#LMAEmotionallyBattered
Nagkagulo ang lahat ng biglang sumugod ang isang waiter at pinagsusuntok si Paul. Nagulat naman si Andria at pilit niya itong pigilan.
"F*cking ass hole, g-get off me" walang kalaban-laban na wika ni Paul.
Tumakbo din papalapit si Joe sa kaibigan para pigilan ito. "Tony, stop it!"
"Tony?" napaatras si Andria ng marinig niya iyon.
"Tony, Tony Calm down!" nahawakan na ngayon nito ang kaibigan.
"Oh my gosh Paul!" dali-dali nmang tumakbo ang Ate nito sa kanya at tinulungan siyang makatayo. Halos mamaga na yung mga mata niya at sabog na din yung mga labi nito.
"What's wrong with you!" galit na bulalas ni Pam.
Tinanggal ni Tony yung mask niya at itinapon iyon sa pagmumukha ni Paul, "Kayo ang dapat tanongin ko niyan! Mangaagaw!"
Gasp
"Tony?" wika ni Pam.
"W-wala akong *cough* inaagaw sayo" nagmamaang-maangan pang wika ni Paul na siyang ikinaasar pa lalo ni Tony at umakmang susugod ulit.
"Tony, please stop! Ano bang nangyayari sayo" wika ni Andria ngunit di siya pinakinggan nito.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito Mr. Laurel!" sigaw niya.
"Are you threatining me?!" matapang namang wika ni Paul sa kanya.
"Tony tama na!" hinahawakan at hinihila na nito ang kaibigan papalayo sa kanila.
"sandali!" tapos na pabitaw si Joe sa kanya. Napatingin si Tony kay Andria at kitang-kita sa mga mata nito yung galit. "Sumama ka sa akin!" sabay hila niya dito palabas.
"Tony, aray nasasaktan ako" reklamo niya ngunit di pa din siya pinakikinggan nito.
Humirit pa talaga si Paul at pinigilan si Tony.
"Sabi niya nasasaktan siya!" sigaw niya ngunit nakatikim lang ulit ito ng isa pang suntok.
"its none of your business!" tapos hinila niya ulit ito, leaving Paul on the ground.
~
"Tony!"
"Tony!"
"Tony bitiwan mo ako!!"sigaw ni Andria at binitawan na din siya ni Tony. Nasa may roof top na sila ngayon ng hotel.
Hinimas himas nito ang namimilipit niyang braso habang pinapakalma muna ni Tony ang sarili bago magsimula.
Umalingasaw ang katahimikan sa pagitan nila at mga ilang minuto din ang lumipas bago binasag ni Tony yung katahimikan.
"Sumama ka na sa akin. Pumunta na tayo ng states"
Napatingin naman sa kanya si Andria habang nakapoker face na siya, "napagusapan na natin ito diba?"
"Oo pero gusto na kitang dalhin doon" hinawakan nito ang mga kamay niya, "I have all the money in the world Andria at kung pamilya mo lang ang problema, madadala ko din sila doon kung yun ang gusto mo"
BINABASA MO ANG
Love Me Again (TiAom)
Fiksi Penggemar*Original (Unedited) Version Sequel of By Chance ~ Initially published on July 26, 2015 Copyright © 2022 aycebreaker All Rights Reserved
