#LMAAFriend'sPointOfView
Busy sa pagliligpit ng gamit si Andria matapos nitong maidismissed ang mga bata. Maya-maya nito ay napaupo muna siya sa may front row habang inaantay si Josh.
"having headaches again?" tanong ni Josh ng makarating ito sa classroom ni Andria. Naabutan niya kasi itong nagmamassage sa may forehead nito.
"ang kukulit din naman kasi ng mga bata" wika nito sa kanya sabay tayo, "so let's go?"
"ako na ang magbibitbit niyan" sabay kuha ni Josh sa mga gamit nito.
"Salamat"
"baka gusto mo munang magdrop by tayo sa clinic ko para kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo?" nagaalalang tanong nito sa kanya.
"wag na, mawawala din toh. Sadyang ginugutom lang talaga kasi ako" sagot naman niya.
~
Nagtungo sila sa paborito nilang kainan malapit sa school dito sa Central Coast, Australia. Almost 2 years na ding nakatira si Andria dito at nagpaconvert na din ito ng citizenship.
Kung gusto niyong malaman kung bakit siya umabot dito, malalaman niyo din sa mga sumusunod.
"eto na" masayang wika ni Josh ng maiserve na yung meal nila.
Nagkwentuhan lang silang dalawa, gaya ng mga usual nilang ginagawa tuwing natatapos yung trabaho nila.
Nagte-teach na si Andria ngayon sa isang school for special children at si Josh naman yung pediatric doctor sa nasabing school.
Nakangiti lang si Josh sa kanyang habang nagkukwento si Andria tungkol sa naging araw nito.
Josh's POV
'This girl never failed to make my heart skip a beat' wika nito sa kanyang sarili. 'it's been almost 4 years na din simula ng magkakilala kami and God knows how I fell in love with her since then. Kaso, she kept her heart close up until this day. Pagkakasi tinatanong ko siya tungkol sa love life, palagi na lang nitong sinasabi sa aking, ayaw niya munang pumasok sa mga ganoon.'
"Gusto ko munang buoin muli ang sarili ko para maibigay ko sa taong mamahalin ko yung buong ako" yan yung palagi nitong sinasabi sa akin.
'Hindi pa din kasi ito nakakapagmove on sa ex niya and I know she's still blaming herself sa kung bakit nagkahiwalay sila'
"Mahal na mahal ko siya, sobra..." wika nito sa akin nung minsang nagshare ito.
Althrough our friendship, tila naging human diary niya ata ako. At sobra akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko itong nasasaktan. She keeps on looking back at her past kasi and she's living a life full of regrets.
Kahit naman kasi nakikita ko itong ngumingiti at tumatawa, I can still see deep in her eyes the emptiness, regret and longingness nito sa kanyang ex.
And that's breaking the shit out of me.
I love her and I really want to get rid of that thing out of her kaso she keeps her barriers up. Kaya mas pinili ko na lamang maging close and be her friend. By that way kasi, namomonitor ko siya. Atleast nalalaman ko yung mga naiisip niya, kasi nga diba I'm her human diary.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
