Chapter 24

3.4K 99 7
                                    

#LMADevastated

Ilang linggo na din ang nakalipas mula ng makarating sa States sina Tony at Joe. Since then, lagi na lang nakamukmum si Tony sa loob ng kanyang kwarto.


Walang ganang kumain.


Walang ganang kumilos at laging nakahiga.


Kung hindi natutulog, its either umiiyak o natutulog.


"Tony, iha kain kana" pumasok ang Mom nito sa kanyang kwarto, dala-dala ang isang tray ng pagkain. "Pinagluto kita ng paborito mo"

Ngunit gaya ng palagi nitong ginagawa ay hindi ito umimik at nakatulala lang.

"Anak, wag ka ng ganito oh. Nahihirapan na si Mommy sa tuwing nakikita kang ganito" mangiyak-ngiyak na wika ni Mrs. Gonzalez.


"Tony . . ."


". . ."


Sighed.


"iiwan ko na lamang itong tray dito. Please kumain kana okay" wika niya sabay latag ng pagkain sa may study table nito. Kinuha niya naman yung isang tray na supposed to be for breakfast. Kaso napanis na lamang ito dahil ni kutsara hindi ginalaw ni Tony.

Lumabas sa kwarto niya si Mrs. Gonzalez with a very depressing face.

On her way down, sinalubong naman ito ni Joe. "Good Afternoon Tita, di pa rin po ba ito kumakain?" tanong nito ng mapansing dala-dala ni Mrs. Gonzalez yung napanis na pagkain.

"one week na siyang walang maayos nakain Joe. Kung kumain man ito, isa o dalawang subo lang. Madalas tubig lang ginagalaw niya. Pumapayat na din ito." Malungkot na wika niya. "Baka bukas, papalagyan ko na talaga siya ng dextross bago pa siya ma dehydrate. Joe ano ba talaga nangyayari sa kanya?"

"Tita, naghiwalay na kasi sila ni Andria"

"hindi yan ang ibig kung sabihin. Nasabi mo na sa akin 'yan nung dumating kayo dito" Bumaba silang dalawa at pumunta sa may sala.

"Kasi po Tita, hindi po ako sure pero sa tingin ko po depression yung nangyayari sa kanya. Emotionally unstable po kasi si Tony. Last time na nakita ko siyang ganyan is yung binasted siya ni Andy, yung first love niya which is ex ko na ngayon." Sagot nito.


"Nakita ko din si Tony na nagkaganyan noong nagkaroon sila ng hidwaan ni Tito."


"are you suggesting na ipatingin natin siya sa doctor?" worried na worried ang mukha ni Mrs. Gonzalez ng magnod si Joe sa kanya.

"I think kailangan niya po" Naputol ang kanilang paguusap ng biglang dumating si Mr. Gonzalez.

"Joe" tawag nito.

"Tito" sabay tayo niya.

"Dala mo na ba yung files na pinapaasikaso ko sayo?"

Itinaas ni Joe yung folder na bitbit-bitbit nito.

"para saan ang mga yan?" tanong naman ni Mrs. Gonzalez na ngayon lang napansin iyong folder na hawak niya.

"we're doing some business hon" sagot ni Mr. Gonzalez at kinuha yung folder. "kung pwede ay hihiramin ko muna itong si Joe dahil may paguusapan kami"

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon