#LMANewMemeberOfthefamily
Tony's POV
Tulala pa din ako habang nakatanaw mula sa bintana ng aeroplano. Ikaw ba naman ang halikan sa di inaasahang pagkakataon. Maya-maya ay nakangiti na ako ng nakakaloko.
haist
Iba talaga pag inlove, para kang masisiraan ng ulo.
Oo nga pala, kasalukuyan akong nililipad ng aeroplano papuntang Los Angeles. May urgent meeting kasi daw doon sa main base ng companya namin. Di ko alam ah, pero parang may nararamdaman akong may mangyayaring hindi maganda. Di naman kasi uso sa amin 'tong urgent meetings na ito, I mean sa family.
Nagka-problema na naman kaya sina Mom and Dad?
Patanda na sila ng patanda, ngunit saka naman sila nagkakaganito. Di ba dapat Love and Peace na lang yung pairalin nilang dalawa. Baka yung urgent meeting na sinasabi nila ay about na naman sa hiwalayan. NAKU! Suko na talaga ako sa kanilang dalawa pag nagkataon. It's been 2 years pa nga lang since nagkabalikan sila, please don't tell me hiwalayan na naman ulit.
After 12345744893 hours of biyahe, SAWAKAS! Nakarating na din ako.
Sinundo ako ng butler nina Mom at hinatid ako sa mansion. Kakatapos lang gawin 'tong mansion na toh. Mula kasi noong nagkabalikan sina Mom and Dad, pinagawa nila tong mansion for them to stay lalo na't most of the times, dito sila sa L.A nagsa-stay.
I went inside the Mansion and binati naman ako ng mga katulong.
"Mom? Dad? I'm Here!!" bati ko sa kanila.
"Tony! Finally, we've been waiting for you for ages!" bati naman sa akin ni Mom at sinalubong ako ng yakap.
"Hi Mom, how are you?" ni yakap ko din ito at hinalikan sa cheeks.
"I'm fine iha, I'm glad to see you. Di kaba masyadong nagsusub-sub sa trabaho doon, ha?" hinaplos-haplos nito yung buhok ko.
"Sub-Sob? siguro konti especially that kakasimula ko pa lamang sa position na ibinigay n'yo. I have to double time para mameet ko yung expectations ng mga investors at members ng board. but don't worry I don't stress myself too much naman" naglakad kami papuntang dining room at doon nakita ko si Dad.
"Hi Son!" at nagyakapan kami as a form of greeting. Feel na feel na talaga ni Dad na gawin akong 'Son' eh ano. Haha
Mukhang wala namang masamang nangyari sa dalawang 'toh, by the looks of their happy expressions, I think everything here is doing fine.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Hayran Kurgu*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved