#LMAHuliSaAkto
Tony's POV
Ng makarating ako dito sa Pinas ay dumeretso agad ako sa isang branch ng hotel and resort namin doon sa Palawan, and G Towers'. Nakita kasi daw ni Joe si Andria na nagtungo doon kasama ang dalawang kaibigan nito, isang babae (si Pam) at isang lalaki (yung kasama niya sa mga pictures). Alam ni Joe yung tungkol sa pictures at alam niya ding may ginagawang kakaiba si Andria.
Kahit di naman sabihin ni Joe ay halata ko naman na may kakaiba sa mga kinikilos niya.
Gabi na ng makarating ako sa resort at kahit pagod ay hinanap ko muna agad si Andria.
"Good Evening Ma'am" bati ng isang staff.
"Ipa arrange mo yung VIP suite, dito ako mag ii-stay for tonight." wika ko sa kanya at iniabot sa baggage boy yung mga gamit ko. "paki hatid na lang muna yan"
"Nakita mo 'tong babaeng ito?" tanong ko sa front desk lady na kanina pa nakatulala sa akin.
"aahmm, sir--I mean ma'am. Yes po, nasa may beach party po ata siya kasama yung kaibigan at boyfriend niya.." sagot nito sa akin.
"Boyfriend?" wika ko.
"opo, sweet na sweet kasi sila sa isa't-isa, hula ko lang naman po.." wika nito sa akin. Napakuyom ako ng kamay habang tinatago ko yung pagkainis ko.
Hindi ko na pinakinggan pa yung ibang mga pinagsasabi niya at nagtungo na ako sa sinasabing beach party.
'Ano ka ba Tony, rumors lang yun! Wag ka maniwala. Hindi mo pa din naman siya natatanong tungkol doon diba? At saka di mo pa din naman nakikita sa dalawa mong mga -----'
Napahinto ako sa pagiisip at sa paglalakad ng makita ko ang isang di kanais-nais na tanawin.
"..mata.." sambit ko at halos madurog ang puso ko ng makita ko si Andria na may ibang kasayaw. No not just 'iba' kasi yung kasama niya ay yung lalaking nasa picture.
Halos mawala lahat ng lakas at boses ko habang tinitignan sila. Naigather ko lang lahat ng lakas ko ng mapansin kong aakma ng hahalikan ng lalaki yung iniibig ko.
"ANDRIA!!" sigaw ko na siyang ikina tingin nilang pareho sa akin. May ilang tao din napatingin sa amin.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila, "T-Tony" nanginginig yung boses niya. Mukhang guilty din yung expression ng mukha niya. Pilit kong itinago yung sakit na nararamdaman ko at nagpanggap na wala akong nakita kanina.
Lumapit sa akin si Andria at sinalubong ko ito ng yakap.
"K-kailan ka pa nakabalik?" tanong niya sa akin.
"kakarating ko lang" sabay halik ko sa noo niya.
"s-siguro pagod ka" nauutal niyang wika. "halika--" hihilain niya sana ako papalayo doon.
"no, let's stay for a while muna. Ipakilala mo ako sa KAIBIGAN mo" sarcastiko kung wika at ngiti habang nakating sa lalaki. May babae namang lumapit sa amin at sa hula ko, siya si Pam yung naikwento sa akin ni Andria na childhood bestfriend niya.
"ahhmm.." pansin ko ang pagdadalawang isip ni Andria kaya ako na yung kumilos para sa kanya. Hinila ko siya at hinarap silang pareho.
"Hi, Kaibigan kayo ni Andria right?" panimula ko. "ako nga pala si Tony, kasintahan niya" pagpapakilala ko at mukhang di naman ito naging kagulat-gulat sa kanila so I guess alam na nila.
"Nice to meet you, Tony" inabot ng babae yung kamay niya, "I'm Pamela Laurel, Chloe's--"
"Childhood best friend, I know naikwento ka na sa akin ni Andria" sabay smile ko sa kanya.
"Nice to meet you again, Ms. Gonzalez." napatingin ako sa lalaki at kahit medjo dim ang paligid ay ngayon ko lang napansin na itong lalaking ito ay si "Mr. Paul laurel. Nice meeting you again." tapos nagshake hands kami. "Di ko alam taga Pilipinas ka din pala."
"Yeah, but nandito lang ako ngayon para magbakasyon" wika nito.
"Well, I think you're in a perfect place. Welcome to my resort" nakangiti lang ito sa akin samantalang pareho namang nagulat si Pam at Andria sa sinabi ko. Napansin kung napatingin si Pam sa kapatid niya at si Andria naman sa akin.
Hinawakan ko ang kamay nito at pansin ko yung pagkataranta ng expression ng mukha niya. Napatingin ako sa Laurel siblings at pansin ko ang pagkunot ng noo ni Pam samantalang nanatili pa ding kalmado ang mukha nitong si Paul.
"Sige, mauna na lang muna kami. If you'll excuse us at gusto ko pang ma solo 'tong GIRLFRIEND ko" inemphasize ko talaga ang word. Para naman magising 'tong gagong toh. Halata naman sa kilos at tingin niya, na kahit umaaktong cool at kalmado ay may gusto ito sa kasintahan ko.
"halika na, Andria.." aakma na sana kaming umalis ng biglang magsalita si Pam.
"wait, kasama ko si Chloe sa room. Doon siya matutulog" humarap ako sa kanya at nag wika ng, "andito na ako, sa kwarto ko siya matutulog" sabay ngiti ko at tuluyan na kaming umalis.
. . .
Tahimik lamang ang dalawa habang naglalakad pabalik sa hotel. Maya't mayang sumusulyap si Andria sa kanina pang tahimik na si Tony. Napakaseriouso ng mukha nito at para bang sasabog anytime. Ramdam nitong galit ang kasintahan niya base sa pagkahawak nito sa kamay niya. Masyadong mahigpit ang pagkahawak ni Tony. Ngunit kahit namimilipit na ito sa sakit di niya magawang magsalita kasi ramdam nitong anytime sasabog ito. Umiiwas ito sa gulo at di niya din kasi alam paano mag explain lalo na't alam nitong nakita ni Tony yung almost kiss nila ni Paul.
Nagdrop by muna sila sa kwarto nila Pam para kunin yung mga gamit niya.
Nasa may beach side yung sinasabing VIP suite kung saan sila tutuloy.
"Enjoy your stay Ma'am" wika ng baggage boy ng mailatag na nito lahat ng gamit ni Andria.
"salamat" at isinara na nito ang pintuan. Habang inaayos nito ang kanyang mga gamit ay nakita niyang nasa may labas ng balcony si Tony. Tahimik lang itong nakaupo sa may front deck at nakatanaw sa dark calm sea.
"Tony..." tawag nito at inabutan niya ito ng hot chocolate. Gusto niyang magexplain sa mga nangyari ngunit di niya alam kung paano magsisimula.
Napatingin si Tony sa mug at sa kanya. Tinanggap niya ito at pinaupo niya si Andria sa tabi niya.
Maya-maya ay napasandal na ito sa kasintahan niya at sabay nilang pinagmasdan ang kalangitan.
Di alam kung bakit, pero tila naiilang si Andria sa moment nila. Napatingin si Tony sa kanya at unti-unting inilalapit ang mukha niya sa kanya. Ilang inch na lang at mahahalikan na nito ang iniibig niya ngunit parang sinaksak naman ito sa puso ng bigla itong umiwas na siyang ikinaatras niya.
Napatitig si Tony sa kanya at pansin nito ang kakaibang expression ng mukha niya.
'Hindi na siya yung tulad ng dati'
'Hindi ko na din maramdaman yung dating pinaparamdam niya sa akin'
wika niya sa sarili at napatayo.
"Tony" tawag ni Andria. Alam niya kasing mali yung nagawa niya. Ngunit di niya talaga maiwasang mailang sa kanya.
Napahinto si Tony sa paglalakad at napawika ng, "Magpapanggap akong hindi yun nangyari. Magpapanggap din akong hindi ko nakita yung kanina." at tuluyan na itong nagwalk out, leaving Andria alone.
===
*Unedited Version
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
