#LMAChangeOfHeart
Halos maghahating-gabi na ng makauwi sina Andria at ang mga Laurel Siblings. Sa sobrang pagod ay nakatulog na si Pam. Dinrop muna ni Paul si Andria sa kanila.
"Salamat sa paghatid" wika nito sa kanya.
"walang anuman, sa uulitin" ngiti ni Paul sa kanya. Kahit sobrang pagod ay halata sa mukha ng binata ang lubos na kasiyahan lalo na't nakasama nito si Andria. Di naman maipagkakaila na kahit ilang taon na din ang nakalipas ay may nararamdaman pa din ito sa kanya.
Bumaba na si Andria at tutungo na sana sa loob ng bahay ng tinawag siya ulit nito.
"Andria, nakalimutan mo" nasa may tapat na sila ng gate nung inabot ni Paul yung stuff toy na napanalonan nila kanina.
"uhmm salamat.." tinanggap naman nito ang cute na cute na stuff toy na minion at inakap ito. "uhmm, cge uwi na din kayo. Papasok na ako sa bahay"
"Sige, Good night" inipon lahat ni Paul yung lakas ng loob niya at lumapit kay Andria para bigyan ito ng isang good night kiss sa may noo. Aware naman siyang may boyfriend na ito pero di niya talaga maiwasang maging sweet sa kanya.
Sobrang nagulat naman si Andria doon sa ginawa ng binata.
Ramdam ni Paul ang awkwardness between them kaya bahagya na niyang tinulak si Andria papasok sa may gate nito, "p-pasok kana"
"G-good night" pabulong na wika ni Andria at pumasok na.
Umalis na din si Paul agad ng makitang safe ng nakapasok ang iniibig nito sa loob ng bahay.
Habang si Andria ay sobrang gulat na gulat pa din sa nangyari. Napahawak ito sa may dibdib niya at ramdam nito ang sobrang lakas ng pagtibok ng puso nito.
Ano bang nangyayari sa akin?!
Tanong niya sa sarili habang naka sandal sa may pintuan.
Meanwhile,
may isang pares ng mga mata naman ang tahimik na nakamasid sa kanya. Napailing-iling ito habang tinitignan ang Ate niyang sobrang stunned sa nangyari. Nakita niya lahat at ramdam niyang may malaking kaguluhan ang maangyayari pagpatuloy pa din itong mangyayari.
"sana alam mo pa yung ginagawa mo. Sana alam mo yung gulong papasukan mo." bulong nito sa sarili at tahimik na pumasok sa loob ng kwarto.
~
Anthony's POV
Maaga akong pinagising ni Dad kasi ngayon na daw mag sisimula ang tutorial ko para sa darating kong exam. Next month na daw yung sinasabing exam kaya dapat as soon as possible ay dapat maka pagsimula na ako sa pag rereview.
May in-assign daw na tauhan si Tony para turuan at tulungan ako sa pagrereview. Medjo kinakabahan naman ako, baka kasi terror yung nakuha nila. Nakakapressure kasi ang mga ganoong klaseng guro.
As usual, suot-suot ko yung nerdy glasses ako. Wala din naman kasi akong alam sa fashion-fashion na yan kaya nagmumukha akong baduy. No! Actually Baduy talaga ako manamit.
Kumain muna ako ng breakfast bago pumunta sa library na nasa loob lang din ng mansion. Nakakalula din ang laki ng bahay. Nung first time ko nga dito, akala ko mawawala ako sa sobrang laki. At yung mga pagkain, parang araw-araw may peista. Kidami-dami kasi ng mga handa.
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fanfiction*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
