Chapter 38

3.6K 112 8
                                        

#LMAFate

Tony's POV


"Salamat po Sister sa address, mauna na po ako" wika ko sa kanya at sumakay na ulit sa van.


Di ko namalayang nakatulog pala ako habang nasa biyahe. Nagising lang ako ng may masagasaang bato yung van na nagcause na pagkaalog dito.


"Sorry po sir este ma'am" paghingi ng paumanhin ng driver. Napatingin ako sa may bintana at mukhang malayo-layo na din pala ang narating namin. Medjo malubak na din itong dinadaanan namin at wala na din akong ibang makita kungdi puro kahoy.

"Malayo pa ba?" tanong ko.

"30 mins na lang po sir makakarating na tayo sa Sitio Alaala" wika sa akin ng driver.

"Sitio Alaala?" napataas naman yung isang kilay ko.

"yun po ang nakalagay dito sa address na binigay mo po sa akin"

"ayy oo nga pala" tapos napasandal ako sa upuan. Di ko naman kasi nabasa yung isinulat ni sister, excited lang kasi akong makita si JanJan kaya ng makuha ko na yung address ay agad-agad na akong umalis.


After 1234659647498 minutes ay sa wakas nakarating na din ako. 


Bumaba ako mula sa sakyan bitbit ang bagahe ko at isang box ng cake. Naalala ko kasi kung gaano ka gusto ni JanJan na kumain ng matatamis lalo na yung cake at ngayong alam ko ng magaling na siya, siguro naman makakain na siya kahit konti. 

Napagdesisyonan ko din na dito muna tumuloy kung okay lang sa kanila para makapag bonding kami ni JanJan.


"Tao po!" wika ko habang kumakatok sa may pintuan nila. Nakangiti naman akong binati ng isang babae na nasa mid-40's.

"Ms. Gonzalez" at pinatuloy niya ako.

"KUYA TONY!!" sigaw ng isang binata na sa palagay ko ay si "JanJan?"


woah, sobrang laki na ng pinagbago niya. Kung dati chubby ito at halos taga bewang ko lang ngayon antangkad na niya at payatun na din.


Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. 


"kamusta ka na??"


Sobrang namiss ko itong batang ito. 


Ngayon ko lang din napansin yung braso niya, yung kaliwang braso niya to be exact -- Wala na. Pero di ko muna siya tatanungin tungkol sa bagay na ito dahil baka malungkot siya. Ang lapad-lapad kasi ng mga ngiti niya sa akin ngayon.


"More than okay kuya!" sabay hug niya ulit sa akin. "Sobrang saya ko kasi andito ka . . ."



"Andito kayo ni Ate Ganda" nanigas naman ako bigla doon sa sinabi niya.


"A-A-Ano?"


"Si Ate Ganda" sabay turo niya dito mula sa kaniyang likuran.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon