Chapter 58

3.8K 121 7
                                        

#LMAApprove


"Lilinisan mo itong buong bahay..."



"Pagkatapos ay lalabhan itong mga damit . . ."





"Pagkatapos didiligan mo ang mga halaman..."





"Pagkatapos magluluto ka ng tanghalian..."




"Pagkatapos maghuhugas ka ng plato.."





"Pagkatapos ay magbabantay ka ng tindahan"




*grunted* 




 Di pa nga natatapos ang araw ay sobrang drain na drain na ang energy ni Tony dahil sa mga sunod-sunod na utos ni Lola Rheya.


"Kailan pa ba toh matatapos..." bulong niya sa kanyang sarili habang nakasandal sa kanyang upuan. Buti nga at nakakain na ito ng tanghalian kundi magcocollapse na talaga ito sa sobrang pagod at gutom.


Magdadalawang araw na din kaya simula ng dumating sila dito at simula ng pinapahirapan siya ng matanda.


"sobrang brutal naman ni Lola" napapikit naman ito.


"Tao po" napatingin ito sa may gate. Inilipat naman nito ang tingin sa taong lumabas mula sa bahay, si Andria.

Sinundan ni Tony ito ng tingin at nakitang si Josh yung dumating.

"YUNG AUNGOT NA YAN, BUHAY PA PALA?!" napataas ang kilay nito habang pinamamasdan silang dalawa. Hindi niya tuloy maiwasang maisip yung nangyari dati.

'Ano kaba Tony, hindi naman siguro iyon magagawa ni Andria ulit, tiwala ka lang' napatayo ito at pupuntahan na sana sila ng bigla niyang narinig si Lola Rheya sa may tabi niya. Muntik naman siyang napatalon sa gulat, 

"oh ano! Para kanag nakakita ng multo jan" mataray na wika ni Lola Rheya sa kanya.

"Kayo po kasi nanggugulat" sabi niya habang hinihimas-himas ang kanyang dibdib.


Napalingon ulit si Tony sa dereksyon kung asan nakatayo si Josh at Andria. Napakuyom naman ito ng kamay habang nakikitang sayang-saya ang dalawa habang nagkukwentuhan.

Nakita naman ni Lola Rheya yung nakakuyom na kamay ni Tony at ramdam nito ang selos kaya napangiti na lamang ito.

"Alam mo, mabait na bata talaga 'yang si Josh" napatingin naman si Tony ng magsalita ang matanda. "Akala ko talaga sila ang magkakatuluyan" napakunot naman ang noo ni Tony. Napasmirk naman si Lola sa kanya sabay walk out.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon