Chapter 14

3.3K 95 0
                                        

#LMAOuting

Andria's POV

Naiinis ako kay Tony, pagisipan ba naman ako ng masama!


haist


Kung minsan talaga parang nawawalan na talaga ako ng gana sa kanya, lalo pagka nagaaway kami. Ang hirap, ang hirap pala talaga ng LDR lalo pa't panay yung tampuhan at pagaaway n'yo. Di rin maiiwasan ang pagdududa at ang paghihinala.

"umiwas ka na kasi...." napalingon naman ako at nakita ko si Andre nakasandal sa may pintuan. Nasa may balcony kasi ako ngayon, nagpapahangin lang. Holiday kasi, kaya wala akong pasok sa office ngayon at tambay lang ako sa bahay.

"Andre?" tawag ko sa kanya. "ikaw talaga bata ka, kung saan-saan at pabigla-bigla ka na lang kung sumulpot" wika ko sa kanya.

"umiwas ka na kasi bago pa lumaki ang gulo" wika niya ulit sa akin.


'tong batang toh talaga, kiramiraming alam. Kung ano-ano din pinagsasabi, di ko naman nagegets.


"ang alin?" nalilito kung tanong sa kanya. Ngunit imbis na sagutin ay ayun nag walk out na naman.

'May pinagdadaanan ba 'tong batang toh?' wika ko sa sarili habang hinahatid ko siya ng tingin.

Naputol ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko yung phone ko.

Inaasahan kong si Tony yung tumawag kaso, hindi pala. Si Pam pala yun.

"Chloe?" masiglang bati nito ng sagutin ko yung phone.

"Hi Pam musta?" tanong ko sa kanya.

"outing tayo!" halos mabingi naman ako sa boses niya, "...tutal holiday naman. Sama ka sa amin ni Paul, mag be-beach kami" pag-aya niya.

Natahimik muna ako at napaisip. Nalala ko kasi si Tony, not in good terms pa kasi kami ngunit di naman ibig sabihin nun basta-basta na lamang ako sasama kina Pam at di na magpapaalam sa kanya. I'm still her girlfriend pa din naman at di ako single para pumayag at pumunta kung saan-saan without her knowing it.

"Hello Chloe, anjan ka pa?" tanong sa akin ni Pam.

"ah-ehh, pagiisipan ko--"

"wag na! naka set na lahat. Ikaw na lamang yung inaantay namin nasa labas na kami ng bahay n'yo" wika nito sa akin na siyang ikinagulat ko.

Napatingin ako sa baba mula sa balcony at ayun nga, nasa baba na sila. Kumakawaykaway pa itong si Pam habang nakita ko namang nakangiti din si Paul sa akin.


He's back *insert happy face*


wait,

I stepped backward at napailing-iling.


Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon