Chapter 53

3.4K 107 6
                                        

#LMAWondering

Andria's POV


Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi at napansin kong wala si Timmy sa aking tabi.


"Timmy?" kahit antok na antok pa ako ay bumangon ako mula sa kama para hanapin siya. Napansin ko ding nakabihis na pala ako. 'Teka, di ko naman matandaan na nagbihis ako kanina ah. Di ko nga din napansin na nakauwi na pala kami. TEKA NGA!! WAG MONG SABIHING!' napatakip ako sa dibdib ko habang naiisip ang isang bagay na di ko alam kung tama ba o hindi. 'Naku Timmy, sana nga lang hindi ikaw nagbihis sa akin kundi PATAY ka talaga sa akin.' 


Napadaan ako sa isang salamin at kahit madilim ay naaaninag ko pa din naman ang aking reflection.

"Huhu, ang ikli pala talaga ng buhok ko" wika ko sa aking sarili habang hinihimas-himas ko ang aking maikling buhok. "Di bali tataas ka din naman" tapos napatingin naman ako sa korte ng katawan ko, "hmmm, sabi ni Timmy mabigat daw ako. Pero ang payat ko nga. Loko talaga yung lalaking yun, pinagtitrippan ako." 


'Hindi naman siya ganun ka lakas na mangalaska dati ah.'


Naglakad ako papuntang banyo ngunit wala din naman siya doon. Napadpad naman ako sa study table niya at binuksan ang study lamp.


Una kong nakita ang isang picture frame kung saan masaya kaming nakangiti ni Timmy. May suot-suot itong nerdy glasses at pareho kaming naka school uniform.


"..parang kailan lang" nasabi ko na lamang bigla habang hinahaplos ko yung frame. Napatingin din ako sa mga librong nakahelera sa topshelf. 'Sa pagkakaalam ko ilan lang toh sa mga paborito niyang basahin..'

Napatingin ako bigla sa bed-side table ng may narinig akong nagva-vibrate.


*Joe_Bro Calling* 


Kinuha ko ang phone at kinilatis ang tumatawag. 'hindi naman siguro masama kung sasagutin ko ito, diba?'

Sasagutin ko na sana kaso bigla naman itong nawala. 

"5 missed calls na din pala. Sino kaya toh? Mukhang importante ata 'toh"



Tumawag ito ulit at sa pagkakataong ito ay sinagot ko na ito agad. 

Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot,


"Hello?" nagtaka naman ako kasi walang sumasagot. 


"Hello?"



'A-Andria?' nauutal niyang tanong na siyang ikinataka ko naman. 'Kilala niya ako?'



"Yes speaking, anong kailangan mo?" tanong ko dito kahit alam ko ng 'Joe_Bro' ang nakalagay sa caller ID.

'a-ah-ehh--si ano, anjan siya?' nagaalangan niyang tanong sa akin.

"Si Timmy ba?"

'A-ahh-Oo, saan siya?'

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon