Chapter 59

5.6K 123 23
                                    

*Unedited Version

#LMATheEnd

Tony's POV

Ng makabalik na kami ni Andria galing sa probinsya ay sinimulan ko na din yung pagpaplano ko tungkol sa magiging pagpopropose sa kanya.

Bakit ko pa ba patatagalin kung doon na din naman ang kakahantungan namin. 

Besides, gusto ko na din magsettle at ayoko na ding pakawalan pa si Andria kaya kung magpopropose man ako sa kanya, itotodo ko na ito.

Pero bago ko gawin itong mga binabalak ko, kailangan ko munang humingin ng abiso siyempre sa mga magulang niya. 

I-ask Andre kung pwede ba nilang ipasyal si Andria para naman malaya kong maitanong sa parents nila yung tungkol sa mga binabalak ko. Sinabihan ko na din siya about sa plano ko, silang dalawa ni Andrew and game na game din naman sila.

"Para sa happiness ng prinsesa namin" wika sa akin ni Andre ng sinabihan ko ito tungkol sa favor na hinihingi ko.

Andito na ako ngayon sa tapat ng Mendez residence and God knows how nervous I am. 

Kumatok ako and not long ay pinagbuksan na ako ni Mrs. Mendez.

"Magandang umaga po" bati ko sa kanya at gumanti naman ito ng ngiti,

"pasok ka Tony"

Ng makarating kami sa sala ay nakita ko naman si Mr. Mendez na nakaupo sa may sofa. 

'Mainit pa din kaya yung dugo niya sa akin?' medjo matagal-tagal ko din kasi itong hindi nakikita kaya hindi ko tukoy kung aaprove pa ba siya sa akin o kakatayin niya ako ng buhay.

"Anong sadya mo?" tanong sa akin ni Mrs. Mendez at pinaupo ako sa may sofa. Ibinaba naman ni Mr. Mendez ang dyaryong binabasa nito at tinitigan akong maigi.

*gulp*

"ah kasi, po may sasabihin lang po kasi ako..." nauutal na wika ko sa kanila. Sobrang kabado din kaya ako. Bigla ko atang nakalimutan kung paano ko sasabihin sa kanila.

"ano naman iyon?" mas kinabahan ako ng marinig ko ang boses ni Mr. Mendez.

Napapikit muna ako, 'Okay Tony, Malinis naman ang intensyon mo eh. Wala ka dapat ikakaba' huminga ako ng malalim bago nagsalita, 

"Gusto ko po sanang hingin ang kamay ni Andria" nakapikit pa din ako while sinasabi iyon sa kanila.

Ng walang nagrespond ay marahan kong iminulat ang aking mga mata upang makita ko ang kanilang mga naging reaction.

Napatingin ako kay Mrs. Mendez at nakangiti ito ng malapad sa akin samantalang kumunot naman ang noo ni Mr. Mendez.

'Patay!'

"balak mo bang putulin ang kamay ng anak ko?!" nakataas yung isang kilay niya habang natatawa naman si Mrs. Mendez.

"Papa, ang ibig niyang sabihin ay gusto niyang alukin si Andria ng kasal at humihingi ito ng abiso sa atin" pageexplain niya.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon