Chapter 18

3.5K 106 7
                                        

#LMAFightForLove

Pagkatapos umalis nina Tony at Andria ay umalis na din ang Laurel Sibling sa party. Pareho silang nawalan ng gana dahil sa nangyari.

"Why didn't you tell me na pagmamay-ari pala ng tomboy na yun itong resort na ito?!" galit na galit na tanong ni Pam sa kapatid nitong halatang bad mood din.

"Sasabihin ko naman dapat sayo kaso sa sobrang amaze mo pa lang sa pictures sinabi mo ng pumunta tayo dito!" sagot ni Paul sa kanya.

"So kasalanan ko pa toh?!" sabay turo ni Pam sa kanyang sarili.


Hindi na pinatulan pa ni Paul ang ate niya. Pareho silang mainit ang ulo, walang patutunguhan ang pagtatalo nila.


Naglakad-lakad muna silang magkapatid sa may tabing dagat bago bumalik sa kanilang kwarto. 

Paul decided to stay with her ate since magisa na lamang ito sa kwarto niya. Tahimik na nakatanaw sa labas si Paul habang umiinom ng kape si Pam sa may coffee table. Medjo nalasing kasi ito kaya sumasakit na ang ulo niya.


Pareho silang di makatulog.


"nakilala na tayo ng kalaban natin" pambabasag ni Pam sa katahimikan. ".. hindi na magiging madali itong laban na toh starting tomorrow Paul. For sure, magiging bantay sarado yung tomboy na yun!" nanggigigil na wika nito.

"Hindi pa huli ang lahat Pam" napatingin ito sa kanyang kapatid, "...Konting ihip na lamang ng hangin ay mapapasakin na si Chloe at makukuha na natin ang isang bagay na pinapahalagahan ng tomboy na yun bukod sa negosyo nila!"

"anong balak mo?"

Napa-evil smile naman si Paul, "you'll see.... Basta, all you have to do is to befriend our enemy."

~

Andria's POV

Nagising ako na wala na si Tony sa aking tabi. Nakaamoy ako ng masarap at alam kong luto iyon ni Tony. Napatayo ako at nakita ko siya sa may deck na nag gi-grill.

"Good Morning" ngumiti siya sa akin ng mapansin niya akong nakatayo malapit sa sliding door.

"Good Morning" ganting bati ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at nakahanda na yung mini table with all the food na kakainin namin for breakfast.

"Namiss kong ipagluto ka kaya naisipan kong maghanda ng breakfast in bed, kaso nagising kana eh." wika niya sa akin.

"ako na tatapos niyan" wika ko sa kanya at kinuha yung tongs na hawak-hawak niya.

"wag na ako na, konti na lang naman ito." binawi niya sa akin yung tongs, "upo ka na princess..." dagdag pa nito at hinila niya ang upuan.

'talaga bang kakalimutan niya lahat na nangyari kagabi?' tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ko siya.

Napansin kong medjo haggard naman yung mukha niya, 'd ba siya natulog?'

. . .

"kain ka lang ng kain" wika nito sa akin.

"papatabain mo ba ako?"

She chuckled, "hindi pero mukhang nangangayayat ka kasi ngayon"

"pumayat ka" dagdag pa niya.

"ehh?" bigla naman akong naconscious sa katawan ko, "eh, mas pumayat ka nga. Tingnan mo halos buto't balat ka na lang" sabay tawa ko.

"ahhh ganoon" she pouted.

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon