Chapter 21

3.3K 102 1
                                        

#LMAUnderCover

Tony's POV

"Long time no see bro!" bati sa akin ni Joe ng makita niya ako. Nag brohandshake kami at umupo ito sa tabi ko. "So what's Up? Ba't ka umiinom?" tanong niya sa akin.

"Friday ngayon diba" wika ko sa kanya sabay bottom's up yung iniinom kung gin.

"Oo nga pala"

"isa pa ngang set" sinabihan ko yung bartender at agad naman nitong ginawa yung drink ko.

"Wait, Kuya wag na po. Di na po siya iinom" tapos hinila ako ni Joe papunta malapit sa exit door ng bar.

"Ano ba?!" tapos binitawan niya ako.

"Sira ka ba bro? hahayaan mo na lang ba si Andria doon? Baka makachansing na naman yung sinasabi mong gago! Tara puntahan na natin" panghihikayat niya sa akin.

"ayoko, masisira lang buong gabi ko pag nakita ko silang magkasama"

"mas masisira naman ang buhay mo pag naagaw niya sa'yo yung mahal mo! Gumising ka nga!" sabay batok niya sa akin.

"Aray naman!"

"Wag kana mag panggap na lasing. Alam kong di ka pa lasing. Kilala kita Antonette!"

"wag mo nga akong tawaging Antonette" sabay ismid ko sa kanya.

Napatawa naman ito, "pinipikon mo naman ata ako lalo!" sigaw ko sa kanya.

"Okay-whoo--easy ka lang."


"...so ano na, pupuntahan ba natin oh hindi? Handa na akong makipagbugbugan kung kinakailangan." wika nito.


"Sira! Di naman kasi ito physical na laban." wika ko sa kanya sabay batok. Ayan naka 1 point na din ako.

"Mas masakit yung naging batok mo ah!" and this time ako naman yung tumawa.

"eh! Tumigil kana." sabay ayos niya sa kanyang damit, "so ano, tara na?"

Tumango ako at aakma na sanang lalabas sa bar ng bigla niya akong pigilan, "wait, may nakalimutan ka?" tapos inabutan niya ako ng shades.

"aanhin ko yan?"

"suotin mo para feel na feel natin yung pagiging under cover?" napataas naman yung kilay ko.

"Com'on! Di mo ba nagets? Dun-Dun-Dun-Dun-Dun-Dun-Dudududun-Dududu--"

"Tumigil kana kundi makakatikim ka ulit sa akin" wika ko sa kanya sabay taas ng kamay ko.

"eto na, titigil na nga"

"sira ulo ka talaga, mas nagmumukha ka naman atang lasing kesa sa akin!" napatawa naman si Joe at inakbayan niya ako. "Pinapagaan ko lang yung pakiramdam mo. Baka kasi di mo makayanan kung sakaling may mangyaring hindi maganda mamaya." wika nito sa akin.

"Roow, ang sweet mo. Bromance na tayo?" sabay tawa ko.

"Eh! Kadiri ka..." tapos nauna na itong nag lakad papunta sa kotse niya.

~

Nakarating kami sa venue kung saan gaganapin ang nasabing reunion party nina Andria with her batchmates sa high school.

Pumasok kami sa hotel at pupunta sana sa may front desk ng hilain ako bigla ni Joe.

"what?"

"kung magtatanong tayo hihingan nila tayo ng invitation at wala tayo nun" bulong niya.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon