#LMASolutions
Dahan-dahan niyang iminulat muli ang kanyang mga mata. Dahil sa tagal ng kanyang pagkatulog ay tila ba naninibago ito sa mundong masisilayan niya.
"Andria, anak" yumakap sa kanya ang isang babaeng nasa mid-50's. Sobrang galak na galak ang ina nito ng makitang nagising na muli ang prinsesa nila.
Gulat at nagtataka,
di pa din tiyak ni Andria kung anong nangyari sa kanya at ba't tila nag-aalala ang lahat sa kanya.
Nakita niya ang kanyang Papa at Mama na mukhang pinatanda na ng panahon.
Ang dalawang lalaking nakatayo din sa may bandang likuran ay tila naninibago siya.
Kung hindi siya nagkakamali ay mga kapatid niya iyon ngunit mukhang parehong nagmature na ang mga itsura nito.
'Bakit ganoon? Sa pagkakatanda ko, hindi naman ganito ang itsura nila' wika niya sa kanya isipan habang pinoproseso pa din ng utak nito ang lahat.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" napatingin ito sa kabilang side ng kama niya at nakita ang isang di pamilyar na mukha. Napakunot and noo niya habang inaalala ang taong iyon.
"Sino ka?" para naman nadurog ang puso ni Josh ng marinig ang dalawang salita na iyon.
"Nasaan ako?"
"at bakit parang tumanda kayo?"
Sunod-sunod na tanong niya habang bakas sa mukha nito ang pagkalito.
Nagkatinginan silang lahat,
"Baka ito na nga yung sinasabi ng Doctor" bulalas ni Andre.
"tawagin mo si Doc, Andre para naman ma examine na niya si Andria" wika naman ni Andrew.
'Andre? Si Andre yun? Ba't parang ang tanda na niya ata? Ano bang nangyayari? Anong panahon na ba ito?'
~
"As what we expect, may amnesia po ang anak ninyo" wika ng doctor.
"She's experiencing the so-called Retrograde Amnesia but not like the usual condition, yung amnesia niya kasi ay Permanent. The General Knowledge and skills na alam niya may not be affected but yung mga occurring event sa buhay niya prior to the accident at mga events na nangyari sa kanyang recently ay maaring hindi na niya maretrieve dahil sa mga neural pathways na nasira dahil sa malakas na impact ng accident." paliwanag ng doctor sa kanila.
"Iha, anong pinaka huling event ba yung naaalala mo ngayon?" tanong ng doctor sa kanya.
"uhmm.... yung magiging date namin ni Timmy" gulat na gulat ang lahat maliban sa doctor ng maibanggit ni Andria iyon.
"D-Date?" - Andrew
"Oo, uhmm 2013 something ata"
"2013? so it means 7 years ago pa yung huling naaalala mo?" gulat na bulalas ni Andre na siya namang pagsiko ng kuya niya sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved