Chapter 47

3.5K 92 4
                                        

#LMATimmyAndAndria

"Good Morning" bati niya sa akin ng makababa ako mula sa aking kwarto. Gulat na gulat ko siyang tiningnan sa may lamesa.

"Good Morning iha" bati naman sa akin ni Mama at nakita kong andito na silang lahat sa dining area na tila ba inaantay na lang ako bago sila magsimulang kumain.

"Timmy?" yun yung unang salitang naibulalas ko ng lumapit ako sa kanila.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya na kasalukuyan namang inaassist ako sa pagupo. Hinila niya yung upuan at pinapaupo niya ako doon, 'Naks, ang gentleman naman. Ang aga-aga pa kinikilig na ako'

"Binibisita ka"

"wala naman akong sakit ah bakit mo ako binibisita?" nakataas yung isang kilay ko habang narinig ko naman sila mama na bahagyang tumawa.

"diba sabi ko naman sayo na liligawan kita" nakangiting sabi niya sa akin at tumabi na sa katabing upuan ko.

"oooppsss, brad alis ka jan ako jan" tumayo si Kuya Andrew at nagtungo doon sa kinauupuan ni Timmy. Napakamot ito sa batok habang lumilipat ng upuan papunta naman sa kabilang side kaso inunahan din siya ni Andre na siyang lumipat din. Bali pinapagitnaan na ako ng dalawang mokong na kapatid ko, leaving Timmy no other choice but to sit beside Papa. So pinapagitnaan din siya bale nina Papa at Kuya Andrew. 

Ba't parang nakakaintense naman ng atmosphere?


"Hindi ka pwedeng tumabi sa kanya hanggat di pa naging kayo" naka-glare na wika ni Kuya Andrew sa kanya. 

"Bawal din ang hawak sa kamay at akbay" dagdag naman ni Andre.

"Tumigil na nga kayo" ako na 'tong nahihiya tuloy. Pagtulungan ba  naman nilang dalawa.



Kahit pinagiinitan na 'tong si Timmy ng mga kapatid ko ay hanga pa din ako sa coolness na pinapanatili niya.



"Kung manliligaw ka at aayain mo siyang lumabas dapat sabihan mo ako parati ah!  Kahit anak ka ng boss ko, di pa din kita sasantuhin sa anak ko. Nagiisang princess naman yan, kaya sa oras na malaman kong pinagtitrippan mo lang siya . . . " sabi ni Papa sa kanya sabay pakita ng kanyang malaking kamao. Nakisabay din sina Andre at Andrew.


"ano ba yan, pati ba naman ikaw Papa" kung pwede lang akong matunaw ngayon dito sa kinauupuan ko, baka nag i-vaporate na ang kaluluwa ko ngayon. Nakakahiya talaga ang mga 'toh.

"Wag po kayong mag-alala, malinis po ang intensyon ko sa anak niyo. Mahal na mahal ko po siya at papatunayan ko po yan di lang sa kanya pati na din sa inyo" nakatingin lang siya sa akin habang sinasabi iyon. 

"siguraduhin mo lang" inilapit naman ni Kuya Andrew ang mga tingin niya kay Timmy. Ano ba yan, ang kulit naman nila masyado. 



Napatawa na lang tuloy kami ni Mama.



"Teka nga Papa ano po yung nabanggit ninyong 'anak ng boss'?" pagiiba ko ng topic. Medjo naguguluhan kasi ako sa linyang iyon.

"Di mo ba alam?" gulat na tanong sa akin ni Papa, lahat naman ng atensyon nila ay nasa akin.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon