Prologue

13.2K 216 15
                                    

#LMAForeshadow




*Knock*


*Knock*




"Come in"




"Hey, how's my baby doing?"




"Mom..." tumayo siya mula sa sofa at sinalubong ang kanyang ina ng isang masigla at mahigpit na yakap.


"Ready ka na ba ija?"inakap din siya nito at Pagkatapos ay bahagyang inaayos nito ang kanyang Kwelyo at Bow tie.




"I'm more than ready Mom" hindi maexplain-explain ni Tony kung gaano siya kasaya ngayon. Halo-halo din ang emosyong nararamdaman niya - kaba, excitement, galak at in love.


Ngayon ang araw na pinakahihintay niya. Ilang months din niya itong pinaghandaan at siniguradong ito ay ang magiging pinaka memorable na araw para sa kanilang dalawa.


Mula sa designs, color themes, reception at ang lugar na kung saan sila mag ho-honeymoon, inasikasong mabuti ni Tony. Hindi pa legal ang same sex marriage dito sa bansa pero she manage to find a Pastor from the other country to bless their special day. Gaganapin ang kasal sa isa sa mga private vacation house na pagmamay-ari ng kanyang ina doon sa Palawan.




After noong new year's eve, hindi na sinayang ni Tony ang lahat ng pagkakataong maligawan si Andria. It didn't took her long din since mutual na din yung feelings nila sa isa't-isa. After their 2nd anniversary, Tony decided to propose to her and here she is now, Ready nang mag tie-a-knot sa babaeng head over heels na kinaiinlove-an niya.


"It's time now Tony, punta na tayo doon. Every one's waiting already..." Kumatok naman ang Dad nito na kagaya niya ay ubod din ng saya, ngayon na nagkabalikan na din sila ng Mom nito. Masaya din siya para sa kanyang unica-ija.


'This is it Timmy. Sana masaya ka para sa amin at sana din wag mo akong multuhin' napangiting wika nito sa sarili habang naglalakad papunta sa venue.


Halos lahat ng mga naimbita nila ay nandoroon na sa Garden. Masayang nagkukwentuhan at nagaabang sa Groom at Bride-to-be.


"Congratulations dude" bating salubong ni Joe sa kanya ng makarating ito sa center aisle.

"Thanks bro" at nagbro handshake sila.

"I'm happy for the both of you. Wag mo siyang sasaktan ahh, alam mo na yung consequence!" sabay kindat nito sa kanya.

"Never mangyayari yan!" bahagya namang sinuntok ni Tony si Joe sa braso. Inakbayan lang ng kaibigan ang Groom at sabay silang naglakad papunta sa harap.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon