#LMASetYouFree
Josh's POV
'Josh ano ba talaga ang totoo? Sabihin mo na sa akin . . '
Napapikit ako habang inaalala ko yung mga naging tanong sa akin ni Andria.
"Pasensya na hindi ko maaring sabihin sayo. Baka kasi magalit sila sa akin at baka din makasama sa condition mo" nag-aalalang sagot ko sa kanya.
"Please Josh.." sabay hawak nito sa kamay ko, "please, I need to know..." nanghihina ako habang tinititigan ko ito sa mga mata. 'Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya'
Huminga muna ako ng malalim,
"Fine"
Nakinig itong mabuti habang nagkukwento ako sa kanya. Maya't maya akong napapatingin sa kanya, tinatry kong basahin kung anong nasa isipan niya.
Sinabi ko lahat ng mga naikwento niya sa akin dati, kasali na din yung mga recent na nangyari. Nag-aalangan naman akong sabihin sa kanya yung tungkol sa naging pagtatalo nila ni Tony pero she still insisted na sabihin ko sa kanya lahat ng iyon.
"...yan lang lahat..." sabi ko sa kanya ng matapos ko na yung kwento ko. Nabigla naman ako ng niyakap niya ako.
"Salamat Josh" bulong niya sa akin, "Salamat kasi kahit hindi ko naaalala mentally, pero feling ko naaalala ko ang lahat emotionally." humiwalay siya sa yakap at tiningnan ako sa mga mata. "Di na ako magtataka kung bakit naging kaibigan kita."
'How I wish this moment could last forever' pero mukhang hindi si Andria ang forever ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko sabay sabi ng, "Thank you and I'll be forever thankful kasi naging kaibigan kita. Pasensya na din kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sa akin."
Nagulat naman ako ng sinabi niya iyon sa akin, "P-P-aano?"
Ngumiti siya sa akin, "ikaw yung taong palaging kumakausap sa akin nung nasa ospital pa ako diba? At kahit hindi mo din naman sabihin, ramdam ko din naman kasi." niyakap niya ako muli.
"Salamat sa mga impormasyong sinabi mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano ito nakatulong sa akin" at hinalikan niya ako sa may pisngi ko.
Napatulala lang ako habang sinusundan siya ng tingin.
Ngumiti muna ito bago tuluyang umalis ng bahay.
Napaupo ako habang nakahawak sa pisnging hinalikan niya. Napabuntong-hininga naman ako,
"Mukhang na Friendzone na naman ako"
Masakit pero masaya na din ako para kay Andria. Nagulat nga ako kasi hindi nakaramdam ng kung anong galit si Andri habang nagkukwento ako tungkol sa kanila ni Tony.
'Akala ko magagalit siya kasi nagpapanggap ang ex niya bilang kakambal na first love niya.' napakamot ako sa ulo. 'Nalito ako doon ah'
"pero sana talaga, yung gagong iyon, Sa pagkakataong ito alagaan na niya si Andria kundi nanakawin ko na talaga siya, by hook or by crook !" napatawa na lamang ako habang kinakausap ang sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/38701356-288-k48540.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfic*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved