#LMALettingGo
Tony's POV
"Servant?" tawag ko sa kanya na kasalukuyang nakatayo sa tabi ko. Halatang pagod ngunit pilit pa din nitong ngumiti at kahit naaawa na ako at nakokonsensya na, hindi ko alam pero itong lintik na pride ko ay ayaw pa din akong tantanan. Mag-tatatlong araw na din simula noong naging servant ko siya.
Kahit anong pahirapan na gawin ko, di pa din ito sumusuko. Ang tibay!
Pero sabagay, isang matibay naman talaga na babae si Andria. Sa loob ng 2 years ko ata siya na kasama noon at saka Amazona toh eh! Noong first meeting pa nga lang namin, nirarat-tratan na ako.
Napatingin ito sa akin at base sa kanyang mga mata ay mukhang pagod na pagod na talaga ito, "ngayon na darating yung investor..."
Bigla namang lumiwanag ang mukha nito, "kakausa--"
"Gusto kong ikaw ang magprepare sa magiging setup ng Lunch business meeting namin mamaya" alam ko naman yung sasabihin niya at yun ang tila ayaw kong mangyari.
Nakipagkasundo lang naman ako sa kanya dahil nakukulitan na ako at siguro dahil napagtripan ko na din, kahit tawagin niyo na akong 'walang palabra-di Onor', pero wala nman talaga akong balak na kausapin siya.
Muli, naging matabang na naman yung ekspresyon ng mukha niya, "Okay po master" at umalis na ito para simulan ang trabaho niya.
Mula sa di kalayuan naman ay nakita ko yung asungot na magtatatlong araw na ding nakaaligid at pakalat-kalat dito sa hotel.
Talagang kinacareer na nito ang pagiging security guard niya kay Andria.
"So Pathetic" umiiling-iling pa ako habang naglakad papunta sa may Office ko dito sa hotel.
. . .
"Mr. Tamayo, welcome" bati ko sa isang lalaki na mukhang nasa mid-4o's na. Nakangiti niya akong sinalubong at agad na nakipagkamay sa akin.
"Ms. Gonzalez it's nice to see you again"
Magdamag lang akong nakipagbusiness talk kay Mr. Tamayo. Isa siya sa mga biggest client namin. Inilibot ko siya sa buong resort and by the end of it ay nakumbinsi ko itong maginvest ulit sa companya, hindi lang dito sa G-Tower Palawan but also althrought the hotel branches namin dito sa Pinas. May itatayo din kaming bagong G-Tower sa may Cavite, Cagayan de Oro at Davao.
Malapit ng matapos ang meeting ngunit tila ayaw ko pa itong matapos. Naaalala ko kasi yung naging kasunduan namin and as far as I'm concerned, ayoko pa din itong makausap.
Hindi ko din nakikitang nakaaligid si Andria. Pinagpahinga ko pa kasi ito para na din makaiwas ako by the time na umalis na si Mr. Tamayo.
"I ready mo yung chopper sa may helipad sa may roof deck ng Hotel." bulong ko sa isang security guard. "aalis na agad ako pagka alis ni Mr. Tamayo" agad naman itong nagnod at umalis na.
"I had so much fun today Ms. Gonzalez. Keep up the good work" sabay pakikipagkamay nito sa akin, "I'm sure, labis na masaya at proud ang nafefeel ng mga magulang mo ngayon dahil sa ginagawa mong pagpapalago ng negosyong naiwan nila"
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfic*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
