Habang inaayos ni Delancy ang cake para kay PJ, ako nama'y nag-aayos ng sarili ko sa kuwarto. Sumunod ako sa kaniya sa kusina at nadatnan ko siyang inaayos ang cake at nilalagay ito sa lagayan.
"Love, go and get ready. Pupunta pa tayo sa simbahan." saad ko sa kaniya. Humarap naman siya sa akin at ngumiti.
"Oo na, saglit na lang."
Kakaiba ang ngiti niya habang inaayos ang cake kaya naman tinanong ko siya, "Masaya ka yata?"
"Wala nakakatuwa lang. Natutuwa ako sa mga bata."
"Gusto mo na rin?"
Sumulyap siya sa'kin at tumawa nang mahina, "Kung may nabuo na e' 'di mayroon na."
Natawa rin ako sa sagot niya. Nagpaalam siyang maliligo na at sinabihan akong ayusin at dalhin na sa kotse ang mga gamit namin na kaagad ko ring sinunod. Pagbalik ko'y tapos na siyang maligo at nag-aayos na. Pinanood ko siyang maglagay lang siya ng kaunting makeup at ngumiting humarap sa akin.
"Maganda na ba ako?" tanong niya.
"Matagal ka nang maganda kahit hindi ka maglagay ng mga ganiyan." sagot ko at mas lumawak ang ngiti niya. Lumapit siya sa'kin at yumakap saka niya ako hinalikan sa labi. Gumanti naman ako ng yakap sa kaniya at sandali kaming nanatili sa gan'ong posisyon.
"Siya, tama na ang lambingan. Tara na!" pag-aaya niya.
Dumaan muna kami sa bahay nila Rogue para tignan sila. Iniwan na rin namin doon ang mga sweets na ginawa ni Delancy kanina. Tuwang-tuwa pa siya noong makita niya si PJ. Alam ni Rielle at Rogue na tuwang-tuwa si Delancy sa anak nila kaya naman kinuha siyang ninang ni PJ. Pagkatapos n'on ay dumiretso na kaming lahat sa simbahan kung saan ginanap ang binyag. Marami ang dumalo, mga kaibigan namin, business partners at ilan pang bigating tao. May mga nanggaling rin sa ibang bansa para lang dumalo sa binyag niya.
"Ang cute talaga ni PJ, 'no? Ang ku-cute ng mga bata." sabi ni Delancy nang pabalik na kami sa bahay nila Rogue, doon kasi ang venue.
"Hindi ka naman siguro nagpa-parinig?"
"Love, gusto ko na rin ng baby."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga sinabi niya. Inabot ko ang kamay niya at dinampian ng halik ang likod nito.
"We'll work on that." sagot ko.
Nakarating na kami sa venue at kaagad nagtungo si Delancy kung nasaan si PJ. Nakangiti namang inabot ni Rielle ang anak niya. Tumabi sa akin si Rogue na nakatingin din pala sa kanila.
"Looks like you've finally settled." sabi niya.
"She's the one."
"Tangina, sana lahat may ganiyan." biglang sabi ni Jackson na nasa likuran namin.
Pareho naman kaming natawa. Nakwento niya sa amin kung paano siya sinusungitan ng bagong housemaid niya. Turns out she's the one he's been calling 'labidabs' and Jackson is head over heels for her, he's been doing crazy things just to impress her.
"Hindi ko alam na handa ka palang maging aso para sa isang babae, akala ko puro ka lang kalokohan." sabi ni Kass at tumawa.
"Mabuti sana kung aso lang, alam niyo bang tinawag niya akong garapata?" pagku-kwento niya kaya mas lalo kaming natawa.
Bigla namang dumating ang isa pang kaibigan namin, si Chaos. Kilala siya ng marami bilang si Kei Santos, isang baguhan pero magaling na aktor. Kaagad niyang binati si Rogue at inabot niya ang regalo para sa bata. Matapos ang pagku-kwentuhan namin, umalis na si Rogue para asikasuhin ang mga bisita nila. Bumalik na rin si Delancy at may dala-dala nang pagkain para sa aming dalawa. Naiwan kaming magkakapatid at si Delancy sa table.
"Ang gara ng binyag niya, may mga aktor at mga businessmen pa. May mga kiyemeng waiters pa! Partida, bata pa lang 'yan." manghang sabi niya.
"Kung gusto mo mas maganda pa ang magiging binyag ng anak natin." sabi ko at sumimangot siya.
"Sa totoo lang, Kasper, hangga't maaari ay ayokong masanay ang anak ko, magiging anak natin sa marangyang buhay. Gusto kong simple lang siyang mamuhay." sabi niya.
"Bakit naman?"
"Hindi mo alam kung hanggang kailan mo maibibigay ang mararangyang bagay sa kaniya. Oo nga't kabi-kabila ang mga negosyo mo at ang Dela Vega Group of Companies ang isa sa pinakamalaking kompanya hindi lang dito sa bansa pero, hindi natin alam ang tadhana. As much as possible, I want my child to be ready for whatever the world would throw at him or her."
I suddenly felt relieved. Base sa mga sinabi niya, sigurado na akong magiging mabuting ina si Delancy, strikto ngunit mabuti. Bigla namang dumating at umupo sa table ang mga magulang ko.
"Hija, hijo," sabi ni dad.
"Kailan naman kaya namin mararanasan ang binyag ng sariling apo namin?" pagpaparinig ni mommy.
"We're taking care of that, mom." sagot ko at humagikgik siya.
Bumaling siya kay Delancy at kinausap niya "to, "Delancy, hija, thank you."
"Para saan po, auntie?" takang tanong ni Delancy.
"Pakiramdam ko dapat kaming magpa-salamat sa'yo dahil masisiguro na naming hindi tatandang mag-isa ang anak ko. Alam mo bang minsan ko nang ipinagdasal na sana'y 'wag siyang mamatay na womanizer?" sabi ni mommy at muntik na akong mabulunan.
"Payag ka n'on, pinapatay ka na ni mommy?" tanong ni Jackson na nakangisi.
"Hala, auntie, nagbago na siya. At saka hindi niyo naman po kailangang magpa-salamat dahil desisyon naman po naming dalawa ang mag-settle."
"Please, take care of our son, hija? Hindi na siya bata pero hanggang ngayon ay kapakanan pa rin nilang magkakapatid ang madalas naming inaalala lalo na kapag nasa America na kami."
"Don't worry, uncle, auntie, ako na ang bahala sa kaniya." sagot ni Delancy at ngumiti sa akin.
"Ayie, ang tamis naman niyan!" panunukso ni Jackson.
"How about you, Kassandra, Jackson? Sino naman ang mag-aalaga sa inyo? Mayroon ba?" tanong ni mommy.
"Punta kayo sa bahay ko, ipapakilala ko si labidabs." sagot ni Jackson at pumalakpak naman si Mommy.
"Kassandra, hija, how about you?"
"Ako, mommy. Ako po ang nag-aalaga sa sarili ko. Sa totoo lang po, gusto ko sana i-extend ang pagbabakasyon ko. Nakakatuwa pala sa islang 'yon." sabi niya.
"Baka naman natutuwa ka sa nasa islang 'yon?" tanong ko pero umirap lang siya.
Inabot ba kami ng ilang oras na nagku-kwentuhan doon bago namin naisipang umalis.
"Bye, auntie, uncle, Kass, Jack, bye na." paalam ni Delancy at sabay kaming nagtungo sa kotse.
"Love?" I called.
"Hmm?"
"Pagdating natin sa condo, simulan na nating gumawa ng sanggol." sabi ko.
"Hala, sige, gusto ko 'yan!" excited niyang sabi at natawa kaming dalawa sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Burning Desire (Alejandrino Trilogy 1)
General Fiction12.20.22 Already in his early thirties, Kasper Alejandrino is still a philander. His life revolves around partying, fcking women he desires and leaving them as if nothing happened. He doesn't believe in commitment, not until he crossed paths again w...