#LMAPain
Natapos ang kasiyahan bandang 11 ng gabi. Wala na ang halos lahat maliban kina JanJan at Tony na nanatili pa din na nakaupo sa may harapan ng bonfire na malapit na ding mawalan ng apoy.
Tahimik lang silang dalawa habang nakamasid sa kawalan.
"Kuya Tony ..." pambabasag katahimikan ni JanJan.
Napalingon ito sa kanya habang inaantay ang susunod na mga sasabihin nito.
"Pwede po bang mag tanong ?" nagdadalawang isip na tanong sa kanya ng bata.
Tumango lang ito sa kanya bilang hudyat na ok lang na magtanong ito. Ngunit ilang segundo ang nakalipas ay tahimik pa din itong nakayuko.
"Ano ba yung itatanong mo?" tanong niya ng mapansing tila nagdadalawang isip ito.
".. eh kasi po medjo personal ito.."
"..."
"kuya Tony, bakit po ba kayo naghiwalay ni Ate Ganda ?" medjo na pa atras ito ng konti mula sa kanyang kinauupuan ng maranig ang tanong ng bata.
"p-pasensya na po ahh..." wika agad nito ng mapansing medjo naging matabang ang expression ng mukha ng kuya tony nito. ".. kahit di nyo naman po kasi sabihin kuya, alam ko po--"
"--Oo wala na kami" matabang na wika nito at napatingin ulit sa kawalan.
"..."
napatingin nman si JanJan sa kanya at nakaramdam ito ng lungkot ng mapansin yung mga malulungkot na mga mata ng Kuya Tony nya.
"... kung ano man po yung nangyari sa pagitan sa inyo, sana po kahit pagkakaibigan lang ay maibalik ninyo" wika nito sa kanya.
"hindi ganun ka dali yun.."
"madali pag pareho kayong nakapagmove on na. Pero kung pareho pa kayong may nararamdaman either Galit, Sakit o Pagmamahal ay di niyo talaga magagawa iyon." buong gulat naman napatingin ito sa batang daig pa ang matanda kung magsalita.
"saan mo naman na pulot yan?"
"hehehe, sa mga teleserye po" nahihiyang sagot nito habang hinihimas ang likuran ng batok niya.
Napailing na lamang si Tony at inakbayan ito.
'may point din naman siya' napatingin ito sa kanya at inakap ito sa may bewang niya.
"Kuya bromance naman tayo masyado nito" nahihiyang wika ni JanJan habang inaakap niya ito.
"Asus andami mong alam." sabay gulo-gulo sa buhok nito. "onse anyos ka pa lang, hindi kapa fully binata kaya pwde pakitang yakapin ng ganito at kahit matanda ka na yayakapin pa din kita ng ganito" sabay yakap uli nito sa kanya ng mahigpit.
Mula sa Bintana naman ay tanaw ni Andria ang dalawa habang masayang nagkukulitan.
haist
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
