Chapter 4

4.5K 127 2
                                        

#LMAHidingSecrets


[Kinabukasan]

Andria's POV

Nagising ako dahil sa maiingay na boses na nanggagaling sa ibaba. Bumangon ako at bago lumabas ay nagtungo muna sa banyo upang gawin yung mga morning rituals ko.

"Ma?"

"Oh, iha gising ka na pala..." wika sa akin ni mama.

"Hi Chloe.." medjo nagulat naman ako ng makita ko si Pam. Naka-suot ito ng apron at mukhang tinutulungan niya si mama sa paghahanda ng breakfast.

"Pam?"

"Sorry kung napaaga ako sa pagpasyal dito. Nakakaloka kasing mag-isa, super nakakabagot dun sa Hotel kaya I decided na i-visit kayo. I went to our old house na din kanina and I also decided to stay there for a while..." inilapag niya sa lamesa yung niluto niyang bacon and egg. "Naisip ko lang din na maybe this is a good way for us to bond and catch up things.." nakangiti niyang wika sa akin, "come, let's eat.."

"Lam mo iha, ang kulit-kulit pa din nitong si Pam-Pam, nagpumilit ba namang magluto. Nakakahiya tuloy" wika naman ni Mama.

"Ano kaba tita, para naman kayong iba sa akin. Halos dito na ata ako lumaki sa inyo dati ano. While busy sa pagpapayaman yung parents ko, I spend most of my childhood here sa bahay na ito..."

"kamusta na pala yung parents mo?" tanong ni mama sa kanya while ako tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa.

"well, same as the old parents that I used to have. Busy pa din sa mga companies nila, I mean sa company ni Dad. My mom passed away na kasi, like 4 years ago.." medjo lumungkot yung tono ng boses nito.

"sorry to hear that.." sabi ni Mama

"No it's okay tita. Mom died peacefully din naman so, I know she's doing fine na din doon sa heaven."

"How about your dad?" tanong ulit ni mama. Mukhang silang dalawa na lang din naman ang nagbobonding.

"hmmmm... he's doing fine. Kahit alam kong namimiss niya si Mom, he's still trying his best to live on his life. Buti na lang din andidito kami ni Paul to help him run his business..."

"Kamusta na nga pala si Paul?" lumabas na lang bigla sa bibig ko yung tanong.

"well, he's doing fine. Medjo malaki na din yung pinagbago niya and he's not the young kiddo na masakitin like we used to know before.." nakangiting kwento ni Pam sa amin.

2 years lang ata yung gap ni Paul kay Pam at dahil sa late pumasok si Pam, naging magkaklase silang dalawa though-out the school days. Napagkakamalan din silang kambal minsan lalo na't mahilig 'tong si Pam na bumili ng same shirts para sa kanya at sa brother niya.

"pinapakamusta ka din pala niya sa akin, namimiss ka na nun" ngumiti ng nakakaloko sa akin si Pam at alam ko yung mga ngiting iyon. Dati pa lang din kasi pinipair na ako neto sa kapatid niya, pero kahit anong pilit ko din naman, wala din naman akong naging feelings sa kanya. I wonder kung ano na ang itsura niya ngayon.

"Magbabakasyon din pala si Paul dito" I was back-to-earth ng marinig ko iyon, "... Sobrang nakakastress kasi to the both of us yung paghahandle ng business for the passed months. Alam mo naman sa business world kung gaano ka crucial yung competition. But anyway, may tinatapos na lang yun at not long ay pupunta na siya dito."

"hmmm..." tinapos ko na yung pagkain ko.

"nga pala, yung boyfriend mo Andria kailan ko ba siya makikilala?" muntik nman akong mabulunan ng marinig ko yung tanong mula sa kanya.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon