#LMATheHeartRemembers
'paano pag nagtanong siya?' nag-aalalang tanong ni Andrew kay Tony over the phone.
"gaya ng ginagawa n'yo, magsisinungaling ako" sagot niya.
'Kumbinsihin mo na lang siyang dito na lang muna siya sa bahay'
"Ginawa ko na yan kanina pa pero ayaw niya talaga"
'Isasama mo ba siya sa States?'
"Hindi ko pa alam"
'What do you mean 'hindi mo pa alam?' saan mo ba siya dadalhin?'
"Sa Mansion. Doon na lang muna kami titira pansamantala."
'Paano kung mabuko ka niya?'
"Eh di no choice na ako, aamin na ako."
'WAG!'
"Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?"
'humanap ka pa ng palusot o idadahilan, kahit ano wag ka lang mabuko o umamin agad'
"pero walang secretong hindi nabubunyag!"
"Timmy?" tawag sa kanya ng Andria ng magising ito.
"nagising na siya, mamaya na lang ulit..." sabay putol sa tawag.
'Tony! Hello?! Hello?!' naiinis na inilagay ni Andrew ang kanyang phone sa lamesa habang ginugulo-gulo nito ang kanyang buhok.
"sabi ko naman sayong hindi magandang solusyon yun diba?" wika ni Mr. Mendez sa kanyang namumublemang anak. Narinig niya yung mga naging usapan ni Andrew kay Tony sa cellphone.
"wala na kasi akong ibang maisip Papa."
"wala akong tiwala sa Tom nay yun. Minsan na niyang sinaktan at iniwan ang anak ko"
"Papa alam kong galit ka, pero wag mo sanang husgahan ang pagkatao niya base sa kamaliang nagawa niya. At saka, tanggapin man natin o hindi, si Andria din naman po ang nangiwan hindi po siya" napabuntong-hininga si Mr. Mendez at napaupo sa tabi ni Andrew.
"malalaki na talaga kayong mga anak ko at malayo-layo na din ang mga nararating ninyo. Ni hindi ko na din nga kayo halos kilala" nag-sesenti mode ito. Hinagod naman ni Andrew ang likod ng kanyang ama.
"Papa, alam kong nagaalala lang kayo para sa condition ni Andria, lahat naman po tayo. Pero sana kahit konting tiwala man lang ay ibigay niyo po sa akin at kay Tony. Kita din naman natin diba ang mabilis na recovery nito dahil anjan siya"
"pinapaniwala nating buhay yung boyfriend niyang matagal ng patay, drew!" medjo napataas ang tono ng boses ng ama nito.
"Papa..."
"pero pag eto hindi naging maganda ang kinalabasan, ikaw ang mananagot sa akin!" sabay tayo ng matanda at nagtungo sa kwarto nito.
Napabuntong-hininga na lamang si Andrew habang napatingin sa may picture frame na nakasabit sa may dingding.
"Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nung mga bata pa tayo..." ngayon siya naman ang nagiging senti. "sana talaga maging maayos na ang lahat. Kahit naman kasi Tom si Tony alam ko namang aalagaan niya si Andria. Sana talaga sa pagkakataong ito ay sangayunan na ng tadhana ang pagiibigan nila,
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
