#LMAAlaala
Tony's POV
'Sungit!!'
'Hoy sungit gising kana!!'
'PSSTTTT!!!'
Napamulat ako ng may nagpress sa nose ko dahil sa di ako makahinga. Napaupo ako at nakita ko si Andria na nakangiti ng malapad sa akin.
"Hahaha, ayan gising ka na din."
"A-A-Andria?"
"Sungit gutom na ako" sabay pout nito. "halika na, ipagluto mo na ako" at hinihila-hila niya ako. Ngunit di pa din kasi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Andria, ikaw ba talaga yan?" napahinto ito sa kakahila at napakunot ng noo habang nakatingin sa akin.
"Anong klaseng tanong naman yan?!" at nakalagay pa both hands nito sa magkabilang waist niya. With her typical tiger look, "ipagluluto mo ba ako oh titingnan mo lang ako?"
"ahh-uhmm e-eto na, ipagluluto na kita" kahit na lilito ako sa mga nangyayari ay pumunta na lang din ako sa may kusina.
Pero teka,
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin-tingin sa paligid.
'Nasaan ako?'
"Oh ano na?" nabalik-ulirat ako ng sundukin ni Andria yung tagiliran ko. "Okay ka lang ba sungit? kanina ka pa tulala ng tulala jan"
"N-Nasaan ako?"
"Anong nasaan ka? Loko ka ba, nasa bahay tayo."
"B-bahay?" at napatingin ako sa kanya.
Pinich niya naman ulit yung nose ko, "Helloooo Bahay as in bahay natin, tulog ka padin ata ehh" at napagiggle ito. "Ako na nga lang ang magluluto"
Napatingin lang ako sa kanya habang hinahanda nito yung ingredients para sa mga lulutuin niya. "hmm, sungit gusto mo ba ng kape para naman magising na talaga yang diwa mo?"
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfictie*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
