#LMAAngelinDisguise
Pagkatapos gawin ni Tony lahat ng naisipan nitong gawin ay pumunta na ito sa Palawan.
Yung natanggap niya kasing sulat ay galing kay JanJan, yung batang nasa Cancer Center for Children. Matagal-tagal na din pala itong sumusulat sa kanya, pero dahil sa mga nangyari at dahil na din sa sobrang busy ay di niya ito nabasa agad.
Yung huling sulat na natanggap nito ay galing na sa Ina ni JanJan. '....Gusto nya po kayong makita. Palagi niya po kasi kayong hinahanap. Sana po makapunta kayo sa 11th birthday niya'
"11th?" at napaisip ako, "antagal ko na din pala talagang hindi nakauwi at nakabisita dito." wika ko sa aking sarili ng makababa mula sa sasakyan.
Andito na kasi ako ngayon. Kahit naman hindi na ako nagagawi dito ay never nagstop ang GGC na supportahan ang center na ito.
Marami-rami na din ang nagbago dito at dahil dito ay nakaramdam ako ng kagalakan. Kahit papaano pala ay nakakatulong ang companya ko sa mga ganito. Marami pa din kaming mga ibang charities na tinutulungan pero ang center na ito ang pinakapaborito ko.
Pumasok ako sa loob at agad na hinanap si JanJan.
"Tony" tawag sa akin ng isang babaeng nasa early 50's.
"Sister Sheena" at niyakap ko ito.
"I'm so glad that you finally come and visit us here." masiglang wika nito sa akin. "sana nagpasabi ka para naman nakapaghanda kami."
"Naku sister wag na po kayong magabala. Pumunta lang po ako para mangumusta."
"okay lang naman kami dito. Uhmm may ibang mga bata nga lang na kinuha na ng Maykapal. Pero may ilan din namang gumaling at nilisan na ang center. May mga bago din na dumating, ganyan naman kasi dito sa center. Walang permanente pwera sa akin." wika nito.
"S-Si JanJan po?" nanginginig kung tanong sa kanya. Nagaalala kasi ako na baka di ko na ito naabutan. Bata pa lang kasi ay may diabetes na si JanJan kaya ito na gawi sa center.
Ngumiti naman si Sister, "nabasa mo ba yung mga naging sulat niya sayo? Alam mo kinukulit ako ng batang 'yon ng sobra dati kasi gusto niyang matutong magsulat at magbasa. Nalungkot din ito ng mabalitaan yung naging trahedya sa mga magulang mo." napayuko ako dahil sa sinabi ni sister.
"pero anyway, wala na si JanJan dito"
"HO!?" gulat kong bulalas sa kanya, "what do you mean 'wala na' po?!"
"easy ka lang, wala na siya meaning umalis na ito dito sa center. Kinuha na siya ng Ina niya at dinala sa kanila. Dahil kasi doon sa program na inisponsor mo para sa mga magulang ng mga batang andidito ay natulungan yung Mama ni JanJan at nagawang matustusan na yung mga pangangailangan ng bata. Mag iisang taon na din mula ng umalis siya dito"
"may alam po ba kayo kung saan ko matatagpuan ang bahay niya?"
"hindi niya ba nailagay sa sulat niya?"
"email po kasi yung latest na natanggap ko"
"teka hahanapin ko, halika tuloy ka muna"
. . .
Andria's POV
After ng mahaba-habang biyahe ay sa wakas ay nakarating na din ako dito.
"Tao po?" wika ko habang kumakatok sa pintuan ng isang bahay.
"Ano po yung atin?" may isang babae na nasa mid 40's ang nagbukas ng pinto.
"anjan po ba si JanJan?" tanong ko ngunit bago pa man ito nakasagot ay may tumawag na sa akin mula sa loob.
"ATE GANDA!!" masiglang wika nito at sinalubong ako ng yakap.
"JanJan?"
"Ate Ganda, sa wakas nag kita din tayo. Matagal na po kitang inaantay" di tulad ng dati, ang little JanJan na nakilala ko noon ay nagbibinata na ngayon. Tumangkad na din ito at konti na lamang ay malalagpasan na niya ako. Medjo pumayat na din ito at yung kaliwang braso niya ay wala na.
"Alam niyo po sobrang nalungkot ako ng hindi na po ulit kayo nakabalik. Pero okay lang naman po iyon at least ngayon ay nandidito na po kayo" pinapasok niya ako sa kanilang bahay.
Okay lang naman yung place nila, just enough for him and her mother. Sa pagtatansya ko silang dalawa lang ng mama niya ang nakatira dito.
"Kamusta po ang biyahe?" tanong nito sa akin at yung mga ngiti niya naman ay halos di matanggal-tanggal sa kanyang mga labi.
"okay lang naman medjo nakakapagod. Malayo-layo din pala itong sa inyo mula sa civilization" wika ko sa kanya. Nasa may mountain part kasi yung bahay nila, malayo sa City.
"Medjo malayo nga pero sobrang peaceful naman dito at napakapresko ng hangin dito"
"magmeryenda muna kayo" tawag sa amin ni Mrs. Delos Reyes.
"Alam mo ate ganda masarap yung gawa ni mama na buko pie" pumunta kami sa may lamesa at binigyan niya ako ng isang slice, "Sakto lang yung lasa. Hindi matamis, pero hindi rin naman matabang..."
"hhmmm..... masarap nga" para namang sumabog sa bibig ko yung sarap ng buko pie.
"business din yan ni mama dito. May naging branch na din kami sa lungsod" kumuha din ito ng kapiraso ng buko pie.
Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano ngbiglang may kumatok sa pintuan at nabaling ang attensyon namin doon.
"Tao po!"
"Ako na" wika ni Mrs. Delos Reyes habang napatayo naman bigla si JanJan. Napatingin ako sa pintuan at nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko kung sino yun.
Di ko halos maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
'Oh.My.GHAD'
===
*Unedited Version
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved