Chapter 25

3.3K 115 6
                                    

#LMAFallandRise

In Memory of

* Timothy John Gonzalez

* Jane Tina Gonzalez

* Antonio Gonzalez


Umalis na ang lahat na mga nakiramay at tanging si Tony, Anthony, Mindy at Joe na lamang ang naiwan. Katahimikan ang nangibabaw sa kanilang apat habang pinagmamasdan nila ang lapida ng mga namayapa.

"Anthony, hindi mo naman kailangang itago yan" wika ni Mindy sa kanya at bigla itong napayakap at napaiyak ng sobra. After days na pagtatago ay nailabas na din ni Anthony lahat ng sakit na nararamdaman nito.

"bakit ganoon, binawi agad sila" hagulgol nito na parang isang bata.

Hinahagod-hagod lamang ni Mindy ang likuran ni Anthony habang patuloy ito sa pagiyak.


Samantala, nakatulala pa rin si Tony habang hinahagod-hagod ang lapida ng mga mahal nito sa buhay. Tila bumalik ito sa dati, yung Tony na tahimik at walang ganang kumain.

"Tony..." hinawakan ni Joe ang kanyang balikat ngunit wala pa rin itong naging reaction.

Emotionally damage ito ngayon at wala itong ibang maisip kundi,

"Iniwan na nila ako..." nagulat si Joe ng bigla itong magsalita. "...lahat sila iniwan na ako"

"Bro, andito pa naman ako" ani niya ngunit di na muli ito nagsalita. Tumayo ito mula sa kinauupuan at umalis na sa cementeryo. Ilang beses din itong tinanong ni Joe kung saan ito pupunta ngunit di niya lang ito pinansin at nag patuloy lang sa kanyang paglalakad.

Sumakay ito sa kanyang sasakyan at blankong nagdrive patungo sa kung saan. 

Nasa gitna na ito ng kawalan ng napagdesisyonan niyang ipark ang sasakyan sa may tabi ng daan. Napatingala ito sa sun set at pinagmasdan ang unti-unting paglaho ng liwanag. Napapikit ito habang nilalasap ang malamig na hangin.

Unconsciously, pumatong ito sa isang bato at aakma na sanang tatalon ng biglang mahawakan siya ni Joe at hinila ito pababa na siyang ikina hulog nito sa lupa.

"Are you out of your mind!!" sigaw niya. "Magpapakamatay ka ba?!"

Napahingal-hingal lang si Tony habang unti-unti nitong narealize yung muntikan na niyang gawin – ang magpakamatay.

"Hindi solusyon ang pagpapakamatay! Akala mo ba makakasama mo sila pagka nagpakamatay ka?!" hinawakan siya nito sa kwelyo, "Tony, aksidente ang nangyari sa kanila. Hindi naman nila sadyang iwanan ka!"

"Tony, keep it together bro! Please, hindi mo ba alam na nahihirapan din ako, kami na nakikita kang ganyan! Tony!!" at niyugyug siya nito.

Napatingin si Tony sa kanya at niyakap niya ito. Doon pa lang niya nailabas lahat ng emosyong matagal na niyang tinatago-tago mula ng maaksidente ang mga magulang nito.

On the way kasi ang mga magulang ni Tony papuntang Hawaii for a business trip ng unfortunately ay bumagsak ang aeroplanong sinasakyan nito.

"Tony, alam kong masakit, pero hindi naman ibig sabihin nun ay sasaktan mo na din yung sarili mo! Do you think magiging masaya sina Tito, Tita at Timmy sa gagawin mong ito?! Tony, gumising ka nga!!!" sabay bitaw nito na siyang ikinaupo niya sa lupa.

Napasandal si Joe sa front hood ng sasakyan habang napahawak ito sa kanyang ulo. "My God!"

"I'm Sorry . . . Hindi ko alam anong ginagawa ko. Hindi ko alam paano ako umabot dito. Blanko – blanko yung isipan ko at wala akong maisip na matino. Masakit, masakit kasi kung kailan naging okay na kami kung kailan naging close ko na si Mom, na naging okay na kami ni Dad . . . saka pa sila mawawala sa akin. Masakit kasi, wala na sila. Hindi ko na masasabi yung mga bagay na di ko pa nasasabi nung nabubuhay pa sila. Hindi ko nasabi kung gaano ako kasayang makita silang magkasama na ulit. kung gaano ako kasaya na kahit hindi kami naging buo for how many years, ay ramdam ko yung pagmamahal nila sa akin. Hindi ko napasalamatan si Mom, nung mga panahong wala akong ganang mabuhay. Siya yung taong hindi tumutigil sa pangungulit para kumain ako. Si Dad – si Dad na almost forever ko na kasama, hindi ko siya napasalamatan para sa mga panahong tinanggap niya ako kahit Tom ako. Na kahit nag rebelde ako sa kanya noon ay buong puso niya pa din ako tinanggap. Siya, siya yung rason kung bakit ako bumangon muli. Kung bakit ko naisipang magmove on kahit wala na yung taong sobrang minahal ko. Siya yung first love ko, si Dad. Wala na...."

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon