#LMAJealousyGameStrong
"Yan.." sabay latag ni Tony sa tambak-tambak na files sa harap ni Andria na kasalukuyang nakaupo sa may coffee table.
"Gusto ko i-arrange mo lahat ng yan alphabetically" nakapamewang ito habang kumakagat ng mansanas.
Nakabusangot naman ang mukha ni Andria na kulang na lang ay malaglag na sa sahig ang kanyang mga labi.
"kaya ba?" habang tinataas baba nito ang kanyang kilay.
"Oo naman MASTER" sabay ngiti niya ng malapad.
"Oh siya iiwanan na muna kita dito. Dapat pala pagbalik ko nakaayos na din yung higaan ko at yung pinagkainan ko kanina, dapat naligpit mo na" wika nito habang inaayos ang kanyang kwelyo at necktie sa harapan ng salamin.
'Hmmph! Kung di lang talaga kita gustong makausap ng matino, di ko talaga toh gagawin!' wika niya sa kanyang sarili habang di namamalayang nagdadabog na pala siya.
"Hoy! Ayusin mo masisira yung lamesa!" sigaw ni Tony habang nakatingin sa kanya sa may salamin.
'Kung di ka lang talaga gwapo, kanina ko pa minamasacre yang mukha mo, napaka BOSSY!' grrrrr
Napansin naman ni Tony ang masamag tingin sa kanya ni Andria kaya ni lapitan niya ito.
Lumapit ito ng lumapit ng lumapit hanggang sa inch na lang yung layu ng mga mukha nila mula sa isa't isa.
"a-anong g-gina-ga m-mo?" nauutal na tanong ni Andria habang pilit na inilalayo ang kanyang mukha, ngunit tila dead end na kasi nasa may duolo na ito ng kinauupuan niya at di pa din tumitigil si Tony sa paglapit nito sa kanya.
Nakatingin lang ito ng masama sa kanya, yung bang 'dirty look'. Maya't maya itong napapasulyap sa kanyang mga labi habang nakasmirk at may palipbite pa itong nalalaman.
Para namang may isang daang kabayo ang nagkakarera ngayong sa loob ng puso ni Andria dahil sa sobrang kaba. 'Busheyt! Ano bang ginagawa niya' nanghihina na yung mga tuhod niya na parang konti na lang ay bibigay na siya,
'Pag eto di tumigil HAHALIKAN KO NA TALAGA TOH'
Sa Kabilang banda naman, Though kinakabahan sa pinaggagawa niya ay labis ikinatuwa ni Tony ang kanyang nakikita ngayon.
'Hah! Tingnan mo nga naman! Ano ba hahalikan ko ba toh o ipapabitin? Ansarap namang paglaruan' Natatawang wika nito sa kanyang sarili.
'Ayoko na talaga!' napapikit na lamang si Andria habang inaantay ang magiging kapalaran niya sa kasalukuyang pinaggagawa ni Tony sa kanya.
'Baka ibang servant ang gusto niya -- eww Andria naririnig mo ba ang sarili m--' napamulat ito ng mata ng marinig ang malakas na tawa ni Tony. Napatingin ito sa kanyang at kitang-kita nito na halos gumulong-gulong na ito sa tawa.
Napakunot naman ang noo ni Andria at nakapamewang itong nakatayo sa may harapan niya.
"IKAW!!!!" ramdam nito ang init sa kanyang mukha. "Gago ka!! Pinagtripan mo ako!"
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fiksi Penggemar*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
