Chapter 1

6K 149 1
                                        

#LMABusy

Tony's POV

"I want this report by first thing tomorrow okay?" I told my secretary, Dane and handed to him a white envelope.

I lean my back at my swivel chair and turned to see the busy city over my glass window. It's past 10 am na and kitang-kita ko ang paghahari ni Mr. Sunshine. Buti at my aircon 'tong office kundi kanina pa ako naliligo ng pawis dito.

Tumunog ang phone ko na siyang ikinaikot ko muli pabalik sa dereksyon ng desk ko. Inabot ko ito ang binasa,

From: Joe

.. ready na lahat dude para mamaya

Si Joe yun at tinutukoy niya yung pabor na hiningi ko sa kanya. 2nd anniversary na kasi namin ngayon ni Andria. Pinaplano ko sanang mag-aya ng kasal ngunit mula noong nanaginip ako ay napagpasiyahan kong ipostpone muna. Baka bad sign kasi yun na ibig sabihin ay wag munang alukin. Masyado pa din kasing maaga for our relationship to take it to another level. Maybe next year or the next next year na lang.

"Salamat dude, maasahan ka talaga" reply ko sa kanya.

Ilang segundo din ang lumipas at nagtext ito ulit.

From: Joe

... kung di dahil sa utang ko sayo, di ko naman gagawin 'tong pabor mo! But anyways, quits na tayo Hahaha...

Loko talaga 'tong kaibigan kong ito. Pero bayaan na nga, iisipin ko na lamang charity work ko yung pagpapahiram ko sa kanya ng pera. LOL

Magrereply pa sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan at nakita kong nakasilip si Andria na tila parang bang batang puslit na nahihiyang pumasok.

"anong ginagawa mo jan?" pagsusungit ko. Tinago ko din agad ang phone ko sa bulsa.

Naka-pout naman ito at umupo sa upuan sa harap ng aking lamesa. "high blood naman neto"

"May ginagawa pa kasi ako, maya mo na ako kulitin" nagpakabusi-busihan naman ako. Nagbrowse ako sa loptop ko at maya't-mayang sumisilip sa ilang mga papers na nakatambak sa aking lamesa.

"nakalimutan na ata..." rinig kung bulong niya. Patago naman akong napangiti ng malaman kong effective yung pagpapanggap ko.

Plano ko kasing kunwari nakalimutan ko tapos before mage-end yung day ay isusuprise ko siya. Wala lang, para may bago. 

"Maya mo na lang gawin yan, kain muna tayo..." pangungulit niya. Nakaupo siya sa harapan ng desk. Di ko pa din ito tinitignan at nakatuon lang ako sa hawak-hawak kong papel.

"Maya na diba, wag makulit. Tska, busog pa ako. Kung gusto mong kumain mauna ka na lang muna..." wika ko sa kanya. 

Nakasimangot na ang mukha nito ngayon at padabog na tumayo mula sa kanyang kinauupuan. "FINE!" sabay labas sa office ko.

Napatingin naman ako sa malakas na pagkaserado na pintuan. "Mukhang na pa sobra ata ang pagkasabi ko doon.." wika ko sa sarili. "..pero okay na din siguro para di niya ako mabuking.." inabot ko uli yung phone ko at tinawagan si Joe para sa mga magiging flow ng suprise para mamaya. Dapat siguraduhin kong perfect talaga ang lahat para naman worth it yung pang-aaway ko sa kanya kanina.

. . .


Andria's POV

Magkasalubong yung mga kilay ko ng lumabas ako galing sa office ni Tony. 

'Kainis! nakalimutan na ata niya yung tungkol sa Anniversary namin! Mas inuuna pa ang trabaho kesa sa akin...'

Pumasok ako sa office ko at padabog na umupo sa swivel chair ko. 


Simula ng maging CEO si Tony sa merge companies ng mga magulang niya naging super busy na ito. Pero sabagay, kung ikaw ba naman ang mag handle ng Car and Chocolate Business sino bang hindi mabubusy. 

Nakakastress na nga yung magiging sales manager, maging CEO pa kaya. Ako kasi yung nag mamanage sa sales section ng chocolate factory.

Pero anyway, sana man lang bigyan niya pa din ako ng time at SANA wag niyang kakalimutan, lalo na ang ANNIVERSARY!

Pinaikot-ikot ko yung chair habang inis na inis na iniisip yun. sigh!

Binuksan ko yung computer ko at naglog-in sa facebook. 'Kala mo di na kita kukulitin!' naka-grin ako habang io-open ko yung conversation message namin ni Tony. 

Me to Tony Gonzalez: HELLLLLLOOOOOOO

SUNGIT!!!

SUNGIT!!! 

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

SUNGIT!!!

*Emoji Happy*

*Emoji Sad*

*Emoji Minions*

*Emoji Minions* 

*Emoji Minions*

*Emoji Minions*

*Emoji Minions*

Tony Gonzalez: Andria nag la-lag yung phone ko, stop!

Me: *Emoji Sticking-out-the-tongue*

*Emoji Evil*

*Emoji Olaf*

*Emoji Elsa*

*Emoji Anna*

Tony Gonzalez: Andria please stop!

Me: afkkrnvgtvgug

efhfsnrjrkugtu

aefnnknrkvj

ajenkrkvkv

arvkrjnkvn

rjekrnvkenvke

Tony Gonzalez: sigh . . . . *Emoji Annoyed face*

Me: *Emoji Pouting face*

Nakalimutan mo na..... *Emoji crying face*

Tony Gonzalez: *Seen 10:30* 

'Tony is now offline but you can still send him a message'


"What the hell!" napa-curse ako ng 'i-seenzone' ako ni Tony at talagang nag-offline pa siya.


'Lang hiyang Tom talaga 'toh! Lagot ka talaga sa akin!!'


Handang-handa na akong sumugod sa office niya at ilo-logout ko na sana ang facebook ko ng biglang may nag chat sa akin,


Pamela Delos Reyes: Hi CHLOE . . . 

===

*Unedited Version

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon