Chapter 39

3.4K 94 6
                                        


#LMABackToZero

Tony's POV

*ennnggkkk* 

Tunog yan ng pintuan at marahan akong lumabas sa kwarto ni JanJan. 

"Sobrang dilim naman" wika ko sabay abot sa phone ko at ginamit ito para pangilaw sa daan. 

*growwll*

Hindi po yan maligno, tunog po yan ng tiyan ko at Oo, gutom ako. SOBRA!

"Yan kasi wa-walk out walk out kanina." bulong ko sa aking sarili habang naglalakad papuntang kusina. "Pag nagising talaga si Manang Rosie, naku NAKAKAHIYA talaga" naiinis kung dugtung.

Tumingin ako sa may lamesa at tila nabuhayan naman ako ng diwa ng makita kong may ulam pang naiwan doon. "Yes!" pero may kulang pa ata.

"kanin..." sabay lakad ulit papuntang lababo. Binuksan ko yung kaldero and BOOM! Pagsinuswerte ka nga naman, "makakakain na ako." Marahan kong binuksan ang lalagyan ng mga plato at kumuha ng isa. Nang malagyan ko na yung plato ko ng kanin ay bumalik na agad ako sa lamesa. Umupo ako at kinuha yung lalagyan ng ulam.

"Adobo" ng makita ko iyon, "siya ang nagluto nito" para namang nagaaway yung pride ko at ang tiyan ko. "haist, kung di lang talaga ako gutom" tapos inilagay ko na lahat ng natitirang ulam sa plato ko at sinimulang ko ng kumain.

'Not bad' wika ko aking sarili habang takam na takam sa kinakain. 'Di ko aakalaing gagaling pala siya sa pagluluto. Eh dati nga kahit itlog di naluluto ng tama. Parating sunog' napangiti naman ako habang inaalala iyon. 'tapos palagi pa akong iniistorbo sa pagtulog para maipagluto siya'

'teka nga ba't ba ako nagfaflashback?! Di ba move on na dapat ako jan' napakunot yung noo ko. 'At saka hindi naman talaga toh masarap. Gutom lang ako, Oo yun tama yun - Gutom lang talaga ako kaya nasasabi kung masarap. Wala na din kayang iba--' Natigilan ako sa pagmumuni-muni ng may narinig akong pagbukas ng pinto.

'Naku lagot baka si Manang Rosie!' dali-dali kung kinuha yung plato ko at nagtago sa ilalim ng mesa. Hindi ako makikita dito dahil sa mahabang mantel na nakatabon sa lamesa. 

May narinig akong mga yabag at pagbukas ulit ng pinto. 'Si Manang Rosie ba yun?' 

Inilabas ko yung ulo ko mula sa mantel at napalinga-linga. 'Walang tao' kaya lumabas na ulit ako at muling naupo. Dali-dali ko na ding inubos yung pagkain ko bago pa may magising at lumabas ulit dito mahuli pa ako ng di oras. Dahan-dahan kung binuksan yung gripo at hinugasan yung pinggang pinagkainan ko. 'Pag iniwan ko ito para na din akong nagiwan ng ibidensya'

Ng mailagay ko na yung plato sa lalagyan at babalik na sana sa kwarto ng biglang. 

"AY KABAYO!" sigaw ko sabay takip sa bibig. Napalakas ko kasi at nagaalala akong baka may magising pa.

"Sabi ko na nga ba" nakangiting wika niya. Kinabahan naman ako bigla ng lumapit ito sa akin at kumuha ng baso. Nakangiti pa din ito ng nakakaloko habang kumukha ng tubig.

"a-anong nginingiti mo jan?" naiinis kong tanong. "At saka ba't ka ba nang gugulat"

"hindi kita ginulat ah" sabay inom niya ng tubig. "...busog ka na ba?" ayan na naman yung mga ngiti niya.

"matutulog na ako" di ko na sinagot yung tanong niya. Kainis na babae, may pangiti-ngiti pang nalalaman.

"matutulog kana agad? eh busog ka pa" sabi nito sa akin.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon