#LMALongDistanceRelationship
Via Skype
" . . . So kailan ka nga uuwi?" tanong ni Andria habang naka-video chat sila ni Tony.
"Di ko pa nga alam eh, pero di naman siguro ako aabutin ng buwan..." sagot nito sa kanya.
"BUWAN!!? Naku magtatampo na talaga ako pagtumagal ka pa ng isang buwan jan" sabay pout.
Bahagya namang napatawa si Tony sa naging reaction ni Andria, "di naman halatang namimiss mo na ako"pagbibiro niya.
"Di lang kasi ako sanay na ganoon ka katagal na mawawalay sa akin" *insert sad face here*
"Naku naman, ang sarap mong i-pinch sa cheeks sa sobrang ka-cutan mo.." panggigigil nito.
"Hoy! Antonya tigil-tigilan mo ako ahh" nahihiyang wika nito.
"Antonya?" napataas bigla ang kilay ni Tony, "Anong klaseng pangalan yan? Sobrang panget naman!" sa pagkakataong ito, si Andria na naman ang napatawa.
Nagkulitan lang ang dalawa habang naguusap sila via skype. Mae-extend pa kasi yung stay ni Tony sa L.A lalo na't siya yung inatasan ng mga magulang niyang umasikaso sa mga kakailanganin ni Anthony (yung half brother niya) para sa pag-aaral nito. Gusto kasi ni Mr. Gonzalez na makapagtapos ng pag-aaral si Anthony para matulungan nito si Tony sa pagpapatakbo ng business. Di naman kasi maipagkakait na isa na din ito sa magiging tagapagmana ng Gonzalez Group of Companies.
".. di ka ba naiilang sa half brother mo?" tanong ni Andria.
"hmm... at first siguro, pero ngayon hindi na.."
"so di ka against sa pagiging kahati niya sa lahat ng mamanahin mo?"
"Hindi, di ko rin naman kayang patakbuhin ang lahat ng mag-isa. As long as he'll manage it well at ma-maintain niya ang legacy ng parents ko, which is parents na din n'ya. Wala kaming magiging problema."
"So tanggap mo na siya?"
"bakit naman hindi? Di n'ya naman kasalanang maging anak sa labas noh. At saka kadugo ko siya, kung mabait siya sa amin, magiging mabait din ako sa kanya. Wag na wag lang talaga siyang gagawa ng kahit anong ikakasira ng tiwala ko."
"Speaking of tiwala, ikaw jan ahh behave ka! Baka kung saan-saan na nakatingin yang mga mata mo. Tatanggalin ko talaga yan pag nalaman ko!" bigla namang nagtransform sa pagiging amazona itong si Andria.
"Let's talk about the Amazon Girlfriend." natatawang wika ni Tony. ".. don't worry okay, My eyes are all yours.."
"so mga mata mo lang?" napacross-arms at taas kilay pa ito.
"Syempre kasama na doon yung puso at kung gusto mo pa, pati yung kaluluwa ko.."
Nagtawanan naman silang dalawa.
"Crazy!"
"..For you..." sabay nguso ni Tony sa Monitor.
"uwi ka na agad ahh..."
"kiss muna?"
"saka na pag nakauwi kana"
*insert sad face here*
"Aww, ang cute mo ..."
"Pero mas cute ka pa din.."
"Ahem! Excuse me po Ms. Andria pero may meeting pa po tayo.." biglang sumulpot naman yung co-worker ni Andria. Di niya kasi napansing nakapasok na pala ito sa office niya sa kakadaldal niya kay Tony.
"Ai, Oo nga pala!"
"Alis kana?" tanong ni Tony sa kabilang linya.
"oo eh, mamaya na lang ulit.." malungkot na sagot sa kanya ni Andria.
"Di ko alam, baka kasi mabusy ako mamaya dahil bibisitahin ko din yung main base dito. Papasyalan ko din yung bagong tayong hotel namin. Sasamahan ko din si Anthony." malungkot na wika naman ni Tony sa kasintahan.
"aww... basta, imemessage na lang kita ah. Dapat ikaw din."
"siyempre naman. babalitaan kita"
"bye, ingat ka.."
"bye, i love you"
"i love you too"
*End OF VIDEO CALL*
=====================================================
*Unedited Version
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fiksi Penggemar*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved