33

1.6K 18 32
                                    

Weekend came, narito na kami ngayon sa Maldives. I hailed a taxi for us to get to our hotel. Medyo may kalayuan ito kaya dalawang oras ang itinagal ng biyahe namin. Nang makarating kami sa nasabing hotel ay papalubog na ang araw. The hotel I checked-in is near the beach. Nasa tenth floor ang kuwarto namin. Medyo mataas na ito kaya kitang-kita ko sa teresa ang araw na unti-unting bumababa.

Si Tatiana at Tamara ay dumiretso sa bedroom at ngayon ay bagsak na ang katawan. I can't blame them, maski ako ay pagod na rin. Nagpa-room service na lang kami sa pagkain dahil pare-pareho na kaming hindi makalabas. Kailangan naming magpahinga kaagad para masulit namin ang stay namin dito.

"I've got the whole week planned." sabi ko kay Tatiana.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa mukha niya. "That's great! Thank you for this, Kasper."

Ngumiti lang ako bilang sagot sa kaniya. Nang dumating ang mga pagkain namin, tahimik namin itong pinagsaluhan. Napansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Tatiana at kapagkuwa'y ngumingiti.

"Something wrong?" tanong ko.

Umiling naman siya. "Nothing, just remembered something."

Hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na kumain. Nang matapos ay napagdesisyunang nilang dalawa ang matulog na. Ako nama'y nanatiling gising at nagtungo sa teresa hawak ang isang bote ng whiskey at baso. Kitang-kita ko mula rito ang napakagandang dagat. Bilog ang buwan kaya naman maliwanag ang paligid kahit gabi.

Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga habang iniisip ang patutunguhan ng buhay ko. Hindi ko man sigurado kung makakasagot, tumawag pa rin ako kay Jackson.

"Hello, Kasper? Bakit ka nang-iistorbo?" pasinghal na tanong niya.

"May balita ka na?"

Hindi siya nakasagot kaagad. "Sorry, kuya, wala raw. Hindi siya mahanap ng mga kinuha nating private investigator. Nakakapag-taka nga, wala namang Delancy ang nag-trabaho sa mga barko, they said."

"Sige, salamat."

Pinatay ko ang tawag at tumawag sa isa pang kaibigan ko, si Bruce.

"Hey, man. I have a good news and a bad one."

I was hoping the good news is about her. "What is it?"

"Good news is, I found Delilah, but her daughter is not here. There's no record about Delancy coming here to America."

"T-Thanks."

Pinatay ko ang tawag at huminga nang malalim. Sumimsim ako ng alak at napatingala habang nakapikit. Umihip ang malakas na hangin at kasabay n'on ay ang pagyakap sa akin ng dalawang braso.

"Kasper," tawag ni Tatiana at sumandal sa likod ko.

Nanatili naman akong tahimik, pero hindi ko na alam ang gagawin ko. If Delancy is nowhere to be found, then it seems like I might give up as well. Maybe, there's a better life waiting for me.

"Yes, Tiana?" masuyong tanong ko. Umikot ako paharap sa kaniya at sinapo ang mukha niyang nahaharangan ng ilang hibla ng buhok niya.

"I ruined your relationship, didn't I?"

Mabilis akong umiling. "Delancy left without saying goodbye. What happened between us stays between us, you don't have to blame yourself."

"Kasper, I love you." Her eyes glistened with tears. "I know this isn't the right time to say this, I know what you're going through, but I just have to get if off my chest. Kasper, am I too selfish to actually be happy about your break-up?"

My breath hitched for a second, then she started sobbing as she covered her face with her palms. "Tiana,"

"I'm sorry. I shouldn't have said that, I'm sorry Kasper."

Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon