Chapter 29

3.5K 101 3
                                        

#LMAWarmHearts

Tony's POV

"So ang kulit din pala ng first meeting ninyo, at talagang magkapangalan pa kayo" sabay tawa nitong si Joe. Ikwenento ko kasi sa kanya ang lahat ng tungkol sa nangyari sa amin ni Jay.

"Tumigil ka na nga, wala namang nakakatawa doon" at napasandal ako sa upuan ko while drinking up my coffee.

"But seriously, didn't you find it strange bro. Well, aside sa magkapangalan kayo, wala ka bang ibang napapansin?"


"Ano ba yang pinagsasabi mo jan?"


"Baka kasi this is the time for you to love again..."


"anong love love na pinagsasabi mo jan" sabay lapag ko ng mug sa may coffee table.

"Duhh, Love...alam mo na yun. Hindi na ba ito yung right time na magseriouso ka na naman ulit pagdating sa bagay na yan. At saka di ka na din kaya bumabata"

"Excuse me po ahh, 26 pa lang ako. Kung makapagsalita ka parang 40 na ako. Sapakin kita jan" sabay tapon ko ng tissue sa mukha nito.

Napatawa lang dito ito, "pero di nga, wala ba talagang effect si Jay sayo?"

"wala" maikli kong sagot.

"talaga?" at tinataas-baba pa nito ang kanyang mga kilay.

"alam mo, na aannoy na ako sayo!"

Nag peace sign lang ito at tumayo na, "sige na nga di na kita kukulitin. Pero bro ah, malakas yung feeling kong itong babaeng ito ang babago sa perspective mo pagdating sa pagibig"

"feeling mo lang yun! Mag trabaho kana, kung anu-ano pa yang pinagsasabi mo!" at patakbo ng umalis si Joe malayo sa akin.

~

Gaya ng usual Friday night ko ay nasa bar na naman ulit ako. 


Unwind


Enjoy


Drink


at hanap ng chics.


Masaya akong nakikipagsayaw at nakikipagsabayan sa mga tao na nasa dance floor. Kaso parang hindi ata ako sinuswerte ngayon kasi maghahating gabi na lamang ay wala pa din akong nakakakuha ng flavor of the night ko.

Napagod na din ako kakasayaw kaya tumambay na lang muna ako sa counter at doon nagpatuloy sa paginom.

Nabaling naman ang atensyon ko ng may napansin akong konting komosyon na nangyayari sa may corner malapit sa banyo.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon