Chapter 42

3.8K 104 8
                                    

#LMAOneWeekServant

Tony's POV

"Good Evening Master..." bati sa akin ng guard na siyang nagbukas sa akin ng pinto patungo sa loob ng Hotel. Nag decisyon muna akong mag drop by sa G-Tower Palawan to stay for the night.

Nginitian ko lang yung guard at naglakad na ako patungong front desk.

"Nakahanda na po ang kwarto niyo Master, sa VIP" wika sa akin ng taong magaassist sa akin papunta sa kwarto ko. 

'Yung VIP Room -- doon kami palaging tumutuloy ni Andria sa tuwing pumupunta kami dito sa G-Tower Palawan at dito ko din siyang huling  nakasama na masyaa. Doon ko din naramdaman ang unti-unting paglayo ng loob niya sa akin.' nanginginig ang mga mata ko habang naaalala iyon.

"Master?" nag-aalalang tanong nito sa akin ng mapansin niyang nakatanga ako sa kawalan.

"Uhmm.. Ayoko sa VIP room. Hanapan mo ako ng vacant room sa pinaka simpleng kwartong meron tayo dito sa hotel." wika ko sa kanya. 

Agad naman itong nag bow at dali-daling tinupad ang utos ko.

Dinail ko yung number ng Manager ng G-Tower Palawan at inutusan itong, "..Gusto kong irenovate at ilipat ang VIP Room ko dito sa loob ng building. Ayoko na doon sa may shore. Sirain na ang room na iyon at kayo na ang bahala sa kung anong gusto n'yong ipalit doon. Piliin ninyo yung may pinaka overlooking na room dito sa hotel at yun ang magiging kwarto ko with all the furnishings and stuffs. Klaro?" pagkatapos nun ay agad ko ng binaba ang tawag at nag lakad na patungo sa inirequest kong kwarto.

Ng makapasok na ako ay agaran na akong nahiga sa kama at napatingin sa may kesame.


'Akala niya ah! Akala niya maiisahan niya na ako! Hah! Akala niya maiiwan niya na naman ako' panimulang bulalas ko. 

Yun yung rason ko sa agarang pagalis ko kina JanJan . Di naman talaga dahil sa may urgent akong gagawin. Gusto ko lang talagang iwasan siya. Di ko na kasi alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili ko. Ayokong magmukhang mahina sa harapan niya.

'At nagseselos ka din' wika ng alter ego ko na siyang ikinaupo ko mula sa higaan.

"Hindi kaya" kunot-noo kong wika. "Hindi ako nagseselos doon sa asungot na yun, hah!" sabay tayo ko at pumunta sa may balcony.

Nilasap ko ang malamig na hangin na tumatama sa aking mukha. 


Inhale



exhale



Kinuha ko yung phone ko at chineck kung may text ba akong nareceive.


*2 Unread Messages*


*open*

Love Me Again (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon