#LMALies
After ng mini vacation nila sa Palawa ay back-to-normal na naman ang lahat. Nakumbinsi ni Tony ang Dad niya na mananatili muna siya sa Pinas kasi ayaw niyang madaliin si Andria sa pagpunta doon. Nag usap na din kasi sila tungkol doon kaso sabi ni Andria sa kanya na di pa ito handang iwanan ang pamilya niya.
Nirerespeto naman ni Tony ang desisyon nito.
Tulad ng dati niyang routine, nasa office na naman ito at inaasikaso ang ilan sa mga paper works niya.
Napabrowse muna ito sandali sa facebook para naman malibang konti yung sobrang nasi-stress niyang utak. Nalilibang kasi siya kakabasa at kakatingin ng mga post ng 9Gag.
"Laughtrip naman nito" habang tawa pa siya ng tawa.
Bigla namang natanggal ang mga ngiti sa labi niya ng may nakita na naman siyang di niya nagustuhan.
"Ba't palagi na lamang may masamang dalang balita itong facebook sa akin" napakunot noo ito habang nakatingin sa monitor.
~
Anthony's POV
"So kamusta?" tanong sa akin ni Mindy ng makuha ko yung sulat mula sa mail box. Kakaiba din kasi 'tong University na tinake ko ng exam, talaga bang hardcopy mail pa yung pinadala sa akin. Eh pwede namang i-Email na lang. Pati 'tong Alternative Exam na kinuha ko, minail din at talagang sabay pang dumating. Double-double tuloy itong kabang nararamdaman ko.
"sabay pa talagang dumating.." wika niya ng maipakita ko sa kanya ang mga sulat na hawak-hawak ko ngayon.
"Di ko alam anong uunahin ko" wika ko sa kanya.
Kinuha niya mula sa akin yung isang sulat, "sabay nating buksan. Ako ang magbabasa nito at ikaw naman ang magbabasa niyan."
"paano kung di pala ako nakapasa sa isa?"
"di yan, tiwala ka lang okay" napagaan naman ng ngiti niya ang nanghihina kung kalooban.
"ready?"
Tumango ako sa kanya at sabay na naming pinunit at binuksan ang envelopes'.
Parehong nanlaki ang mga mata namin at nagkatinginan din kami sa isa't isa.
"NAKA PASA AKO!"
"NAKA PASA KA!"
Sabay naming wika at nagkayakapan kami. Tumalon-talon din kami dahil sa kasiyahan.
"YEEEAAAHHHH!!!!!"
Pareho naman kaming natigilan ng mapansin namin yung pinag gagawa namin. Napabitaw naman kami sa isa't isa ng biglang dumating si Mom (yung na kasi ang pinapatawag sa akin ni Tita).
"Okay lang ba kayo?" tanong niya.
Awkward silence naman yung nangibabaw sa pagitan namin ni Mindy, "u-uhmm" parang nabuhol yung mga dila ko at di ako makapagsalita. Buti naimanage ni Mindy yung situasyon at nasabi niya yung tungkol sa,
"Naka pasa po si Anthony tita, both exams!" masayang balita nito.
"Talaga?" at inabot sa kanya ni Mindy yung mga sulat. "This is GREAT! I'm sure matutuwa yung Dad mo nito" nakangiting wika sa akin ni Tita.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
