Chapter 52

4.1K 104 21
                                        

#LMADate

Andria's POV

* * *

Papunta na ulit ako ngayon sa park. 

Naiinis ako kay Mama kasi late niya akong pinalabas ng bahay, tiyak marami ng mga bata sa park ngayon!

Naku, aawayin ko talaga yung sino man ang aagaw sa pabortio kong pwesto, ang swing! 

Makukulay ang pintura dito sa park. Madami ding mga palaruan na maaring paglibangan ng mga bata.

Ang sarap talagang tumambay dito, ayoko kasi sa bahay kasi inaaway lang ako ni kuya Andrew. *pout*

Di naman masyadong malayo yung park mula sa amin. Ginamit ko yung bisikleta ko para naman makarating na ako agad doon. Alas kwatro na kasi at dahil weekend, tiyak marami akong kaagaw sa paborito kong swing!

and speaking off,

Meron na ngang nakapwesto doon.

Isang batang babae na naka suot ng pink Jumper at puting undershirt.

'At talagang tuwang-tuwa pa siya habang tinutulak-tulak siya ng lalaking ka mukha niya? Kambal ata niya, malamang'

"AHEM!" napahinto yung batang lalaking tumutulak sa kanya habang napatingin naman sa akin yung batang babae.

"pwesto ko yan" taas noong wika ko dito.

Tinaasan niya naman ako ng kilay, "bakit ikaw ba mayari ng swing na toh?"

"OO" nakacross arms naman ako habang mataray siyang tinitingnan.

Napalingon-lingon ito na tila ba may hinahanap, "wala namang nakalagay na pangalan ah!"

"Ano naman kung wala?! Umalis ka na nga" sabay uyog ko sa swing na siyang ikina alis naman niya agad.

"bakit ka ba nangaagaw?! Nauna kami dito!?"

"Pwesto ko kasi toh kaya alis!"

"hindi porket pwesto mo toh eh bawal ng maging pwesto ng iba, bakit ikaw ba ang mayari ng swing na toh?! Ikaw ba ang gumawa nito?!" naiinis yung tono ng pananalita niya.

"U-MA-LIS-KA-NA!" sabay tulak ko sa kanya.

"Nakakainis ka !" susugurin niya sana ako ng bigla siyang pigilan ng kakambal niya.

"Tonette, awat na" dinilaan ko naman ito.

"Tim, tayong nauna dito eh!"

"bayaan mo na lang siya. At saka kailangan na din nating bumalik bago pa malaman ni Mama na umalis tayo sa bahay ni Uncle. Kawawa naman si Uncle, siya yung mapapagalitan" sabi ng lalaking kambal niya.

"NO! Hindi ako magpapatalo sa batang mangaagaw na yan!" sabay turo sa akin.

"At ako pa ang MANGAAGAW!?" ligaw lang naman pala ata ang dalawang toh dito sa lugar ko eh, kung umasta parang kung sino ng prinsesa!

"OO IKAW!" lumapit ito sa akin at dahil sa ayokong magpatalo sa kanya ay lumapit din ako sa kanya at nagsukatan kami ng tingin.


"Umali---" magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong halikan sa LIPPPSSSSSSSSS. Itinulak ko siya na siyang ikinaupo niya sa lupa, 

"EWWWWWWWW!!!!!!!!!!" sabay punas-punas ko sa mga labi ko. Hindi lang pala mangaagaw ang babaeng ito, MAGNANAKAW PA NG HALIK!!!! GGGGRRRRRRR!!!!!!!!

Ang lakas naman ng tawa niya habang tulalang-tulala ang kakambal niya.

Dinilaan niya lang ako sabay sabi ng, "Buti nga sayo!" sabay hila niya sa kakambal niya at umalis na silang dalawa.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon