Chapter 49

3.4K 120 17
                                        

#LMAPrideVsLove

Tony's POV

Nasa private plane ako ngayon, tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana habang inaantay ang aking bisita.

Sabi niya kasi okay lang daw na dito na kami magkita tutal ako naman daw itong naabala niya. Pero dahil nasanay na ako kakatravel parang kanto na lamang para sa akin ng washington ang papuntang Pinas #RichKidProblems.

Naputol ako sa pagmumuni-muni ng dumating na ito.

Kahit nakangiti ito sa akin ay halatang malungkot at pagod ang mga mata niya. Pinaupo ko siya agad sa bakanteng upuan na nasa harapan ko lamang. 

"Ano ba ang paguusapan natin?" deretsong tanong ko sa kanya.

"Pasensya na kung naabala kita Tony, pero bago ko sabihin sayo lahat gusto ko munang sabihin sayo ang buong situasyon." panimulang wika niya sa akin.

Napalean ako sa kinauupuan ko at nagnod sa kanya bilang sign na makikinig ako.


"1 month ago naaksidente si Andria." 


Namilog ang aking mga mata ng marinig ko iyon. Pero siyempre kailangan ko pa ding panatiliin ang kontrol ko kaya nabawi ko agad ang aking ekspresyon.

"at dahil sa sobrang lakas ng impact ay na coma siya for almost a month. At ngayong na nagising na siya, wala naman siyang maalala tungkol sa loob ng 7 years ng buhay niya" he continued.

"7 years?" napaisip ako. Sa loob ng 7 years na iyon ay ang mga panahong nagkakilala kami. Hmmm, mukhang binura na pala niya ako ng tuluyan sa systema niya. "...anong gusto mong gawin ko?" sarcastikong tanong ko. Di ko kasi maiwasan at saka ayaw ba nila yun, hindi na magsusuffer ang kapatid nila at madali na itong makakapagmove on. Ang swerte nga niya kasi agad-agad na niya akong nakalimutan, di lang lahat ng yung masasakit na sinabi ko ngunit pati na din yung araw na nagkakilala kami.


Napayuko si Andrew, tila nagiisip ng mabuti sa mga susunod niyang sasabihin, "Tony kasi..."

Napataas ang kilay ko habang seriousong nagaantay sa mga sumusunod niyang sasabihin, "Ang huling naaalala ni Andria ay yung tungkol sa kanila ni Timmy."


Mukhang alam ko na ata toh.


"... hindi pa namin magawang sabihin sa kanya ang totoo kasi, delikado pa para sa condition niya."


"So you're going to ask me if pwede--"


"Kahit sandali lang naman--"


"HINDI BA KAYO NAGIISIP?!" napatingin ito sa akin ng bigla akong napasigaw, "Hindi niyo ba naisip ang mararamdaman ko sa pagpapanggap na yan?!"


"Tony, hanggang sa makarecover lang naman siya. Hindi rin naman natin maitatago ang buong katotohanan. Please Tony..."


"No! AYoko!" napatayo ako mula sa aking kinauupuan. 'I just wasted my effort sa pagpunta dito sa Pinas just to do this stupid shit!'

Napatayo din si Andrew, "Please Tony, alam kong hindi kayo okay ng kapatid ko. Pero please nagmamakaawa ako. Kung sasabihin kasi namin sa kanya ang katotohanang iyon ay maari siyang madepress"

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon