Chapter 15

3.2K 86 3
                                        


#LMAHiddenAgendas

Masayang naliligo si Pam sa beach habang pinagmamasdan lang ni Andria ang kaibigan. Nakaupo lang siya sa may buhangin habang umiinom ng juice.

Napatingin ito sa may kalangitan at kita niya yung paghalik ng araw sa dulo ng dagat. Unti-unti na ding nagsilabasan ang mga bituin sa dumidilim na kalangitan. "masaya ako..." napalingon bigla si Andria at nakita si Paul na nakaupo sa tabi niya.

"...masaya ako kasi andito ka.." sabay ngiti nito.

"a-ahmm... ako din. Masaya ako kasi despite the long years na di ko kayo nakita, ramdam ko pa ding walang nagbago lalo na  sa pagkakaibigan natin" wika ko sa kanya.

"Oo, wala naman talagang nag bago. Kahit yung nararamdaman ko sa'yo, hindi pa din ito naglalaho" medjo mahina na yung pagkasabi ni Paul doon sa last line  pero narinig pa din ni Andria ito.

Nagulat siya sa narinig at napatitig kay Paul which is nakatingin din sa kanya.

"P-Paul..."

"I know Chloe, may mali. Pero di ko pa din maiwasa---" naputol ang paguusap nila ng biglang dumating si Pam.


"oohh! sobrang lamig na, tara pasok na muna tayo. Pagod at ginugutom na din kasi ako" wika niya sa kanila. Bigla namang napatayo si Andria, realizing how awkward yung naging conversation nila ni Paul. 


"uhmm, tama ka! Halika order na tayo ng makakain" nauna itong maglakad, leaving the Laurel siblings behind.

Nakatingin naman ng masama si Paul kay Pam, while his Ate is teasingly smiling at him. "you just ruin the moment" wika niya sa kanya.

"ohh, I'm very sorry brotherhood. kahit gustuhin ko pang manood sa sweet moment ninyo, eh talagang giniginaw na ako!" wika niya at binawi sa kapatid niya ang hinahawakan nitong towel.

"magbibihis muna ako, solohin mo na muna ulit si Chloe" sabay wink niya at nauna na din mag lakad.

~

Tony's POV

Nasa mini bar ako sa loob ng mansion nakatambay ngayon. Kahit maaga akong umuwi galing office ay di ko pa din mapilit ang sarili kong magpahinga. Buti talaga at may mini bar na dito sa loob at di ko na kailangan pang umalis ng bahay. Mas mabuti na din dito sa mansion kasi tahimik akong nakakapag isip. At kahit malasing ako eh di na ako mababahala sa kung paano uuwi.

I decided to drink the night away kasi.

"drinking to much ?" napatingin ako sa left side ko at nakita ko si Dad na papalapit sa akin. Kumuha ito ng glass niya at nilagyan ng ice. Kinuha niya din yung bote ko and he poured some on his glass. "mukhang problematic ka ngayon ah, isang bote talaga nilalaklak mo. Ito mag baso ka" at ibinigay niya sa akin yung baso.

"I heard napagbuntungan mo ng galit kanina si Mr. Swift" he said.

"yeah, di ko naman sinasadyang gawin iyon" sagot ko sabay bottom's up ng glass of brandy.

"good job ka din sa pagbili ng El Liquor Company anak ah, may libreng supplies na tayo ng mga inumin" sa tingin ko gustong mag joke ni Dad kaso di ako natatawa.

Rude? yeah.

"oh come'n anak, sige na spill it out. Alam kung may kinikimkim ka." wika niya sa akin.

Dad really knows me well kasi siyempre, I grew up with him. Though may mga panahong sobrang kulit at rebellious talaga ako, I know dad really loves me. Sinong magulang bang hindi minahal ang kanilang anak?

And kahit nagkaroon kami ni Dad ng misunderstanding dati, I'm still glad and proud to say na 'Masaya ako kasi naging Dad ko siya'


Naputol yung panandalian kong pagmumuni-muni ng nagsnap finger si Dad just right infront of me. "so?"

And then sinabi ko sa kanya lahat, mula sa napakahirap na LDR namin ni Andria, hanggang sa panay away namin at doon sa pictures na nakita ko. "Gusto ko siyang sumbatan dad but ayaw kung lumala lalo ang away namin" wika ko sa kanya.

"I'm sorry for causing you troubles anak. I know, kung di kita agad-agad pinasabak dito, di sana kayo nagkakaganyan ni Andria." He tapped my left shoulder, "siguro its time for you to go back muna and fixed everything between you two. Ayaw kong maging sabagal sa pagmamahalan ninyo. Basta ba't bumalik ka dito agad ah" nakangiting wika niya sa akin, "bumalik ka dito na kasama siya" at dahil sa sinabi niya ay napayakap ako sa kanya. "thanks dad!"

. . .

Kinabukasan . . .

Nagising ako dahil sa ingay ng ring ng phone ko. Dali-dali naman akong napabangon at sinagot ang phone. Nagbabakasakaling si Andria ang tumawag at naeexcite akong sabihin sa kanya nag tungkol sa pag uwi ko ng Pinas.

"Andria . . . " medjo na disappoint naman ako ng marinig ko ang boses ni Joe. Siya pala yung tumawag akala ko si Andria. Ngunit napalitan naman ng pagkainis ang kaninang nadidisappoint kung emotion ng may sinabi sa akin si Joe na di kanai-nais.

"Uuwi na ako ngayon . . ." wika ko at binaba ang phone.

===

*Unedited Version

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon