#LMALikeWeUsedTo
Kinabukasan ay na gising si Tony sa mga tawanan sa labas. Bumangon ito at napalinga-linga sa paligid. Napatingin ito sa may kama at nakitang wala na si JanJan doon.
Tumayo ito at lumabas na ng kwarto.
"Good Morning Master" bati sa kanya ni Manang Rosie.
Napangiti naman si Tony at nagwika ng, "Manang Rosie, diba sabi ko po sa inyo na Tony na lang yung itawag mo sa akin" sabay kamot nito sa kanyang ulo. Matapos ng morning greetings ay nagtungo muna ito sa banyo para makapag morning rituals.
"Si JanJan po?" tanong nito nung muli itong makabalik sa may kusina.
Busying-busy sa paghahanda si Manang Rosie sa pagluluto ng mga pagkain. Ngayon na kasi yung kaarawan ni JanJan.
"Nasa labas siya" at pumunta naman ito agad sa labas.
Bumungad sa kanya ang maraming tao. Masaya silang nagtatawanan at may iba naman na nagkukwentuhan habang gumagawa sila ng kanya-kanyang mga gawain.
May groupo ng mga kalalakihan na nag-aayus ng mga lamesa, may ilan naman na tila nag-aayus ng mga gagamitin para sa isang palaruan. Mala-piesta yung ambiance at yun ang pinagtataka ni Tony.
"si Mama kasi, ginagawa niyang parang piesta yung kaarawan ko taon-taon." napalingon ito sa kanyang tabi at nakita si JanJan na nakatangin din sa mga tao.
"Happy Birthday nga pala JanJan" at inakap niya ito ng mahigpit.
"salamat po" inakap din siya nito. "magkape ka nga po pala muna kuya" sabay abot nito ng isang tasa ng kape.
Matapos nun ay nakihalubilo naman si Tony sa mga tao. Tumulung siya sa mga nagaayus ng mga kinakailangan. Maya-maya ay lumipat ito sa isang groupo na nagluluto ng lechon.
"hmmm, nakakatakam yung amoy" nanggigigil niyang wika habang tinitingnan yung nilulutong lechon. Di niya kasi maiwasang matakam lalo na dun sa malulutong na balat.
Habang nakikipagkwentuhan sa mga taong nakasama niya ay bigla naman itong napatingin kay Andria na kakalabas lang galing sa loob ng bahay. May dala itong tubig at baso na siyang iniabot niya dun sa mga tumutulong. Tila nagiislowmo naman yung paligid habang pinagmamasdan niya itong ngumiti.
Ng marealize nya yung pinaggagawa niya ay bigla itong napailing at pilit burahin sa kanyang isipan ang naging panandalian nitong naramdaman.
'Ano bang nangyayari sa'yo Tony!' tumayo ito at naglakad-lakad muna hanggang sa napadpad ito sa posteng sinasabi ni JanJan na may signal. Kinuha nito yung phone niya at dinail and number ni Anthony at kay Joe. Pareho niyang sinabihan ang dalawa tungkol sa kalagayan niya dito sa bahay nila JanJan.
Ngunit hindi nito ibinanggit ang tungkol sa pagkikita nila ni Andria, lalo na kay Joe. Kahit di niya kasi ito sinasabi, ramdam niyang may konting galit ang nararamdaman ni Joe para kay Andria.
Pagkatapos nilang mag usap ay tinawagan niya naman si Jay, ngunit sa di inaasahan ay di nito sinasagot ang phone niya.
Sa pangapat na ulit nito ay nagtataka naman siya nung biglang icancel ni Jay yung tawag mula sa kabilang linya.
"anyare doon?" tska niya ito naisipang itext.
'kasama ko kasi si Daddy. tawag na lang ako mamaya.' text nito sa kanya.
"kung sabagay, minsan lang naman siyang umuwi doon, bayaan ko nalang siguro muna siyang makapagbonding sila ng dad niya" ibinulsa na niya ulit yung phone at naglakad na uli pabalik sa bahay.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfic*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
