ByChanceOneTwoTHREE

5.3K 120 32
                                        

#Preview


'Sabi nila,


Love is the most powerful thing in this world....'





"Andria, malapit na talaga tayo. Konting tiis na lang talaga..." 


"Ma-da-ling! sabihin kasi hind--ii ikaw! Arayy!! Bi-li-san mo na!!!!!" 


"Oo eto na nga ohh...."



' . . . wala din itong pinipili 


ma pa


Race,


Gender,


Age,


at


IQ man--'


"Ms. Ramerez!" Napabalik ulirat ako ng biglang tawagin ang apelyedo ko. Lahat naman ng mga kaklase ko ay napalingon sa akin. "Tulala ka na naman?!"

"Panigurado si Mr. Genus na naman ang iniisip niyan!" wika ng isang ka klase ko.

"Speaking of Mr. Genus, naglalakad siya sa hallway!" at nag sitakbuhan naman ang mga karibal ko papunta sa may pintuan para makita si Mr. Genus ko.

"Tabi nga di ko siya makita!!" sigaw ko sa kanila ngunit di naman nila ako pinapansin at sige lang sila sa paguunahan sa may pintuan.

"Klase ano ba!" sigaw ng teacher namin pero bahala siya jan, pagka si Mr. Genus na kasi yung pinaguusapan, baliwala na sa amin ang iba.


Ang OA ko lang right pero totoo naman kasi.


Sino ba ang di mababaliw sa kanya, GWAPO + MATALINO = PERFECT!



"aray..." kakasiksik ko kasi sa sarili ko eto tuloy na dapa ako at nasubsub ang mukha ko sa labas ng classroom. Napatigil naman ang mga kaklase ko sa pagtutulakan.

Napatingin ako sa may kanan ko at nakita ang dalawang pares na mga paa. 


Sobrang kinakabahan ako.


Dahan-dahan akong napatingala at parang tumigil naman ang mundo ko ng masilayan ko ang napakagwapo niyang mukha.


'Mr. Genus'


Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko.


Mas lalo pa itong bumilis ng napaupo ito at lumapit sa may tenga ko.


'Oh May GHADDDD!!!'




"You're blocking my way, Idiot..." napatulala naman ako matapos niyang sabihin iyon sa akin. Tumayo na ulit siya at hinakbangan lang ako. 


"isn't that too harsh?" narinig kong tanong ng kasama niya ngunit hindi ko din naman naiintindihan 'yon kasi english.



"Oh ano Max, wag ka na kasing umasa pa!" wika ng isang kaklase ko. 

"Never ka din naman magugustuhan ni Mr. Genus, kasi ni passing grade wala ka!" ouch ah, kung makapagsalita itong kaklase ko parang hindi kami na belong sa iisang section.


"Kayong lahat!" napatingin kami sa teacher namin at bakas sa mukha niya ang nag-aapoy na galit. 

"PUMUNTA KAYO SA FIELD AT IKUTIN NIYO ITO 20 ROUNDS!!!!!" nakakatakot siya, para siyang dragon na nakawala sa hawla.

Agad-agad namang nagsilabasan ang mga kaklase ko at tumungo na sa field. 


Pero bago ako sumunod sa kanila, napatingin muna ako doon sa hallway kung saan ko last nakita si Mr. Genus,


'Kahit anong sasabihin nila, malakas ang kutob kong balang araw magiging kami din ni Mr. Genus, 


...balang araw...'


"MR. GONZALEZ MAGIGING TAYO DIN!!!!" sigaw ko sabay taas ko sa kaliwang kamay ko.


"Ms. Ramerez! Tatakbo ka ba o ipapa-detention kita?!" nagulat naman ako ng bigla akong sinigawan ni teacher sa may tenga.



"Eto na po tatakbo na po..."


===

A/n: By popular demand, 

I'm happy to announce na magkakaroon na ng By Chance Book THREE. 


*PARTY BEAT TUGS TUGS TUGS TUGS TUGS* (such a effn' dork!)


With new set of characters but don't worry Andria, Tony and the rest of the gang will still be present. Madadagdagan lang sila.


Sa mga sumupporta sa By Chance One and Two, samahan niyo po ulit sina Andria at Tony sa parenthood stage nila at sabay-sabay din nating subaybayan ang bagong mga love stories na mabubuo along the way.


Sa mga humihingi ng epilogue, 

sensya na guys, isasave ko na yun para sa Book III. Antay-antay na lang muna tayo. 

'Patience is a Virtue' ika nga :D



First Chapter will be publish within the first week of September.



Thank you so much and I love y'all readers :)

*Unedited Version

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon