon at iilang puno ng niyog na may mga ilaw. Sinabihan ko ang kasama namin na balikan na lang kami bago mag-alas siete at saka nagpasalamat. Naiwan kami ni Delancy na kaming dalawa lang rito.

"Ano ba kasing gagawin natin dito, Kasper?" takang tanong niya sa akin.

"Halika, maupo tayo roon." Hinila ko siya patungo sa malaking bato at naupo kaming dalawa roon. "Gusto kong panoorin ang pagsikat ng araw kasama ka."

"Hindi ba natin puwedeng gawin 'yon sa isla na lang?"

"Importante kasi ang araw na 'to para sa akin."

"Bakit? Hindi mo naman birthday, so bakit importante?"

I looked at her and smiled. "I love you, Delancy."

Nagtaas siya ng kilay. "Okay. I love you too. Pero nga kailangang dito pa natin panoorin ang sunrise?"

"Bago 'yon, may ikukwento ako sa tungkol sa araw." Pinagsiklop ko ang mga kamay namin at hinalikan ang kaniya. "Ayos lang ba sa 'yo? Makikinig ka ba?"

She chuckled. "You're so weird, Kasper, pero sige. Makikinig ako sa ano mang sasabihin mo."

"Three years ago, I married Tatiana." Nagsalubong ang kilay niya kaya hinalikan ko siya sa labi. "Sa Maldives ko siya inayang magpakasal, hapon na noon e', the sun was about to set. Alam mo 'yong sinabi ko sa kaniya?"

"A-Ano?"

"Na kasabay ng pagtatapos ng araw na 'yon ay ang pag-iwan ko sa lahat ng ala-alang pinagsaluhan natin."

"Bakit mo ba sinasabi sa 'kin 'to? Kasper, oo, tanggap ko na ang lahat ng nangyari sa nakaraan natin, pero bakit kailangan mo pang sabihin 'yan? Inaamin ko, nasasaktan pa rin ako." I saw her eyes glistened with tears.

Shit! Ito na 'yong sinasabi ko. Dapat talaga pinaghandaan konpa ang speech na sasabihin ko.

Mabilis kong pinunasan ang isang butil ng luha sa kaniyang pisngi. "No, it's a part of the story. Please listen, I don't mean anything bad. As I was saying, I did everything to forget, and I thought I did, but I was wrong. Sa mga panahong kasama ko siya, natutunan ko kung paano siya pahalagahan. I cared for her and I mistook it for love. Well, maybe I did love her, but as the mother of my children and- holy shit! What am I saying? Basta mas mahal kita, 'yon na 'yon!"

Mas lalong sumama ang ekspresyon sa mukha niya. "Keep talking, nakikinig ako."

"And then Jackson told me something about the sun. Sabi niya, iniiwan ng araw ang mundo kaya dumidilim, nagiging malamig, pero bumabalik din ito."

"Paano'ng nagiging madilim, e' may buwan naman? Maliwanag din 'yon! Kung kulang pa, e' 'di magsawa siya sa mga bituin!" singhal niya.

"Pero hindi naman mapapantayan ang init at liwanag na binibigay ng araw, hindi ba? Nananatiling madilim ang gabi, kaunting ilaw lang ang nabibigay nila."

Tumayo siya at naglakad papalayo. "Bahala ka nga sa buhay mo! Mahal kita pero wala kang kwenta kausap. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo r'yan. Kanina si Tatiana ang pinag-uusapan tapos ngayon naman mga buwan at araw, ano namang pakialam ko sa mga 'yan?"

Hinabol ko siya at niyakap mula sa kaniyang likuran. "My point is, you are like the sun in my life. You're the one that makes my day. Noong umalis ka, I was heartbroken and my world became dark. Tama ka nga, may buwan na nagbibigay ng panandaliang liwanag, si Tatiana, siya ang pinanghawakan ko nang mga panahong iyon, pero kailanman ay hinding-hindi ka niya mapapantayan. You will always stand alone."

Humarap siya sa akin na may mga luha sa mata ngunit may munting ngiti sa kaniyang labi. "Totoo ba 'yan?"

"You know what? Life without you, is like the Earth without its sun– cold, dark, scary. I wouldn't even call it life. So, love," lumuhod ako at nilabas ang isang singsing. "Will the sun of my life stay with me forever?"

She let out a small laugh. "Ang cheesy, pero kapag sun ako, e' 'di napaso ka na?"

I smiled. "I'd rather burn than spend another second without you in my life. So, here I am, on one bended knee, asking you again. Will you marry me, Delancy? Please, say yes again."

Tumango siya nang paulit-ulit. "Yes, Kasper! Yes na yes!"

I put the ring and it fits as if the universe made it for her. I lifted her up and spun her around making the both of us laugh. I caught her lips and she kissed back. Tumalikod siya sa akin ngunit nanatili akong nakayakap sa kaniya.

"Tingnan mo, ang ganda," saad niya sabay turo sa papasikat na araw. "Kung kasabay ng paglubok ng araw, ay ang paglimot mo sa mga alaala natin, ibig bang sabihin n'on, kasabay ng pagsikat nito, panibagong alaala rin ang ang bubuoin natin?"

I kissed her hair and rocked our bodies. "Mm-hmm."

"Nasaan na 'yong dati kong singsing? Iyong binigay mo noong unang beses tayong na-enggage?"

"Wala na 'yon."

Inangat niya ang kamay niyang may singsing. "Ang ganda nito, kaso sa itsura pa lang ay mamahalin na. Magkano 'to?"

"Ang mahalaga ay ikakasal na talaga tayo." I don't want to tell her how much it costs. She would freak out. Customized kasi ang singsing niya kaya mahal. Ayaw pa naman niyang nagiging magastos kami.

It's a vintage twisted ring with band made of genuine gold studded with an authentic heart-shaped ruby. Mahal ang singsing, pero mas mahal ko ang nagsusuot n'on, kaya wala akong pakialam sa presyo nito. At saka, bagay na bagay ito sa kamay niya.

"Alam mo ba kung bakit ruby ang napili ko?" tanong ko.

"Hindi. Bakit nga ba?"

"Because rubies ignite the sensual pleasure of life. Matagal na rin itong nagiging simbolo ng pag-ibig."

"Asus naman, pinag-isipan mo talaga 'to, 'no?"

"Hindi na nga. Pinilit lang ako ni Rogue at Hugo, kaya nga sablay 'yong pamatay sanang speech ko kanina."

Natawa siya at yumakap sa akin. "So, ano na ang gagawin natin?"

Pinangko ko siya kaya napatili siya. "Mamaya pa naman babalik 'yong kasama natin kanina. Sa ngayon, dito natin gawin ang hindi natin nagawa kagabi."

Buhat-buhat ko siya at naglakad patungo sa malaking bato at doon siya ibinaba. Mabuti na lang at hindi pa ito bilad sa araw kaya medyo malamig pa ang temperatura nito. Nang maibaba siya, hinubad ko ang suot kong sando at swimming trunks at gan'on din si Delancy. Nang tuluyan nang walang natirang saplot sa mga katawan namin, siniil ko siya ng halik ay kumubabaw sa kaniya.

"Kasper," bulong niya pagkatapos maghiwalay ng mga labi namin.

"Bakit?"

"Kailan pala ang kasal?"

I groaned. "Let's talk about that later, love. We're still fucking."

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon