42

1.5K 18 9
                                    

Three weeks passed, I've been busy taking care of the restaurant and Tamara just started school. May nakausap na rin akong abogado tungkol sa hakbang kay KD. At para hindi naman magulat o masindak si Delancy, I decided to pay her a visit and let her know. Mas mabuti na rin 'to para makapag-settle din siya sa abogado niya. Sa ngayon, hindi ko muna kasama ang abogado ko. Mag-se-set pa lang kami ng date para sa pormal na usapan.

After sending Tamara to school, naghanda na ako sa pag-alis ko. I hailed a taxi and went to Rome's house. Ilang beses akong nag-doorbell bago lumabas ng bahay si Delancy. Saglit siyang natigil nang makita ako. Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa akin na parang sinusuri kung totoo ba ang nangyayari.

"Can we talk?" tanong ko.

"Paano mo nalaman na nandito ako?"

"I have my ways."

Naglakad siya at binuksan ang gate pero hindi niya ako pinapasok. "Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin?"

"Puwedeng pumasok muna ako?"

Tumango siya at tumabi. Nauna siyang pumasok at iginaya ako hanggang sa sala. Nang makaupo kami, mahabang katahimikan ang nanaig.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin? Kung puwede sana ay bilisan mo, ayaw ni Rome na may bisita ako lalo na kung ikaw 'yon."

I scoffed. "I'm here to talk about our son. Gusto kong makuha ang kustodiya sa bata."

"Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit naman sa tingin mo ibibigay ko ang anak ko sa 'yo?"

"I suggest na ngayon pa lang maghanap ka na ng abogado. Handa akong paabutin 'to sa korte makuha ko lang ang anak ko. Here, this is my number. Tawagan mo ako kung kailan mo gustong i-settle ito at dapat, may abogado ka na rin."

"At kapag nakuha mo, ano'ng gagawin mo? Isisiksik mo siya sa pamilya mo, Kasper?"

"Kung ano ang gagawin ko kapag nakuha ko na siya ay wala ka nang pakialam. Kung isisiksik ko man siya sa pamamahay ko, at least ako na pamilya niya niya kasama niya. Hindi mo nga maalagaan ang anak mo!"

"Hindi totoo 'yan!"

"Ano'ng klaseng ina ka, Delancy? Bakit mo hinahayaan ang anak mo sa kung sino-sino habang nagpapakasaya ka rito?"

Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Nang tingnan ko siya ay namumuo na ang mga luha sa mga mata niya. Nanginginig ang mga labi niya at nagtaas baba ang dibdib niya. "Wala kang karapatang kuwestyunin ang pagiging ina ko kay KD. Una sa lahat, Kasper, wala kang alam sa mga hirap na pinagdaanan ko para sa kaniya. Wala kang alam sa mga nangyari sa buhay ko dahil wala ka nang mga panahong 'yon. I needed you to be with me, but you weren't!"

I snapped at her statement. "Because you left! Sa tingin mo mangyayari 'to kapag hindi ka umalis noon? Bakit mo isusumbat sa akin ang mga panahong wala ako gayong ikaw ang umalis? Sa tingin mo ikaw lang ang nangailangan? Delancy, for fuck's sake, I needed you, too! But you left me the time I needed you most."

Ngayon ay nag-unahan na ang mga luha niya. "Bumalik naman ako, eh."

"Kung bumalik ka, hindi sana ganito ang sitwasyon natin ngayon. Maybe you came back when it was already too late." Naalala ko nang makita ko siya nang magpa-check up si Tatiana noon. Sa dati naming condominium ko siya nakita, kung iyon ang tinutukoy niya, malamang sa malamang ay huli na nga ang lahat.

"Kasper," she whispered. "You moved on too soon. When I found out I'm pregnant, hindi ako nagsayang ng oras at bumalik kaagad ako. Akala ko kasi may laban na ako kay Tatiana, but I was so, so wrong. I came back hoping we could still fix our broken relationship, pero pagbalik ko, kasal na pala kayo ni Tatiana. Tell me, Kasper, ano pa ba ang magagawa ko nang mga panahong iyon gayong nasampal na ako ng katotohanang hindi ka na talaga magiging akin?"

Parang nalunok ko ang mga salitang gustong-gusto kong isumbat sa kaniya. So that's why she came back. Hindi ko alam na iyon pala ang nangyari. If only I knew, things could've been different.

"I'm sorry." I said. "I'm sorry if I hurt you. Alam kong nasaktan kita noon, pero gusto kong malaman mo na wala akong gustong palitan sa nangyari. Kung papipiliin ako, pipiliin kong ikasal ulit kay Tatiana. At least she knows how to be a good mother."

I stood up and walked away. Delancy followed me, still sobbing. Nang palabas na ako sa gate, dumating si Rome at nagkasalubong kami. Salubong ang mga kilay niya at halata ang inis nang makita ako.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin.

"I was just leaving. Sinabi ko lang kay Delancy na babawiin ko na ang anak ko."

Naglakad si Rome at hinapit sa beywang si Delancy at saka siya hinalikan. "Then why is she crying?"

"I don't know. Siguro ayaw lang niyang kunin ko ang bata. Mag-hire na kayo ng lawyer. Uulitin ko ang sinabi ko kanina, wala akong pakialam kung umabot tayo sa korte." I looked at Rome's hand on her waist then to her eyes. "Oh, and Delancy, please be happy with Rome."

There was a glint of pain in her eyes when I said that, "Kasper-"

"Umalis ka na, Kasper. You are not needed here." matigas na sabi ni Rome.

Ngumisi ako at naglakad papaalis. Dumiretso ako sa office para i-settle ang ilang papeles na hindi ko naayos. Kahit ano'ng gawin ko para intindihin ang mga nakasulat ay parang walang pumapasok sa utak ko.

I shook my head. What happened earlier is fucked up. Alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko, pero hindi ko napigilan ang galit ko. When she told me she came back, nakonsensiya ako. Her tears, I never want to see them. Gustong-gusto kong punasan ang mga luha niya, pero ano ang magagawa ko? Hindi na puwede. Rome is already with her.

"Please be happy with Rome." Fuck that. Saying those words felt like commiting suicide.

Ayoko. Ayokong maging masaya si Delancy sa kaniya. And I hate myself because her happiness is the least I could wish fo her, pero nayayamot ako. That should be me. Ako dapat ang kasama niya. Ako dapat ang mahal niya. I hate myself because after all these times, I'm still in love with Delancy.

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon