#LMAChildrenCenter
"Salamat sa warm welcome na ibinigay mo sa amin during our stay here." pasasalamat ni Pam kay Tony. Kahit na nakangiti ito ay sa kaloob-looban naman niya ay sobrang nandidiri siya. Lalo na pagka nahahawakan niya yung kamay ni Tony. Kung di lang talaga para kay Chloe, di niya talaga gagawin ang mga ito.
"My pleasure. Our hotel is granting what's the best service for our costumers" parang nag pro-promote lang.
"Hoping to see you again, Ms. Gonzalez" wika naman ni Paul ng matapos na ito sa paglalagay ng mga gamit nila sa loob ng car compartment.
"Me too" this time, si Tony na naman yung may kulo sa kaloob-looban niya. Wala talaga kasi itong katiwa-tiwala sa lalaking ito.
"Sasabay ka sa amin, Chloe?" ibinaling ni Pam yung tingin niya sa kaibigang kakalabas lang din sa hotel habang may bitbit itong bag.
"uhmmm--" bago pa man ito nakasagot ay sinalo na agad ni Tony yung tanong.
"She's coming with me. May dadaanan pa kasi kami" sabay akbay niya kay Andria. "Right?" at nakangiting wika nito sa kanya.
"Y-yeah" mukha naman itong napilitan.
"Are you sure?" paglilinaw na tanong sa kanya ni Pam.
"Y-Yes, uhmmm ... see you around" sabay yakap nito sa kaibigan niya. Yayakapin din sana niya si Paul kaso hinila naman siya agad ni Tony, "uhmm may nakalimutan pala ako sa loob. Tulungan mo kong bitbitin ang mga yun" palusot niya.
'Ano ako, tanga para payakapin ko sayo girlfriend ko' wika nito sa sarili at inakbayan ulit si Andria. "Ah, magingat nga pala kayo" ibinaling niya naman muli sa Laurel siblings yung atensyon niya.
On the other hand naman, wala ng nagawa si Paul kundi mag wave na lang kay Andria as a sign of goodbye. Alam niya namang ayaw ni Tony yung ideyang magyayakapan sila.
Sumakay na sila sa sasakyan at umalis na ito papuntang airport.
"See, sabi ko naman sayo bantay sarado na" wika ni Pam sa kapatid niyang tahimik na pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas ng bintana.
"not for long" at napasandal ito sa upuan.
. . .
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Andria sa kanya ng matapos na nilang mailagay lahat yung mga boxes sa loob ng car compartment.
"basta, matutuwa ka sa pupuntahan natin" sabay bukas niya ng pinto sa may passenger's seat.
"tara?" pagaya nito at kahit clueless sa kung saan sila pupunta ay sumakay na si Andria at nagsimula na ang kanilang biyahe.
Medjo malayo-layo yung pupuntahan nila kaya di namalayan ni Andria na nakatulog na pala siya. Hinayaan na lang muna siya ni Tony na makatulog para naman makapagpahinga.
. . .
"Andito na tayo" ginising niya ito na siyang ikinamulat naman ng mga mata niya. Nagstretching muna si Andria at kinusotkusot niya ang kanyang mga mata.
"Nasaan tayo?" tanong niya. Binuksan ni Tony yung pintuan at inalalayan ang kasintahan.
"See it for yourself..." at nagulat naman si Andria sa kanyang nakita.
"Hey Kids, say Hi to Ate Andria" wika ni Tony sa mga bata.
"Hi Ate Andria" sabay-sabay namang wika ng mga bata.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
