~2 years later, Philippines~
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko at dahil na rin sa pagyugyog ng bata sa balikat ko na may kasamang sigaw.
"Daddy, wake up!" sigaw ni Tamara at tumalon-talon sa kama.
"Sweetheart, what time is it?" tanong ko.
"6:30,"
Great. She's waking me up this early. "It's too early to be this energetic, Tamy."
"Dad, you said you're gonna take me to the mall today. You said we're having a date. Wake up!" sigaw niya.
Wala na akong nagawa kun'di bumangon. Napabusangot ako dahil sa laki ng ngiti niya. Sobrang late na ako natulog dahil sa mga inaasikaso ko sa rebranching ng restaurant. Tumayo ako at inayos ang higaan. Si Tamara naman ay lumabas na sa kwarto ko. Hindi ko rin maintindihan ang batang iyon, may sariling kwarto pero dito pa rin natutulog sa silid ko. Pagkatapos maayos ng higaan, nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos.
Pagbaba ko, naabutan ko si Tamara na nagmi-mix ng instant pancake batter. Sa ilang sandali lang niyang ginawa 'yon, sobrang dami nang natapon at nalagyan niya ang kamay niya. Bahagya akong natawa nang makitang nakakunot ang noo niya at sobrang naka-focus sa paghahalo.
"Tamy, ang kalat naman," saad ko.
Kinuha ko ang apron at isinuot iyon at saka kinuha ang mini-mix niya. I started cooking breakfast. Siya nama'y kumuha ng basahan at pinunasan ang kalat niya at saka naghugas ng kamay. Pagkatapos n'on ay naglagay siya ng pinggan at baso sa lamesa. Kumuha rin siya ng gatas niya at nagsalin.
It's been two years since Tiana and Kate died. At first, it was hard. Naging mahirap lalo na't nasanay si Tamara na nasa tabi niya ang Mommy niya. But as time passed by, unti-unti rin niyang natanggap ang mga nangyari. She grew up responsible. She does things on her own most of the time. Lagi niya akong tinutulungan dito sa bahay. Minsan sumasama siya sa trabaho ko, minsan bumibisita kina Rielle at makipaglaro kay PJ, pero kadalasan nasa bahay siya nila Jackson na nanggugulo.
"Dad, I want a new toy," sabi niya nang makaupo sa lamesa.
"New toy? Anong klaseng laruan?"
"A doll, Daddy. I want one that looks like Strawberry Shortcake."
"Saan makakahanap ng gan'on?"
"Papa Jackson said they have on online. Can you buy it, Dad?"
Ngumiti ako at tumango. "Sure, sweetie. Minsan ka lang namang humiling ng laruan."
She clapped her hands and started eating her breakfast with a wide smile plastered on her face. Napailing ako at hindi mapigilan ang ngiti sa labi ko. My daughter is obsessed with that cartoon show and the color pink. Lahat ng gamit niya sa kwarto niya ay kulay pink. Heck, she even painted my nails pink once.
Pagkatapos kumain, habang naghuhugas ako, si Tamara ay dumiretso sa taas at naligo. I did the same after cleaning up. I wore a simple shirt and took my wallet and phone with me. Si Tamara ay nakasuot ng pink na dress. Mabuti na lang at tapos na akong maligo at magdamit nang kumatok siya sa kuwarto ko. She does this when ahe wants me to dry her hair and tie it. I took the blower and sat beside her. While blow-drying her hair, she's humming and chanting excitedly. I tied her hair in a ponytail after. Lumabas kamibat hinintay ang taxi'ng b-in-ook ko online.
Ever since that accident, I never drove a car again. Palagi akong nagbo-book ng taxi o 'di kaya'y sumasabay kay Jackson.
"Dad, taxi tayo?" Tamara asked while clinging onto my hand.
"Yes, sweetie."
"But we have our own car."
"Mas maganda na ang mag-taxi."
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...