#LMAFaceOff
Nang makalabas na si Joe mula sa opisina ay aakma sanang susugod at susuntukin ni Paul si Tony.
"Is that how you work professionally?" tanong ni Tony na siyang ikinahinto niya. Nagsmirk lang ito sa kanyang at umupo sa kanyang swivel chair. "Please, take a seat"
"I will not take a seat!" sigaw nito.
"ah eh ikaw, ikaw naman yung mapapagod" wika ni Tony.
"why are you doing this to me? To us? Naghihiganti ka ba sa amin?!" panimula niya.
"tsk tsk tsk, napaka unprofessional mo talaga kung magisip Mr. Laurel"
"I'm asking you a fucking question?!"
"ohhh take it easy ka lang. Mahirap na mapagod ka ng sobra, lalo na't nakatayo ka lang jan"
"Ano bang problema mo! at ano naman kung nakatayo ako?!"
Natatawa lang si Tony habang pinagmamasdan ang galit na galit na si Paul. Napacross arms ito at sumandal sa kanyang upuan.
"Kung yung dahilan mo ay yung break up ninyo ni Andria, wala akong kasalanan doon! Labas na kami doon!" nagbago naman ang expression ng mukha ni Tony. "Oo inaamin ko, pinlano namin ng kapatid kung kunin sayo yung taong pinakamamahal mo kasi napuno siya ng insecurities sa companya mo at ako naman, na ang tangang sunod-sunoran na kapatid ay nagpauto naman sa kanya. Pero our plan never succeeded. Akala ko sumama sayo si Andria kasi after that night, hindi ko na siya nakita muli."
Nanlaki nman ang mga mata ni Tony ng marinig niya ito. Napatingin ito kay Paul at sinisiguradong nagsasabi ito ng totoo.
"Believe me or not, almost 1 year ng hindi nagpapakita si Andria. I tried asking her family pero ni isa sa kanila hindi nagsasabi kung nasaan ang anak nila. I also tried hiring a private detective kaso up until now, hindi niya pa din ito nakikita." pagpapatuloy nito.
"Please" napaluhod na si Paul sa harapan niya, "nagmamakaawa ako. Kahit hindi sabihin ni Dad ay alam kung nalulungkot ito dahil sa nangyari. Pinaghirapan niyang itayo yung companya at ayokong basta-basta na lamang itong mawawala sa kanya."
"at mawala sayo" napatingin si Paul sa kanya.
"Tumayo ka na jan at hindi bebenta ang kadramahan mo." umikot si Tony at napatingin sa may labas ng bintana.
Tumayo din naman si Paul, "h-hindi ka na niniwala?! Pero totoo lahat ang sinasabi ko."
"Labas na si Andria sa pagbili ko ng companya ninyo. With or without her naman din, bibilihin ko din naman ang companya ninyo. Nagsasayang ka lang ng oras dito Mr. Laurel. Kahit umiyak ka pa jan na parang bata, hinding-hindi na magbabago ang isip ko."
"Ang Yabang mo! Porket kayang-kaya mong kunin ang lahat na parang laruan!"
"at para ka namang bata jan na naagawan ng laruan at nagmamakaawang isauli ito sayo. Well, I'm sorry Mr. Laurel, I cannot give what you want." Umikot ito muli at tumingin sa kanya. "Now get out or else I'll call the security and they'll drag you out!"
"Hindi pa tayo tapos!" punong-puno ng galit ang mga mata ni Paul.
"No Mr. Laurel, we are done. Kaya ako pa sayo, magtatrabaho na lang ako, before kita paalisin ng tuluyan at mawalan ka na talaga ng posisyon sa Companya KO" sabay ngiti naman ni Tony sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/38701356-288-k48540.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fiksi Penggemar*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved