Chapter 8

3.9K 109 5
                                        

#LMABoyNextDoor

Andria's POV

"so kamusta kana? it's been years na din since huli tayong nagkita" nakangiting wika sa akin ni Paul.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang natutunaw ako sa bawat ngiti niya sa akin. Hindi naman siguro ako naaattract, naninibago lang . . . Siguro 

Tama nga si Pam, malaki na ang ipinagbago ni Paul mula ng nagmigrate sila sa Canada. From head to foot, hindi na siya yung Paul na payatot at medjo nerdy.

"so?" inulit niyang tanong sa akin nung nakatulala lang ako sa kanya, which made me snap back to reality.

"oh, uhmmm okay lang naman ako." I nervously chuckled. Ikaw ba naman ang nakatulala. Ang awkward nun. "uhmm.. magtatagal ba kayo dito ?" tanong ko.

"why Chloe, gusto mo na ba kaming umalis?" naka-pout naman bigla si Pam habang napatigil naman sa pagkain si Paul. Nagdala kasi 'tong dalawa toh ng breakfast at dito na sa bahay nakikain.

Agad ko namang iwinagayway yung mga kamay ko, "No, what I mean is dito sa Philippines. Matagal pa ba kayo mag-i-istay dito?"

"so gusto mo na talaga kaming umalis" pagtatampong wika ni Pam.

"No, No, hindi naman ganoon ibig kung sabihin eh." tinatry kung linawin yung tanong ko. nami-misinterpret niya kasi.

"Alam naman namin yung point mo. Ginugulo ka lang talaga netong si Pam" bahagya namang napatawa si Paul.

Gosh, yung tawa niya. Sobrang . . . ba't ba kasi ang lakas ng appeal niya? Ba't ba ako nagkakaganito?

Nabaling naman yung attention ko ng tumawa si Pam, "biro lang yun Chloe, masyado ka namang seriouso eh. Maybe a month or two pa yung bakasyon namin dito. May balak din kasi itong si Paul na bumili ng lupa para pagtayuan ng bagong negosyo." wika nito.

"speaking of negosyo, ano pala trabaho mo ngayon?" tanong ni Paul sa akin.

"uhmm, isa akong sales manager sa isang company dito lang sa area.." ayoko ng pahabain sana yung tungkol sa trabaho ko baka kasi umabot kami sa topic tungkol kay Tony pero ayaw pang paawat netong si Pam at humirit pa ng mga tanong.

"Saang company?" casual na tanong nito sabay inom ng kape.

"sa . . . *inhaled* sa Gonzalez Group of Companies." parehong natigilan sa pagkain at paginom sina Paul at Pam.

"uhmm..." bigla kasi silang natahimik at nagpalitan ng mga tingin sa isa't isa.

"may problema ba?" pagbasag ko sa katahimikan.

nagpatuloy na sa pagkain si Paul samantalang seriouso namang nakatingin sa akin si Pam. "Alam mo naman kasi sa mundo ng business, puno ng endless compitition at isa lang naman ang GGC sa mga rivalry ng companya namin." wika ni Pam sa akin.

"rivalry?" - Me

"As far as I know, GGC is a two separated company na nag merge. A Car-making company at Chocolate Company. Parehong successful ang dalawa sa mga fields nila kaya di na maipagkakaila kung magbo-BOOM talaga pag both of it ay magsasama. The problem here is, kaya namin naging rival etong Companyang itong it's because of its expansions." seriousong wika sa akin ni Pam.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon