#LMAUnexplainableFeeling
Andria's POV
"Bilisan mo Chloe dito tayo!" masayang wika sa akin ni Pam ng makapasok kami sa Enchanted Kingdom. Kahit 24 years old na 'tong babaeng 'toh ke-isip bata pa din.
'Luh ako din kaya, isip bata pa din :3
"Teka nga lang, relax ka lang Pam okay. Di pa nga tayo nakakapagsimula sa rides eh napapagod na ako sa kakahabol sa'yo. Ambilis mo kasing maglakad." wika ko sabay pout.
"ehh ba't ba kasi ang iksi-iksi ng mga paa mo, yan tuloy" wika niya sabay tawa.
"At talagang lalaitin mo pa ako" napakunot noo ako.
"Biro lang" sabay pinch niya sa magkabilang cheeks ko, "di ka talaga mabiro"
"Hey! Girls, ba't n'yo naman ako iniwan." habol-hiningang wika sa amin ni Paul.
Napatingin ako sa kanya at di ko maiwasang mapangiti dahil sa suot niya. Para kaming bumalik sa dati, yung mga panahong nasa high school pa kami. Si Paul kasi naka-nerdy attire at talagang nakahati pa ang buhok and I really find him cute.
Si Pam naman naka cute-sassy dress, mula noon hanggang ngayon wla namang masyadong nagiba sa style niya. Cool at sassy pa din siya.
While me naman, yung "manang style" yung dress up ko. Di kasi ako mahilig dati sa mga glamorous dresses at wla din akong alam sa fashion. "Baduy" at Conservative masyado yung trip ko. Pagtungtung ko ng college na siguro ako unti-unting natutung manamit ng naayon sa bagay sa akin, for short naging slightly fashionista ako.
Anyway, eto kaming tatlo nililibot ang buong theme park.
Rides dito, kain doon.
Lakad dito, habulan doon.
Kahit sobrang nakakaexhaust, sobrang nakakaenjoy naman.
"Picture tayo doon sa may booth" pag-aya ni Paul.
"Sige pero mauna lang muna kayo. Mag-Babanyo lang muna ako." wika naman sa amin ni Pam.
"Samahan na muna kita" wika ko sa kanya.
"wag na, mauna na kayo ni Paul. Hahabol din naman agad ako" di na niya ako inantay na sumagot pa at umalis na ito patungong banyo.
"halika, picture tayo." wika ni Paul at hinala ako papasok sa photobooth.
Tahimik lang ako at nahihiyang tumingi sa camera habang game na game na ito sa pagpose.
"wag ka nang mahiya jan" inakbayan niya ako at hinila papalapit sa kanya. "tingin ka sa camera and SMILE" wika nito at tumingin sa may camera sabay smile. Habang ako . . .
Napatulala lang sa mukha niya at di ko namalayan yung pagflash ng camera. Napansin niya din ata at napatingin din ito sa akin.
"Chloe . . ." bulong nito habang nagkatitigan kami. Ilang inch lang din yung pagitan ng mga mukha namin at ramdam na ramdam ko ang hininga nito.
Pareho kaming nagulat at nag-gaze away ng biglang pumasok at sumingit si Pam sa pagitan namin.
"Kayo ahh ang daya niyo!" tapos inakbayan niya kaming pareho, "Smile na, 1 . . 2 . . . . 3"
*CLICK*
~
Tony's POV
Himbing na himbing na sana ako sa pagtulog ng tumawag sa akin si Dad at pinapunta niya ako sa may conference room sa mansion. Nasa 2nd floor lang naman yun at nasa 3rd floor lang ako pero feeling ko kasi tinatamad ako. Buong araw din kasi akong palakad lakad kung saan-saan.
Napapansin ko lang this passed few days madalas yung mga meetings at tinatambakan din niya ako ng mga trabaho. Kahit gusto ko ng umuwi sa Pinas eh di ko magawa-gawa kasi di ko naman pwedeng talikuran ang mga responsibiladad ko. Kahit sobrang miss na miss ko na si Andria.
Gusto ko nga sanang ipasunod siya dito kaso may trabaho nga pala siya. May sarili din pala siyang responsibilidad na kailangan niyang gampanan.
"Dad, tungkol saan 'tong urgent meeting?" tanong ko agad sa kanya ng makapasok na ako sa room. Humihikab-hikab din ako at umupo sa may empty chair facing him.
"Tony, dederetsuhin na kita. Kailangan mong mag extend for 2 more weeks pa dito sa States." nawala agad ang antok ko ng marinig ko iyon.
"WHAT!?!"
"Kumalma ka muna okay. Let me finish first. Please have a seat" pilit kung paganahin yung utak ko at umupo ng maayos habang nakatuon sa Dad ko yung buong attensyon ko.
"First of all, I know gusto mo na talagang umuwi at I want to apologize about that. Pero bilang future heiress ng companya ay kailangan na kitang isalang sa mga magiging trabaho mo soon. Me and your Mom decided kasi to retire early para naman maenjoy pa namin yung remaining years namin. We don't want to be selfish anak but we know that it's time na din for you to handle and manage the business."
"... We are preparing you for the incoming responsibilities mo. Thousands of employees yung nakasalalay dito hindi lang yung pera natin kaya gusto ko maintindihan mo at maging responsible ka na sa bawat act at decision na gagawin mo." pagpapatuloy nito.
"agad-agad na po ba Dad?"
He nodded, "pero not now. Maybe 6 months from now or a year perhaps. We were still waiting for the revised will and testament. Gusto ko din kasi makapagsimula muna sa fundamental lessons si Anthony para naman little by little mata-train ko na siya. Ikaw naman kailangan pa kitang itrain sa bigger version ng companya. Sa manila base ka lang kasi naeexpose. You need to experience the main base which is here." pagpapatuloy nito.
"But Dad . . ." gusto ko sanang magreklamo pero naisip ko yung mga responsibilidad ko.
"I know naman na kaya ka nagdadalawang isip kasi may naiwan ka sa Pinas -- si Andria. Kaya gusto mong umuwi na kasi namimiss mo na siya. But Tony, it's not always you and her. May malaking mundo ka ding kailangan i-explore at may mga responsibilidad ka ding hindi pwedeng takbuhan. And besides, konting tiis lang naman eh. If she truly loves you, maiintindihan niya."
sighed.
"sana talaga maintindihan niya" bulong ko while leaning my back sa may upuan ko at napatingin sa moonlight sa labas ng bintana.
I miss you baby, ano na kaya ginagawa mo jan.
===
*Unedited Version
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved